Kabanata 6

8.1K 125 9
                                    

Kabanata 6

Nagluto ako ng hapunan para kina Auntie na kagagaling lang sa hospital, hindi nila ako kinikibo kaya ganoon din naman ako. Mas mabuti na rin 'yon dahil hindi ko alam kung paano ko sila pakikitunguhan ng maayos.

Hindi kami nagkibuan habang kumakain, seryoso lang na nakatingin sa akin si Auntie pero nag-iwas lang ako ng tingin. Agad akong nagtakip ng bibig ng maramdaman na parang may naghahalukay na kung ano sa sikmura ko, nagmamadali akong pumunta sa sink at nagsuka.

"Buntis ka ba, Ariz?" halos hindi makapaniwalang tanong sa akin ni Auntie.

"Nakita mo na?! Malandi ang batang 'yan!" sambit ni Uncle.

"Klariziee! Sino ang ama?!" halos maiyak na tanong ni Auntie. "Bakit mo 'to nagawa sa amin?"

Hindi ako sumagot dahil baka sumabog lang ako, ayokong sabihin na dahil sa kanila ay nangyari 'to dahil ayoko na ng gulo. Siguro titiisin ko na lang ang lahat ng ito.

"Auntie." pumikit ako para magpaliwanag. "Tama kayo, buntis ako."

"Ipalaglag mo 'yan!" untag ni Uncle. "Hindi ko pananagutan ang batang 'yan!"

Kumuyom ang palad ko sa sinabi ni Uncle, ang kapal ng mukha niya para utusan ako e hindi ko naman siya kadugo? Anong karapatan niya para sabihin sa akin 'yan? At papanagutan? Nakakaputangina lang talaga eh!

"Wala kang pananagutan, Uncle!" madiin at puno ng hinanakit na sinabi ko. "Dahil hindi naman ikaw ang ama ng nasa sinapupunan ko! Ang may karapatan lang sa batang 'to ay ako at ang kanyang ama!"

Malakas akong sinampal ni Uncle na ikinaiyak ko, walang emosyon si Auntie ng tingnan ko siya para tulungan ako. Pinunasan ko ang mga luha ko at hinarap silang dalawa.

"Wala kayong karapatan sa akin." mahina at madiin na pahayag ko. "Hindi ko ito ipapalaglag dahil lang sa kagustuhan niyo at hindi ako magpapakasal!"

This time ay nasampal na naman ako ni Auntie Lusing, mapait akong ngumiti sa kanya. All my life, tinitiis ko sila. Lahat ginawa ko para sa kanila pero ano 'to? Bakit nila ito ginagawa sa akin? Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong ginawang mali!

"Lumayas ka sa bahay na 'to at wag na wag ka ng magpapakita sa amin!" marahas akong itinulak ni Auntie dahilan para mapaupo ako sa sahig.

Napaiyak ako at hindi makapaniwala sa sinabi ni Auntie, pumunta agad ako sa kwarto ko at kinuha ang lahat ng gamit ko. Nagmamadali akong lumabas ng bahay pero hindi pa nga ako nakakalayo ng hawakan ako ni Uncle Carding.

"Bitawan mo ako, Uncle!" pumiglas ako sa marahas na hawak niya sa aking braso.

"Malandi ka talaga 'no?! Putangina ka, Klariziee! Nagpabuntis ka pa talaga!" sigaw niya sa sobrang galit bago ngumisi. "Papanagutan ko ang batang 'yan basta akin ka!"

"Hindi!" sinubukan kong itulak si Uncle pero sinakal niya ako dahilan para hindi ako matigil sa pag-ubo, halos mawalan na ako ng ulirat.

"Kung hindi ka man lang maging akin, Klariziee. Mas mabuti 'pang patayin na lang kita!" mas sinakal niya pa ako ng mahigpit.

Napaubo ako at nagmamakaawang bitawan na ako ni Uncle dahil nag-aalala akong madamay ang bata na nasa sinapupunan ko. Sinubukan ko siyang itulak ng biglang may nagpaputok ng baril malapit sa gawi namin.

"Let go of her or I'll blow your brains out." a man in a cold baritone voice stated.

"Mr. De Gracia." halatang gulat si Uncle ng makita ang lalaking nasa harap niya ngayon.

His dark aura screams ruthlessness and coldness, nakasumbrero siya at humithit sa kanyang sigarilyo. Hindi niya inalis ang baril sa sentido ni Uncle Carding.

Kissing The Winds (Alta Sociedad Series #1)Where stories live. Discover now