Listen

177 18 12
                                    

How is it so hard to just understand me?

He stared at me for seconds mostly at my shoulders, he looked so blank, his lips parted, unable to speak. “Oo na, alam ko . . .”

“Goodness, you look—”

“Sabing alam ko na nga, I get it, okay!” I yelled as I cover myself with a jacket.

“I thought so,” he said as he looks away, then glaced at me with a somewhat covetous eyes. “Anyways, I hate it.”

“It bothers me to let other people see you, baka mamaya pati sila mahulog na sa ’yo, diba akin ka lang?”

The both of us were in silence as Ranz escorts me out of the room to the kitchen. We walked down the stairs when I stopped, staring at him with a confused look. “You are weird,” I said as he huffs, mumbling words na naman hindi ko maintidihan.

Napalingon kami nang makita si papa na sumalubong sa amin. “Anak.”

Lumapit ako ngunit nilagpasan lang ako ni papa, casually patting Ranz’s back as Ranz sticks his tongue out. “Part na ‘ko ng family niyo, napaka-swerte mo Akira, apelyido ko makukuha mo,” dagdag pa niya bakas ang pang-aasar sa mukha nito, habang pinipilit na hindi tumawa ni papa.

I continued to look at them, smiling so happily. “You look like a family.” My eyes shifted to mom, shouting at the phone.
“Can’t we be like that . . . even for once?” I could only whisper in the air.

“Akira! Aalis muna kami ni Paps, ah! Punta lang kami ni father-in-law sa store, may gusto ka ipabili— ah, alam ko na! Bye-bye!” The both of them giggled as they leave the house, Ranz giving me a knowing look bago sila umalis.

I was left alone with mom . . . and only silence spoke.

Maybe, I could— “Ma, alam niyo po ba, nanalo ako sa pageant. Sa finals . . . punta po kayo, ah . . .”

She kept typing, without even looking at me and answered, “Okay, I’ll try.”

“Ma, hanggang kailan?” I finally caught her attention, she stopped, shifting her piercing gaze to me. “Ma . . . ilang beses mo na nga po ba sinabi ‘yan?” She was about to shout when my feelings exploded that I couldn’t help myself anymore. “Ma! Anak pa nga po ba ang turing mo sa akin?”

“Ano na naman ‘to! H’wag mo kong pinag-tataasan ng boses, tandaan mo, ako ang bumubuhay sayo! Ako ang nag-papakain sa pamilya na ‘to!”

“We’re a family . . . then, why can’t we act like one!” She walked up towards me, her hands raised, I closed my eyes shut but just when I was prepared, she stopped mid-air.

“I did everything! Tapos ‘yan ang sasabihin mo?! Ibinigay ko lahat ng gusto niyo! Ano pa—”

“Ma, wala akong ibang gusto . . . kayo lang naman ang kailangan ko, kayo ni papa, ‘yon lang naman ma, kailan niyo po ba ‘yon binigay?”

She froze, she looked at me in disbelief. “Ah, Ma! Nasasaktan na rin po ako, sinasaktan ako, alam niyo po ba ‘yon?”

“Kasalanan ko ba? Bakit hindi mo sinabi sa mga teacher mo? Bakit hindi ka mag-sumbong? Pati ba naman ‘yan isi-sisi mo sa’kin?” Unti-unting nanghina ang boses niya habang dahan-dahan niyang ibinaba ang kaniyang kamay.

“Oo nga naman po, bakit nga ba hindi, sa totoo lang, Ma? Mas may pakialam pa sila sa akin! Ano bang magagawa mo kung masyado kang mahina para lumaban. And Ma, walang magagawa ‘yan, nag-sumbong na ako pero ang nga bang nangyari sa akin? Mas lalo pa akong sinaktan, pati kaibigan ko nadamay . . . Ma, alam niyo ba ‘yon?”

“D—Dapat sinabi mo sa’kin!”

“Hindi po ba’t ilang beses na? Narinig niyo, Ma, hindi niyo lang pinakikinggan.”

“What do I need to do just to make you look at me? Have you ever said the words, I’m proud? I’m lucky to have you, or even a simple I love you?”

“Ma, for sixteen years, ‘yon at ’yon lang ang hinahanap-hanap ko ma,” I uttered as words seems to be stuck at my throat. She looked at me with tearful eyes.

“Akira—”

The door opened out of nowhere, pareho silang napatigil sa paglalakad, ang mga halakhak nila’y napalitan ng pag-aalala nang makita kami na halos pa-luha na. Tumakbo ako pa-alis papunta sa aking silid at dali-dali itong isinara sabay sa tuluyang pagbuhos ng mga luha.

“M—Ma, where are you when I needed you the most? Ma . . . parati naman akong nasa tabi mo pero bakit parang hindi mo ako nakikita?”

I wiped the years away, hearing a knock on door. “Anak si papa ‘to . . . alam mo, kasalanan ‘to lahat ni papa.”

“Kung hindi lang ako na-baon sa utang, hindi na dapat nag-hihirap ang mama mo, hindi ka na dapat umiiyak, patawarin mo ‘ko anak.”

“Alam mo na may Psoriasis din ang papa diba? Pero hindi tulad mo, ako itinago ko, hindi mo hinayang kahit na sinong tao ang makakita kasi takot ako, takot ako na baka matulad ako sa nangyayari sa ’yo ngayon.”

“Masyado akong naging mahina Pa, kung itinago ko na lang sana—”

“Anak nag-sisi ako, buong buhay ko kinailangan ko mag-tago, buong buhay akong nanirahan sa takot, pero isang araw, no’ng nakita ‘to ng mama mo, wala akong ibang naramdan kung hindi takot dahil baka pati siya pandirian ako at hindi ako matanggap. Pero mas lumapit pa siya sa akin, naalala ko pa kung paano niya sinabi na gagamutin niya ako. Ikaw at ang mama mo, ang nag-mulat sa akin sa katotohanan.”

“Sobrang proud ako sa anak kong si Akira!” Sigaw nito, overwhelmed for the first time, the words that I thought I’ll ever hear from them . . .

“Gusto lang ng mama mo na, humanap ng paraan para gumaling ka, kasi ayaw niyang matulad ka sa akin na duwag, gusto niyang imulat ka sa realidad, gusto ka niyang maging malakas, bawat oras na hindi ka niya nakikita, tinatawagan niya ako sabay tanong kung anong ginagawa mo.”

“Mahal na mahal ka ng mama mo, mahal na mahal ka namin!”

Tears fell but the feeling I’m feeling right now is not sorrow but joy . . . I opened the door and immediately hugged my father. “I love you Pa . . .”

At matapos ang kaunting sandali, sabay kaming bumaba papunta sa kusina, nakita ko si Ranz na naka-ngisi katabi si mama. “Anak hindi ako naging mabuting ina, patawad . . . akala ko tama ang ginagawa ko, akala ko masaya kayo pero, mukhang nag kamali—”

Tumakbo ako papunta sa kaniya at  niyakap siya nang sobrang higpit. “Ma . . . mahal kita— kayong lahat,” sambit ko sabay tingin sa akin ni Ranz na pangisi-ngisi sa gilid.

He pointed himself and with a mischievous smile. “Even me?” he mouthed as I firmly shake my head. Hearing my mother chuckle lightly, I hugged her even more tightly.

This feeling of warmth that I’ve been longing to feel, a mother’s love, is this it?
Lumapit si papa, pati na rin Ranz at niyakap namin ang isa’t isa nang biglang sumigaw si Ranz. “What a happy family!”

Dahan-dahang naming binitawan ang isa’t isa at nang makita ko ’yong pinamili nila ay agad ko itong hinalungkat. Eh— wala naman silang dala-dala na pag-kain para sa akin, puro grocery lang. “Akala ko ba alam mo ’yong gusto ko?”

“Oo nga!” Lumapit siya sa akin sabay halungkat sa plastic.

“Eh, asan na nga, bilisan mo na!” sigaw ko dito nang bigla itong lumingon sa akin nang may kakilabot-labot na ngiti—

May hinablot siya sa plastic at itinago sa likod niya sabay lapit sa akin. “Sigurado ako na gustong-gusto mo ‘to.”

Nilabas niya ang mga kamay niyang wala namang laman. “Charan!” Loko.

“Eh?! Asan na?!”

“Ano bang gusto mo, nandito na ako, ah!”

“Weird mo—” Sa unang pag-kakataon kami’y masayang nagsalo-salo, muling nag-balik ang saya at ligaya ang aming tahanan.

At kung panaginip man ang lahat ng ito, sana’y hindi na ako magising.

END

Misfits Series #2: Clear Your HeartWhere stories live. Discover now