Fallible Fellow

127 11 3
                                    

Napatayo na lang ako sa aking kinauupuan sabay lingon kay Ranz na may kaparehas na expresyon sa akin. Matapos umalis ng aming guro ay naiwan kaming dalawa at sabay na nanlaki ang mga mata, tulala sa isa’t isa.

“Ano pa ang hinahantay mo, come on!” Tumayo siya at dali-dali na hinablot ang aking kamay pero bago niya pa ako hatakin palabas ay hinigpitan ko ang hawak sa kaniyang kamay.

He turned to me, his eyes widened, his face beet red. “Wait lang— I . . . ‘yong lucky charm ko.” His face immediately dropped, bashfully turning away.

Matapos kong makuha ang aking lucky suklay ay patuloy na kaming naglakad. We walked slowly as if the time too has stopped, hand by hand, we walked in the corridors.

His grip tightened, I looked at him with a big question mark on my face, he avoided my eyes and suddenly stopped. “I’ll be here, always.”

He tried letting go of me but I grasped his hand tightly. “Alam ko,” pabulong kong pagdaramdam. Binitawan ko ang kaniyang kamay sabay harurot palayo sa kaniya, lumingon ako sa huling pagkakataon at nginitian siya. “Watch me, okay?!”

I ran away, seeing his subtle smile for the last time before proceeding to the dressing room where Stephanie was waiting for me. “Hoy! Babae, ikaw!” Agad niya akong pinaupo at nagsimulang ayusin ang aking buhok.

I sat there quietly. “ . . . galit ka?” pabulong kong tanong dito habang siya ay napakamot ulo.

“Akala ko tatakasan mo na naman ‘to, ‘yon pala may pa-sweet moment pa kayo ni Ranz . . . hope all may time pa sa love.” Patuloy niya akong inayusan, and after minutes she looked at the mirror staring at me.

“Oh, bakit? So quiet mo!” pabiro kong bulyaw, I stood up facing her and whispered, “H’wag kang mag-alala, okay? Ako lang ‘to si Akira—”

Nagulat akong nang biglaan niya akong yakapin, pagdaramdam niyang bulong, “Akala ko talaga— I, I’m so happy for you . . . Akira!” Naramdaman ko ang luha niya na pumatak sa aking balikat, I gently tapped her back, holding back my tears before I even ruin my make-up.

“Thank you ah . . . sobra-sobra Stephanie, for everything,” I whispered as I slowly let her go. I stared at her glistening ocean like eyes.

“Ano ka ba! Tara na magbihis ka na, ikaw na lang ang nandito oh, number four ka pa naman! Let’s go na!” She abruptly brushed off her tears, dragging me to a room, handing me the Filipiniana. “Akira, baka . . . mapanghinaan ka ng loob mamaya, pero ‘wag, you are perfect the way you are . . . do you best,” she whispered as she shuts the door between us.

I dress up, hearing her mumble something blurry. “Si Ma tyaka si Pa? Asan na sila?” I asked trying to escape the awkward silence.

“Ay! Oo nga pala, nakalimutan ko sabihin, umuwi muna sila para mag-prepare— I mean nahihilo raw kasi si mama mo . . .”
“Ah . . . talaga ba? Sige—”

She knocked faintly three times as she mutters, “Knock-knock.”

I hold back a chuckle. “Who’s there?” sagot ko na may halong pagtawa.

“Akira,” she replied quite hesitantly matapos kong maisuot ang Filipiniana. Hinbalot ko ang door knob ngunit parang pinipigilan ako ni Stephanie na nasa kabilang banda.

Tinigil ko na ang pagsubok na buksan ang pinto at sumagot, “Akira who?”

“H’wag kang susuko.” Nang tuluyan kong mabuksan ang pinto’y hindi ko na siya natanaw.

Lumakad na ako suot-suot ang Filipiniana na aking natipuhan. Simple lamang siya, walang kadisenyo-disenyo ngunit para sa akin ay . . . magarbo na. May i-isang pattern, at haba nito’y abot sakong ko, kulay nito’y halos ka-kulay ng aking balat, kayumanggi na may halong kaputian. Muli akong humarap sa salamin habang nakapamewang. “Hindi ba’t napakaganda?”

Namataan ko ang sakit na tinuring kong sumpa noon . . . sakop nito hindi lang ang ulo ko ngunit pati na rin ang ibang parte ng aking balikat at batok. Ang buhok kong nag silbing takip ay wala na . . .

“Will they accept me? No, that’s not the question right?” I walked away from the mirror and put on my doll shoes.
“Have I accepted myself?”

I was woken up by the emcee’s sudden announcement from the loud speaker. “For their last walk, our contestants will wear Filipiniana and Barong . . . we will start after a few minutes.”

I pulled my dress a bit higher as I pick up my pace walking briskly on the empty halls, it felt peaceful being alone, at least for a second . . . I entered backstage and immediately wished I didn’t.

The contestants’ eyes followed me, they scanned me from top to bottom trying to hold back their laughter. Parents and teachers are no exception.

Hindi ko maiwasang i-kompara ang sakanila sa kung anong suot ko. Mas lalong naging simple ang sinuot ko matapos makita ang magagarbong Filipiniana’t mga Barong nila, samo’t saring mga kulay, mga nakaaakit na disenyo, mga bagay na meron sila na wala ako.

Hindi ba’t parang naiiba na naman ako, sino nga bang nagsabi na magsuot ng simple, bakit pa nga ba ako umasa na magiging ayos na ang lahat.

“Ito na ba ’yon, Steph?” pabulong kong tanong sa sarili ko. I grasped my Filipiniana tightly, gritting my teeth.

I felt a hand on my shoulders seeing a parent— no, an officer who wore almost the same Filipiniana as mine, even her’s was a bit more gorgeous than mine. “Parehas tayo ah,” pabiro nitong pagwawari matapos kong lumingon sa kaniya.

Sinubukan ko na lang ngumiti at tumango dahil pawang katotohanan lang naman ang sinabi niya. “Ah, oo nga po ’no,” pilit kong sagot.

Tinapik niya ako sa likod at umalis nang may pabulong na tawa, and out of a sudden, a fellow constant stood in front of me wearing a flat look yet still forced a smile.

“Iyan ba ’yong Filipiniana mo?” pagmamata nito ngunit hindi pa ako nakakasagot ay may padagdag na siya. “I didn’t mean to say it like that, tanong lang.”

Just because you said you didn’t mean, doesn’t make it any better . . . I shrugged tiredly, and replied at least with a smile, “Yes, actually.”

She scanned me for the second time, hindi siya umimik o sumagot, tumango lang siya sabay alis. Bigla-bigla siyang lumingon sa akin. “Maganda naman siya.” Hindi na ako sumagot ngunit bago pa ako makahinga ay tinawag na kami ng isa sa mga organizer para pumila sapagkat magsisimula na raw pero hindi pa ’ko ready!

Napilitan akong pumila dahil sa harap ko ay isa sa mga nabansagan na terror na teacher, tahimik akong nag-antay habang ang iba’y tinatawag na papasok.

Rinig ko ang mga hiyaw at palakpak ng mga tao sa tuwing may pumapasok na kalahok, katulad ko, lahat sila’y namangha sa mga magagarbong suotin nila.

I looked at myself, as plain as I can be, maybe . . . there’s an award for that? Sana, kung meron lang talaga, ako na champion sa suot ko na ’to.

Paunti nang paunti ang mga tao sa pila, and the closer I was on the stage the sicker I felt, time out muna please! Susunod na ako— my soul almost escaped my body, hearing the emcee calling me. “Our fourth contestant, Akira Agustin!”

Sa pagpasok ko’y isang bagay lamang ang napansin ko . . . walang nagbago. Para ba silang pinilit na pumalakpak para sa akin, minata nila ako na para ubod ng sama ko.

But . . . luckily the judges didn’t see me like how they did, they looked at me just like how they did to other contestants and they smiled at me as I pace myself slowly, giving my best in everything, the smile, the walk. I almost felt like I wasn’t any different than the rest . . .

Matapos ang saglit na oras ko sa entablado ay lumakad ako papunta sa kina-uupuan ng iba, rinig ko na agad ang mga bulong ng mga tao sa likod ko bago pa ako makaupo.

“Iyan na ’yan? Tignan mo naman ’yong kasama niya . . . ano naman kung kalbo siya, akala niya maaawa ang judge sa kaniya? Bahala siya,” pagbubulas nito.

Ganoon ba ang tingin nila, paawa ba kamo . . . it’s so easy to judge someone you don’t know right? Sobrang dali, sobrang dali rin makasakit ng tao na hindi mo naman kilala.

Pero grabe nga naman, hindi ko maintidihan kung anong gagawin, kasi . . . parang paulit-ulit lang naman, parang may cycle nga talaga.

Para bang . . . susubukan kong lumaban, akala ko okay na, tapos sa dulo para sa wala lang naman pala ang lahat at sakit lang talaga ang makukuha . . . then back to the beginning. Kailan ba matatapos ’to—

Out of nowhere I heard Stephanie shushing the person behind me. “Ikaw kaya ang pag-usapan namin, doon ka nga.” Nang hindi hinahayaan na sumagot ang babae ay itinaboy nila ito at umupo sa mga upuan nito.

“Wala lang ’yon, inggit lang,” aniya ni Stephanie sabay tapik sa balikat ko. “Akala ko tatakbo ka talaga, seryoso.”

“Ikaw pa-mysterious ka ’no? Iniwan mo akong natataka sa k’warto, hindi mo manlang ako binalaan na mangyayari ’to.” She gave an awkward smile, glancing at the two guys.

“Sorry not sorry, ayoko lang tumakbo ka bigla-bigla, pero hayaan mo na, at least diba . . .” I sighed in response turning to the contestants who’s having the exact opposite treatment as I did, but . . . they deserve it in a way.

“Hindi ba’t parang cycle lang ang nangyayari . . . baka kasunod nito, sakit na naman, na dapat hindi ko na lang itinuloy o sinubukan,” saad ko sa kanila pilit na iniiwasan ang kanilang mga pagtingin.

Bigla kong narinig ang malambot na tinig ni Ranz. “Simple lang naman, magbago ka. Dahil walang magbabago kung hindi mo uumipsahan sa sarili mo. Uulit at uulit ’yan hangga’t hindi ka natututo. Tulad ng dati, nasa sa ’yo lang ’yan.”

Bago pa ako makasagot ay muli kaming tinawag para sa huling pagkakataon bago magsimula ang coronation . . .

Sa pagkakataong ito ay sabay-sabay kaming umakyat sa entablado, hindi pa rin maalis ang mga pabulong-bulong ng mga tao . . . I did everything that I could, would it be enough? I showcased every bits of what I can do, I flaunt my smile, my walk, pati na ang aking pangkaraniwan na Filipiniana.

Matatapos na ba ang paulit-ulit na pangayayari? Tama ba na lumaban ako o, dapat hindi ko na lang sinubukan?

Ilang segundo’t oras na lang, masasagot na ang lahat . . .

Matapos ang ilang minuto na pag-aantay, bumalik sa entablado ang mga emcee na hawak-hawak ang resulta na pinaka-aantay namin.

“Let’s announce the winners for Mister and Miss Elegance for this year.”

END

Misfits Series #2: Clear Your HeartWhere stories live. Discover now