Kabanata 8

7.9K 100 0
                                    

Kabanata 8

Nakarating na kami sa office ni Sir kaya agad akong lumapit sa may table niya at kinuha 'yong strawberry na may takip pa. Agad kong nilantakan 'yon at hindi na siya pinansin.

"Sir?" nilingon ko siya.

"Bakit?" tinaasan niya ako ng kilay.

"Hmp! Sungit mo." ngumuso ako. "Magtatanong lang kung sasama ka ba sa prenatal check up ko?"

"I'll check my schedule tomorrow." tugon niya.

I sighed heavily. "It's fine. Ayos lang na hindi ka makapunta."

Tumango lang siya at may tinawagan sa phone niya, I heard that he called Agatha. Napasimangot ako, bakit ba kasi ang sweet pa nila kung pakapag-usap sila? Hindi naman sa bitter ako pero basta!

"Labas na ako. Thank you, Sir!" paalam ko sa kanya kahit hindi niya naman narinig.

Agad akong nagmadaling umalis ng office at hinanap si Nari, may gusto lang sana akong itanong sa kanya na importante. I know he will help me.

"Oh? Anong nangyari diyan sa mukha mo, Klariziee?" natawa si Nari. "Para kang asong ulol."

Sumimangot ako at tumabi sa kanya, inirapan ako ni Ella habang kumakain siya ng chichiriya. Kukuha na sana ako ng agad niyang pinigilan ang kamay ko.

"Bawal." inilayo niya ang chichiriya.

"Ang damot mo." umismid ako sabay subo ng strawberry ko. "Sana mabulunan ka."

"Leche ka, bawal sa'yo 'to dahil buntis ka." ungot ni Ella.

"Eh! Gusto ko ng---" Nari cut me off.

"Anong drama mo at bumalik ka pa dito?" pang-iiba ng usapan ni Nari.

Suminghap ako at natahimik lang ng ilang saglit, tinaasan lang ako ng kilay ni Nari at parang anytime ay bubugahan na niya ako ng apoy kapag hindi pa ako nagsalita. Natawa naman si Ella sa tabi ko.

"Excited much ka ba, Nari?" tumawa si Ella. "Chill lang! Nakakatawa ang hitsura mo!"

"Ano nga?" masungit na tanong sa akin ni Nari. "May maitutulong ba ako?"

I sighed heavily. "Eh kasi nga, naghahanap ako ng bahay na pwedeng rentahan."

"Huh?" kumunot ang noo ni Ella. "Para saan? Hindi ba nakatira ka na kina Sir Luke? Aanhin mo ang bahay?"

"Nakakahiya na kasi kina Sir e, alam niyo na. Ayoko naman na makaabala sa kanila kaya maghahanap na lang ako ng bahay." paliwanag ko. "Kahit naman anak ni Sir Luke ang dinadala ko, hindi ako aasa sa kayamanan niya. Kaya ko 'pang magtrabaho para sa sarili ko at sa anak ko."

Nagkibit ng balikat si Nari. "Bakit mo naman kailangang gawin 'yon kung kaya naman ng ama ng dinadala mo na buhayin kayo?"

"Nari." suminghap ako. "Ayoko lang na masanay kay Sir at mas lalong ayokong umasa ang anak ko na makukumpleto kami kapag dumating ang araw na magkamulat siya. At syempre nga, ikakasal na si Sir Luke kaya mas mabuti talagang dumistansya ako habang maaga pa."

"Tell us nga, nahuhulog ka na ba?" hinarap ako ni Ella.

Napalunok ako sa tanong na 'yon, hindi ko alam ang sagot diyan. He's comfortable naman kasama at nasasanay na ako sa turing niya sa akin kahit malamig siyang makitungo ay naramdaman ko pa rin ang pag-aalaga niya. As what I have said a while ago, ayokong sanayin ang sarili ko dahil paniguradong masasaktan ako sa huli kapag dumating ang araw na mahulog na ako kay Sir Luke.

"Natatakot kasi akong mahulog kay Sir, kahit naman kasi cold siya sa akin eh ang gwapo niya." ungot ko. "Plus mo pa 'yong cold aura at 'yong pag-aalaga niya."

Kissing The Winds (Alta Sociedad Series #1)Where stories live. Discover now