Chapter 31

9.9K 143 5
                                    

Season 3

Sinner or Saint

Special Chapter
Jordan's POV Part 1

Napangisi ako nang makita ko ang nakasimangot na mukha ni Kiel habang pababa siya sa hagdan.

"Parang mainit pa rin ang ulo mo ngayon bro!" usisa ko.

"Wala ako sa mood makipag-gaguhan sayo. Wag mo akong simulan." masungit na sabi niya habang tuloy siya sa paghakbang pababa.

"Nagtanong lang ako bakit ba pati sa akin ay nagagalit ka?" sagot ko naman.

"Tigilan mo ako gago alam kong ikaw ang nagsumbong kay Mama ng tungkol sa pagkakakulong ko."

Natawa naman ako pagkatapos ay tumayo ako at sinalubong ko siya. "Relax! Hindi ako ang kaaway mo dito okay? Ayoko lang magsinungaling kay Mama kaya sinabi ko ang totoo."

Hinawakan ko siya sa balikat at kunwari ay nakikisimpatya ako sa sinapit niyang kamalasan sa buhay.

"Alam mo mabuti pa samahan mo na lang akong mag-gym. Baka sakaling humupa yang init ng ulo mo." cool na yaya ko sa kanya.

Pero hinawakan niya ang kamay ko na nasa balikat niya saka niya iyon marahas na inihagis palayo.

Puta masakit din yun ah. Naglakad na palayo sa akin si Kiel kaya sinundan ko na lang siya ng napakatalim na tingin.

Hindi magtatagal ay lulugmok ka na rin. Gago!

Naglakad na ako paakyat sa silid ni Renz na dating silid ko saka ko sinilip mula sa bintana ang paglabas ng kotse ni Kiel sa bakuran namin.

Mula sa papalayong sasakyan niya ay muling bumalik sa alaala ko ang lahat ng kagaguhang ginawa niya sa akin.

Nagtungo ako mula sa isang nakalock na drawer na tanging ako lamang ang may susi. Binuksan ko iyon saka ko inilabas ang larawan ng babaeng sumira sa magandang samahan namin ni Kiel.

Natalie Serrano

Hindi ko inasahan na magkikita pa rin kami ng babaeng minahal ko sa loob ng napakahabang panahon. At nangyari iyon noong nakaraang linggo lang. Sa loob pa mismo ng restaurant ni Kiel.

Mabuti na lamang at wala si Kiel sa lugar na iyon dahil abala siya sa pakikipaglandian kay Renz na inilabas pa niya ng maynila upang maisagawa lamang ang mga kababuyan nila.

Muli na naman tuloy nanariwa sa isipan ko ang lahat ng sakit na dulot ng pagtataksil nila sa akin ng magaling kong kapatid.

Akala ko ay napatawad ko na Kiel pero hindi pala madaling gawin iyon. Lalo na ngayon na nagbalik si Natalie at may plano pa yata itong makipagbalikan kay Kiel.

Hindi ko papayagang mangyari iyon. Sisirain ko muna ang buhay ni Kiel bago niya muling maagaw sa akin si Natalie.

Makikipaghiwalay na ako kay Riza at kukunin ko custody ng anak namin. Pagkatapos ay malaya ko nang mababalikan si Natalie.

Kaya magpakasaya ka na ngayon Kiel. Dahil malapit na kitang singilin sa lahat ng kasalanan mo sa akin.

Dahil sa pagsiklab muli ng galit ko sa kanila ay muli na namang nagbalik sa isipan ko ang lahat ng nangyari sa nakaraan.

4 Years Earlier

Masaya kaming dumating ni Natalie sa bahay nang araw na iyon. Kagagaling lang kasi namin sa out of town kasama ang pamilya niya.

Kasalukuyan pa noong nagluluto si Kiel sa kusina namin dahil na rin sa request ko sa kanya na ipagluto kami.

Napakamot pa siya ng ulo nang makita niya ako na papasok sa kusina kasama ang nobya ko.

Niyari ni Addy Series #1 - FlickerWo Geschichten leben. Entdecke jetzt