Kabanata 13

18.6K 175 4
                                    

Kabanata 13

"Stop crying, nakakasama sa'yo 'yan."

Natigil ako sa pag-iyak ng magsalita si Chad, kanina pa niya ako inaalo pero hindi talaga ako matigil dahil nasasaktan ako sa pag-alis ko. Mahal ko si Luke, mahal na mahal ko siya.

"Titigil ka o sasapakin kita?" banta sa akin ni Nari ng dumating siya galing sa kusina. "Stop it!"

Natahimik naman ako dahil sa banta niya, pinapatahan ako ni Ella na kanina pa tahimik. Napayuko lang ako at tinigil na ang pagdradrama ko. Enough of it, magsisimula ulit ako.

Kalaunan ay natuto din ako sa lahat ng bagay dahil sa mga tinuro nila Nari sa akin, I'm started to know everything even if It's a little things. Natutunan rin naman lahat.

Hindi madaling magsimula mula una pero naisip ko ang anak ko, hindi ko siya kayang pabayaan kung nagkataon. Kailangan kong mabuhay para sa sarili at sa anak ko.

"Hala, umuumbok na ng konti si baby! Awieee! Labas ka na diyan, baby! Excited na kami ni Mommy mo na lumabas ka!" hinalikan ni Ella ang tiyan ko. "Mahal ka namin, baby! Pakabait ka diyan sa tiyan ni Mommy ah? Wag kang makulit!"

"Tumahimik ka nga diyan, Ella! Naririndi ako sa'yo!" bulalas ni Nari. "Tigilan mo 'yang pakikipag-usap sa baby ni Ariz at baka mahawa pa 'yan sa kadaldalan mo!"

"Excuse me?" si Ella naman. "Mabait kaya ako!"

"Tigilan mo ako, Ella! Sasabunutan na kita!" nanlaki ang mata ni Nari kaya tumakbo agad paalis si Ella.

Inawat ko na sila at pinatigil na sa asaran nila para kumain muna, may pasok kami ngayon at sinadya talaga nila na pumunta dito para sunduin ako. Hindi naman nila kailangan e pero ang kulit nila kaya wala akong magawa kundi hayaan sila. Masaya ako na nandito sila palagi sa tabi ko. I'm contented of what I have now pero hindi ko maiwasan na makaramdam na parang may kulang sa akin na hindi ko ma-explain. I don't know.

Hinawakan ko ang konting umbok ng tiyan ko, masaya ako na nandito ang nag-iisang kakampi ko. I will love this baby completely even if Luke will never be. Hindi ko ipaparamdam sa anak ko ang mga naranasan ko kina Auntie at kay Luke. I will never do that.

"May klase tayo kay Sir Luke ngayon." panimula ni Chad. "Ayos ka lang ba?"

"Bakit naman siya hindi maging maayos, Chad?" sarkastikong sabi ni Ella. "Syempre Prof siya kaya maging maayos talaga si Ariz. Hindi naman siya siguro gagawa ng katangahan na ikakapahiya niya diba?"

Ngumuso lang ako dahil sa sinabi ni Ella, masyado siyang pranka at hindi talaga siya nagpipigil kung may gusto siyang sabihin. Wala siyang pakialam kung nakakasakit na siya basta masabi niya lang lahat ng nakikita niya.

"Nandiyan na si Sir." mahinang sambit ni Nari.

Napayuko ako ng agad magtama ang tingin namin ni Sir Luke. Agad tumaas ang leeg nila Nari at Ella na parang mga matang lawin na nakatingin sa gawi ko, naningkit ang mata ni Ella na parang iritado na siya dahil sa tingin ni Sir sa akin.

"Before you perform the waltz dance, I want you to personally talk to your partner to discuss everything that you need. And also I want you to practice the dance step perfectly. I don't want it seeing loopholes on this activity. This serves as your final grade for the finals." he stated coldly before he shift his gaze at me. "And you, Miss Cuevas---"

Nagtaas agad ng kamay ni Ella para pigilan si Luke sa sasabihin niya sa akin. "Sir, nandito naman si Chad e. He will be Ariz partner since he doesen't have a partner yet."

"You can't decide on that one, Miss Elleia Finnes." untag ni Sir. "She's not allowed to dance unless me."

"Ha!" napatawa si Ella ng sarkastiko. "Seryoso ka po ba? Ano po ba ang kondisyon ni Ariz? Bakit ayaw niyo po?"

Kissing The Winds (Alta Sociedad Series #1)Where stories live. Discover now