Chapter 81

7.3K 107 1
                                    

Pagdating ko sa office ni Kiel ay huminga muna ako ng malalim saka ako kumatok. Naghintay ako ng ilang sandali pero wala akong natanggap na sagot.

Muli akong kumatok at narinig ko ang galit na sigaw ni Kiel. "Isang katok niyo pa tatanggalin ko na kayo sa trabaho."

Natigilan naman ako at nabigla sa bagsik ng boses niya. Humugot ako ng malalim na paghinga saka ko pinihit ang door knob.

Marahan kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang nakatulala na si Kiel habang nakaupo sa may maliit na sofa hawak ang baso ng mamahaling alak.

Nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ay marahas siyang bumaling dito na naniningkit ang mga mata.

Nang makilala niya ako ay lumambot ang ekspresyon ng gwapo niyang mukha.

"Renz?" sambit niya.

Sinikap ko naman siyang ngitian pagkatapos ay tuluyan na akong pumasok at isinara ko ang pintuan.

Lumapit ako kay Kiel saka ko inagaw mula sa kamay niya ang baso ng alak na hawak niya. Dinampot ko rin ang bote ng alak malapit sa kanya saka ko inilagay ang mga iyon sa lagayan.

"Hindi mo kailangan maglasing Kiel." sabi ko sa kanya saka ko siya tinabihan sa pagkakaupo niya.

Tahimik pa rin si Kiel. Hinintay ko siyang magsalita hanggang sa mainip na ako ay wala akong narinig sa kanya.

Sinulyapan ko siya at nahuli ko ang malalamlam niyang mata habang nakatitig sa akin.

"Patawarin mo ako Renz. Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko kanina. Hindi ko kayang makita ka na may kayakap na ibang lalaki. Nasasaktan ako." bulong niya.

Ngumiti naman ako aa kanya saka ako yumakap sa katawan niya. Iniakbay naman niya sa balikat ko ang kaliwang braso niya upang mas mayakap ko siya ng maayos.

"Wala kang dapat ipagselos dahil wala naman kahulugan ang nakita mo sa park kanina." sagot ko.

Nilaro ng daliri ko ang isang butones ng suot niyang longsleeve polo hanggang sa makalas iyon.

"Hindi ba nag-usap na tayo na hindi mo na ako tatakbuhan kahit kailan?" sabi ko sa kanya.

Sumimangot siya saka niya ako mas hinila pa upang lalo akong mapasiksik sa maskuladong katawan niya.

"Kung sinagot mo lang sana ang mga tawag ko kanina at kung nagpaalam ka lang sana ng maayos ay maiintindihan kita." nagtatampo pa rin niyang sabi.

Hinila ko ang mukha niya upang mapabaling siya sa akin. Nagtama ang mga tingin namin at dinampian ko ng isang mabilis ngunit masuyong halik ang mga labi niya.

"I'm sorry. Kasalanan ko pero sana hayaan mo akong magpaliwanag sayo ngayon."

Ngumiti naman siya. "Okay!" sagot niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Hindi nagtagal ay inangkin na niya ang mga labi ko at wala na akong ibang nagawa kung hindi ang kumapit sa balikat niya at tumugon sa mapangahas niyang mga paghalik.

Mas lumalim pa ang mga halik ni Kiel at tuluyan na akong napakapit sa batok niya habang malugod na tinatanggap ang bawat dampi at galaw ng masarap niyang labi.

Ilang sandali pa ay namalayan ko na lang na naiangat na pala niya ako patungo sa kandungan niya saka niya ako pinaliguan ng masusuyong halik sa leeg ko.

"Uhhhh!" daing ko nang maramdaman ko ang stubbles niya sa sensitibong balat ko.

Nagpatuloy sa paghalik sa akin si Kiel at naramdaman ko ang dila niya na naglalakbay sa leeg ko.

Niyari ni Addy Series #1 - FlickerWhere stories live. Discover now