Kabanata 17

16.6K 162 14
                                    

Kabanata 17

It's been a week since that happen. Mamayang gabi na ang ball night kaya abala na si Ella at Nari sa pagpapaganda, nakahilata lang ako dito at walang ganang kumilos. Pwede kayang hindi na lang ako sasali sa event mamaya?

"Ayaw mo 'bang sumali, Ariz?" kumunot ang noo ni Nari sa akin. "Are you okay?"

"Ayos lang." wala sa sariling tugon ko. "Pwede kayang hindi na lang ako sasali?"

"Bakit naman? May masakit ba sa'yo? Masakit ba ang tiyan mo?" nag-alalang tanong naman ni Ella. "Sigurado ka 'bang okay ka lang?"

"Hmm." ungot ko. "May iniisip lang."

Nagkibit-balikat na lang siya habang si Nari naman ay bumalik sa ginagawa niyang pag-aayos, napaigtad ako ng tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito at lumabas muna ako.

Kumunot ang noo ko ng unregistered number ang tumawag sa akin, possible kaya na si Luke 'to? That's beyond impossible! May number ako sa kanya. Suminghap ako at tuluyan ng sinagot 'yon.

"H-Hello?" bati ko sa kabilang linya. "Sino 'to?"

"It's Agatha. I'm Luke's fiancee..." panimula niya sa kabilang linya. "Can we talk somewhere, Ariz?"

Napalunok ako ng magpakilala siya. It was Agatha! At gusto niyang makipagkita sa akin? Alam niya na ba ang tungkol sa kundisyon ko? Sasaktan niya ba ako because of what I've done? Alam niya na ba lahat?

"O-Okay sige, Agatha. Magkita tayo sa pinakamalapit na restaurant." mahinang sambit ko.

Agad niyang pinutol ang tawag kaya bumalik na ako sa kwarto para kunin ang bag ko, nanguguilt naman si Ella sa akin na sasama siya kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag na lang. Si Nari naman ay magpapaiwan lang dito dahil ayaw niya daw sumama sa amin.

Mas mabuti na rin 'yon, ayokong magkagulo kapag nagkataon. Mapipigilan ko pa si Ella kapag nagalit siya pero iba si Nari kapag galit kaya mas mabuting nasa bahay siya, babalik naman kami agad e.

Nalaman ni Ella ang pinunta ko sa resto kaya panay ang pigil niya sa akin pero hindi ako nakinig sa kanya. Papalapit na kami sa restaurant ng biglang hinawakan ni Ella ang kamay ko kaya natigilan ako at napalingon sa kanya, nag-aalala siyang umiling sa akin at tila ayaw niyang tumuloy ako sa pakikipag-usap kay Agatha.

"Maghintay ka lang sa malayo, Ella. Kakausapin ko lang si Agatha. Saglit lang 'to." ngumiti ako at hinawakan ang magkabilang-balikat niya. "Magiging maayos ako, promise ko 'yan."

Sa hindi kalayuan ay natanaw ko na si Agatha na kanina pa ata nakatingin sa akin, mag-isa lang siya at mukhang kanina pa siya naghihintay sa akin. Suminghap ako at naupo sa harap niya.

"Agatha." pilit ang ngiti ko. "Kamusta ka? How's the preparation for the incoming wedding?"

Mapait siyang ngumiti sa akin. "Wag na tayong maglokohan dito, Ariz."

Napatitig siya sa tiyan ko na may maliit na umbok at tuminghala para pigilan ang luha niya sa pagbuhos, napakagat-labi ako at nagpipigil din ng luha sa sobrang guilt. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula ngayon, sobrang naguguluhan at nasasaktan na ako dahil naiipit ako sa sitwasyon na dapat hindi ako kasali.

"Agatha, It's not what you think." umiling ako. "We didn't have any romantic relationship. He loves you to the point of giving up everything he have."

"Kung mahal niya ako, hindi niya ako lolokohin." naglandas ang mga luha sa pisngi niya. "Kung mahal niya ako, hindi niya ako sasaktan at gagaguhin ng ganito!"

"Agatha, I'm sorry." I cried silently. "M-Mahal ka niya, maniwala ka."

"I... I know, marami akong pagkukulang at pagkakamali na nagawa sa kanya, but deserve ko ba ang lahat ng 'to? Ang pagmukhain niya akong tanga? Sana pala hindi na lang naging kami kung lolokohin lang niya pala ako ng ganito... Fuck! Ang sakit!" humikbi siya. "Mahal na mahal ko si Luke, sobrang mahal ko siya kaya hindi ko siya kayang bitawan."

Kissing The Winds (Alta Sociedad Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن