Kabanata 18

17.5K 166 36
                                    

Kabanata 18

"Ariz, anak."

Agad akong lumapit kay Papa at niyakap siya ng mahigpit. Ang tagal kong hinintay na makasama ko siya at ngayon nandito na si Papa ko. Kasama ko na siya.

"Pa! Bakit ngayon ka lang?" umiiyak na ako. "Ang tagal kong naghintay, Pa. At thank you kasi nandito ka na. Please, don't leave me alone anymore."

"Hindi na ulit kita iiwan, Ariz." marahan na sambit ni Papa.

Natahimik kami ilang saglit ng biglang tumikhim si Mom na nasa tabi ni Papa, nakayakap pa rin ako sa Papa ko dahil namiss ko siya. Finally, my father is here. And my Mom also. May pamilya na ako.

"We need to talk with your father, Klariziee." Mom stated. "Privately."

Nagpaalam agad sila Nari sa amin na uuwi na, ngumiti si Ella sa akin bago nagpaalam na aalis na sila. Mom is now serious with her cold aura, si Papa naman ay ginulo lang ang buhok ko at ngumiti sa akin.

Bumitaw ako kay Papa at inaya sila Mom na maupo muna para makapag-usap kami ng maayos. Kumuha muna ako ng maiinom nila sa kusina bago ako naupo sa harap nila.

"You're pregnant." halos hindi makapaniwalang sabi ni Papa. "Totoo ba ang sinabi ng Mommy mo? De Gracia ang ama ng batang dinadala mo?"

"Opo, Pa." mahinang sagot ko.

"He used you, didn't he?" my father sighed heavily. "Alam niyang anak kita kaya ka niya ginamit, alam niyang ikakasal na siya but he didn't mind the consequences at all just to drag our business down."

"What do you mean, Papa?" naguguluhan na ako.

"He will marry the Zobel heiress, he was promised from the start. Alam niyang kakompetensya niya kami sa Winery industry at alam din niya na anak kita at ikaw ang kahinaan ko kaya niya nagawang pumasok at sirain ang buhay mo dahil gusto niyang mapabagsak tayo." malumanay na sabi ni Papa. "De Gracia siya at alam kong ayaw niyang natatalo siya, Ariz. And about your baby, kukunin niya 'yan sa'yo when the right time comes. Mga tuso sila kaya kayang-kaya nila tayong paikutin dahil makapangyarihan sila."

"Pa, hindi totoo 'yan! Magkakaayos pa kami, hindi niya kukunin ang baby ko." suminghot ako. "Magkakaayos kami ni Luke, Papa. Kahit sa anak na lang namin, believe me please. Hindi niya kukunin ang baby ko."

"How are you be so sure, darling?" untag ni Mom. "He will marry Agatha Zobel the day after tommorow and he have plans that he wants your child to be his alone. Kaya mo 'bang ipaalaga ang anak mo sa asawa niya kung nagkataon?"

"No!" umiling ako. "Sa akin lang ang baby ko! Ako ang ina niya kaya sa akin siya!"

"Aalis kami pauwi sa New York." sambit ni Papa. "Isasama ka na namin, doon ka na magpapatuloy sa pag-aaral."

Napanganga ako sa sinabi ni Papa, natigilan ako sa pag-iyak dahil doon. Aalis kami? Iiwan ko si Luke? Hindi ko ata kaya 'yon, kailangan ko siya. Hindi ko kayang iwan siya.

"Pa, mahal ko si Luke." pagmamakaawa ko. "Let me stay here."

"But he's not inlove with you! He is just using you!" mahinang sigaw ni Papa. "I don't want you to be hurt princess so please follow us. Aalis ka kasama kami."

"Ikakasal na siya so please wake up!" nilapag ni Mom ang invitation card. "Kung mahal ka talaga ng lalaking 'yon, he should be marrying you and not that Agatha! Ilang beses ko 'bang ipapaintindi 'yon sa'yo ha?! Hindi ka niya mahal at kahit kailan hindi ka niya mamahalin!"

"Stop it, Mom." I cried non-soundly. "P-Papayag na ako."

Maybe this is the best thing that I should do right now. Kung totoo na ginamit nga lang ako ni Luke para lang sa negosyo ay mas masakit 'yon, hindi ako nagbubulag-bulagan sa mga nangyayari dahil dati pa man ay ginamit niya na talaga ako. Siguro nga ay ito na ang paraan para tuluyan ko na siyang pakawalan at hayaang maging masaya sa piling ng iba. I don't want to be selfish this time. I want him to be happy. At alam ko sa sarili ko na maging masaya lamang siya kung wala ako at ang anak ko.

Kissing The Winds (Alta Sociedad Series #1)Where stories live. Discover now