Kabanata 14

16.9K 156 13
                                    

Kabanata 14

"Ariz!"

Lumingon ako ng may tumawag sa akin, nakita ko si Kairos na papalapit sa akin kaya agad ko siyang sinalubong ng yakap. Miss na miss ko na siya, hindi kasi kami masyadong nagkikita dito sa school dahil busy siya at ganoon din naman ako.

"Kamusta ka? Tapos na ba ang klase mo?" masigla kong tanong. "Pasyal tayo?"

"Oo ba! Pwede ba tayo sa bahay?" ngumiti siya.

Hindi ako nakaimik agad kaya napakamot siya sa buhok, suminghap ako dahil sa totoo lang ay nagdadalawang-isip ako sa gusto niya. I just think of Luke? Pwede kasi na nandoon siya kung nagkataon? Hayys!

"A-Ayos lang!" nautal pa ako.

"It's okay! Pwede tayo sa---" I cut him off.

"Nandoon pa ba 'yong kabayo ko?" bulong ko sa kanya. "Gusto kong makita 'yon please! Nagdrama pa nga ako dahil gusto ko talagang dalhin 'yon noong naglayas ako! Nakalimutan ko tuloy dahil kay Luke. Hmp!"

Natawa siya. "Oo nandoon pa, inaalagaan nga ni Kuya e."

"Sinong Kuya?" umismid ako. "Si Luke ba? Si Kuya Ariel?"

"Ofcourse si Kuya Luke, sa kanya 'yon e." humalakhak siya. "Ang bitter mo amp! Ilang kilong ampalaya ang kinain mo?"

"Isang sako!" sarkastikong sagot ko. "Saya ka na ba? Kainis!"

"Heto naman oh! Hindi na mabiro! Wag ka ng mapikon sa akin, sige ka baka lumabas ang pamangkin ko na nakasimangot. Maganda pa naman si Mommy niya at gwapo din si Daddy pati si Tito Kai." tumawa siya.

Napaismid ako. "Maganda ako kaya natural na maganda ang baby ko, hindi siya maging kamukha ni Sir Luke dahil maging kamukha ko siya. Duh?"

"Asus oh! Tampo ka lang sa kanya e. Gusto mo ba na kausapin ko siya?" kumindat siya na ikinairap ko.

"Pupunta tayo sa inyo o uuwi na lang ako?" iritado ko ng tanong sa kanya, wala ata siyang planong kumilos e.

"Fine! Tara na nga! Galit ka naman agad!" sumimangot siya bago kami naglakad paalis papunta sa parking lot.

Hindi ko na siya inimik dahil alam ko sa sarili ko na guguluhin at aasarin lang niya ako sa Kuya niya, kainis lang! Hindi ko na nga naalala si Luke e tapos itong kapatid niya! Arghh! Nakakainis lang talaga si Kairos minsan!

Hininto niya agad ang jeep wrangler niya sa may rancho kaya nagmamadali akong lumabas para lapitan ang kabayo ko, gusto ko sanang sakyan 'yon pero baka mapagalitan lang ako ni Kai dahil nga buntis ako. Kahit gusto ko ay alam ko naman na bawal kaya ayoko ng pilitin kasi nga baka mapahamak lang ako.

"Hey!" hinihingal na sabi ko at hinaplos ang ulo ng kabayo. "Ang cute mo naman! Gusto mo, dalhin na lang kita sa bahay?"

Ngumuso ako at kinuha ang dayami bago ito subuan, natutuwa akong haplusin ang ulo nito dahil mabait ang kabayo at hindi ito pasaway. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko si Kairos na kasama ang mga trabahador nila at may nilapitan sa kabalyerisa. What are they doing there?

Akmang pupuntahan ko na sana sila ng may humawak sa kamay ko, kumunot ang noo ko ng makita si Sir Luke. Seryoso siyang nakatitig sa akin bago dumapo ang tingin niya sa maliit na umbok ng tiyan ko.

"Let's talk, Ariz." lumambot ang boses niya.

Malamig ko siyang tinignan. "Ayoko, Sir. Aalis na po ako."

"Are you avoiding me?" he asked in a confused tone.

"Obvious po ba na ayaw ko po kayong makausap? Can I go na po?" I stated politely.

Kissing The Winds (Alta Sociedad Series #1)Where stories live. Discover now