WA 13 - Unleash The Codes

Magsimula sa umpisa
                                    

Nang sinabi na ni Dilus na pwede na kaming pumasok, hindi ako nag dalawang isip na kumapit kay Uryll. He just looked at me bago kami kainin ng dilim. Inside the vortext is so cold. Para kaming nasa loob ng isang whirlpool dahil parang hinihigop kami ng pwersa.

Pagkalabas namin ng vortex, nasa bukana na nga kami ng Academy. Ilang minutong lakad lang at nasa mismong gate na nga kami.

"Hanggang dito na lang kami." Sabi ni Cosdyn. "We'll just watch you both walk until the guards let you in." Sabi niya.

Tumango kami pareho ni Uryll. Nagpasalamat ako sa kanila sa paghatid sa amin. Pagkatapos, tumakbo na ang dalawa papasok sa isang makipot na daan.

May mga nakaabang palang mga night watchers sa amin. Nang pagkasarado ng malaking gate, there are three night watchers stood behind us. "They will walk you home. We will secure the perimeter." Utos nung head ng security.

Nauna kaming maglakad ni Uryll pabalik sa Cisos habang nasa likuran namin nakabuntot ang tatlong guard na pinasama sa amin.

Madaling araw na kaya tahimik na ang paligid. Lahat ng ilaw ay nakapatay na maliban na lang sa ilaw na dadaanan namin. Malamig na hangin ang kumakapit sa balat ko. Ngayon lang ako nakalabas sa Cisos ng ganitong oras kaya naninibago ako. Napansin kong maraming nagbabantay sa bawat sulok ng school.

Pero bakit ngayon maraming nagbabantay? Is it possible na may makapasok na masama dito? As far as I know, guarded ang buong school ng barrier na pumoprotekta dito.

Walang ano-ano pa, pumasok na kami sa Cisos.

"Go and rest, Nathalia." Naunang umakyat sa akin si Uryll. Naiwan akong napabuntong-hininga sa sala. Naupo ako sa sofa dahil wala pa ako sa mood na umakyat. This day has been tiring. Nakakapagod ang mga pangyayari. My soul is still alive kaya hindi pa ako dinadalaw ng antok. Isinandal ko ang ulo sa headrest. Napatingin ako sa ceiling at napabuntong-hininga.

"Buhay nga naman."

I closed my eyes trying to contemplate.

When I opened it. My vision became blurry. Pikit-mulat ang ginawa ko habang nakatingin pa rin sa ceiling. Paulit-ulit ako sa pagkurap baka bumalik kaagad ang paningin. At the very last opening, I saw something.

It's a... pinikit ko ulit ang mga mata ko dahil nawawala ang nakikita ko. Nagiging mas blurry na naman. Nang minulat ko ulit, tanging 'yon lang ang nakikita ko. Nakalutang 'to. Parang nakaukit siya pero ang nakakapagtaka, nakalutang siya sa ere. Pinipilit kong ayusin ang paningin pero hindi ko talaga makita ng maayos.

I focused on that thing...

I can't understand what it is. It's like a symbol or something.

May lumabas na parang arrow. It's pointing east > But in its lower part, may namumuo na namang symbol. Unti-unting naglalaho ang unang simbolo kaya itinuon ko ang atensyon sa bago.

I don't understand why I am seeing these things! Lately, maraming nangyayari sa buhay ko na hindi ko magawang maipaliwanag dahil kahit ako ay naguguluhan talaga. Or maybe, there's something in it. Paulit-ulit ako sa pikit-mulat hanggang sa lumilinaw ang paningin ko at naging, B ang sumunod na lumabas. Hinintay ko ang paglaho ng ikalawa at ang unti-unting namumuong usok na nagiging katulad nung sa nauna.

Naging maliit at hindi ko makita ng malinaw. Tumayo na ako at pumatong para makita ko ng malapitan. Mabuti na lang at wala na ni isang tao sa living room maliban sa akin. ^ > ang sumunod na simbolo. Hindi ko na masundan kaya kumuha ako kaagad dahon at isang matulis na bato—swerte at meron kaagad. Wala akong makitang papel at wala na akong oras pa para kumuha ng isa. May mga halaman rin sa loob ng Cisos kaya kahit bawal, pumitas ako. Mabilis na nagbabago ang simbolo kaya kailangan ko ring maging mabilis.

Worthwood AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon