Chapter 64

7K 126 0
                                    

Kiel's POV Part 1

Nakangiti ako habang inilalapag ko sa kama si Renz. Napakagaan lang niya. Sa edad niyang bente uno ay para lang akong nagbuhat ng papausbong pa lang na teenager.

"Magpahinga ka lang diyan. Ako na ang oorder ng pagkain natin." sabi ko saka ko siya kinindatan.

"Bakit mo ba ginagawa ito?" tanong niya.

Sumulyap lang ako sa kanya saka ko kinuha ang cellphone ko.

"Alam mo ang sagot sa tanong mo Renz." sagot ko naman. "Ikaw bakit mo ba ginagawa yan?"

"Ang alin?" maang na tanong naman niya.

"Yung patuloy na pag-iwas mo sa akin kahit alam naman natin pareho na mahal mo pa rin naman ako." seryosong sabi ko.

"Hindi ko sinabi na mahal pa rin kita. Ikaw lang ang nag-aassume." depensa naman niya.

Napangiti naman ako sa isinagot niya. "Kahit hindi mo naman sabihin nararamdaman ko iyon."

Hindi na siya sumagot pa at nagsimula na akong magdial sa telepono. Nag-order ako ng pagkain at habang naghihintay kami ay nagshower muna ako.

Hinayaan kong banlawan ng malamig na tubig na nagmumula sa shower ang init na nararamdaman ko sa simpleng pagdidikit lamang ng mga balat namin ni Renz kanina.

Ilang minuto rin akong nanatili sa loob ng banyo bago ako lumabas na tanging roba lamang ang suot ko.

Naabutan ko si Renz na nakatalikod mula sa akin. Hawak niya ang cellphone niya saka sa nagkakalikot doon.

Naglakad na ako patungo sa closet upang makapagbihis na ako ng pantulog. Isang checkered na boxer shorts ang isinuot ko na sinamahan ko ng isang manipis na sleeveless shirt.

Sanay akong matulog na tanging brief lamang ang suot ko pero dahil ayokong mailang si Renz ay sinadya kong magsuot ng damit.

Hindi naman mahalaga ang sex sa akin sa pagkakataong ito. Ang importante lang sa ngayon ay ang makasama ko si Renz.

Sa nakalipas na apat na taon ay walang gabi na hindi ko siya naiisip. Kahit sa mga panahong tuluyan na akong nawalan ng pag-asa na magkikita pa rin kami.

Isa pa hindi ko pa naririnig mula sa bibig niya ang mga katagang mahal pa rin niya ako. Oo at nararamdaman ko iyon pero hinihintay ko pa rin na iconfirm niya iyon sa akin.

"Kailan ang flight mo pabalik ng amerika?" bigla ay tanong niya nang hindi man lang tumitingin sa akin.

Nakadama ako ng pagkainis kaya padabog akong kumilos at sinasadya kong iparinig sa kanya iyon pero nabigo ako.

"Sa lunes. Kaya asahan mo na sa mga natitirang araw ko dito sa pilipinas ay palagi akong bubuntot sayo. Hindi ako titigil sa kakasunod sayo hanggang sa marinig ko mismo mula sa bibig mo ang pinakaaasam kong mga salita."

Pinagmasdan ko ang magiging reaksyon niya ngunit tahimik lamang siyang nagpipindot sa cellphone niya.

"Hindi kita lulubayan. Patuloy kitang kukulitin hanggang sa kaya mo nang sabihin na mahal mo pa rin ako." patuloy ko sa sinasabi ko.

Huminto siya sa pagpindot sa cellphone niya saka siya mabagal na bumangon sa kama bago siya pumihit paharap sa akin.

Nagtama ang mga paningin namin at hindi ko inatrasan ang mga titig niya. "Titigilan lang kita kapag kaya mo nang sabihin muli ang mga katagang iyon."

Sumimangot siya. "Bahala ka diyan." sabi niya na ikinawala ng ngiti ko.

"Bakit bahala ako? Napakasimple lang naman ng gusto kong mangyari pero kung makapagdamot ka-" hindi ko na itinuloy ang sasabihin ko sana.

Niyari ni Addy Series #1 - FlickerWhere stories live. Discover now