Chapter 25

12.9K 157 9
                                    

Madaling araw na nang magpasya akong lumabas ng silid. Nakaramdam kasi ako ng pagkauhaw and at the same time ay gutom na rin ako.

Nagtungo ako sa kusina upang uminom ng tubig. Napahinto ako nang makita ko si Kuya Kiel na nakaupo sa dining table at tahimik na lumalagok ng alak.

Dahil sa inis ko sa kanya ay hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lamang ako sa pagpasok doon saka ako uminom ng tubig.

Nagcheck din ako sa ref kung may makakain ba ako doon. Nang wala akong magustuhan sa mga laman niyon ay isinara ko na.

May mga pagkain naman sa loob pero tinatamad na akong mag-init lalo na at naroon si Kuya Kiel. Hindi ako makakilos ng maayos dahil naiilang ako sa kanya. Pakiramdam ko kasi ay pinagmamasdan niya ang bawat kilos ko mula nang pumasok ako doon.

"Kumain ka muna dito. Hindi ka raw naghapunan sabi ni Elsa. Pinag-init na kita ng pagkain mo." malumanay na bulong ni Kuya Kiel.

Napatingin ako sa kanya at maamong mukha ni Kuya Kiel na nakikita ko ngayon. Hindi na siya katulad ng kanina na akala mo ay papatay sa paraan ng pagtitig niya.

Nakadama naman ako ng relief sa ikinilos niya ngayon pero hindi pa rin nawawala ang pagkainis ko sa kanya.

"Hindi ako nagugutom." masungit na sagot ko sa kanya saka na ako mabilis na naglakad pabalik sa silid ko.

Papasok na ako nang silid nang may tumulak sa akin papasok doon saka niya isinara ang pinto. Marahas akong bumaling sa kanya at nakita ko ang malalamlam na mga mata ni Kuya Kiel.

"Ano bang problema mo?" matapang na sigaw ko sa kanya.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko." pagalit pero mahinang sagot niya.

"Ano ha masaya ka na? Napag-away mo na kami ni Addy?" panunumbat niya.

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Hindi ko alam ang sinasabi mo. Wala kaming problema ni Addy. Ikaw lang ang gumagawa ng problema kaya nag-away kayo." madiin na sagot ko sa kanya.

"Gumagawa ako nang problema dahil din sayo!"

"Dahil sa akin? Bakit ano bang ginawa ko sayo? Sa pagkakatanda ko ay maayos pa tayo nung huli tayong magkausap dito mismo sa lugar na ito bago ka biglang nagbago at naging malamig ka na sa akin."

"Bakit ka natulog sa silid ni Addy nung nakaraan? Hindi ako naniniwala na nagmovie marathon lang kayo putang ina ninyo." pagalit na sita niya sa akin.

Natigilan ako sa sinabi niya. So tama pala ang hinala ko. Nagagalit siya dahil nalaman niya na natulog ako sa silid ni Addy.

"Hindi ko kailangan ipaliwanag ang sarili ko sayo Kuya. Kung ayaw mong maniwala bahala ka. Hindi naman kita pinipilit. Lumabas ka na gusto ko nang magpahinga."

Lumarawan sa gwapong mukha niya ang pait at labis na kalungkutan dahil sa sinabi ko. Nagtagis ang mga bagang niya saka siya naniningkit na sumulyap sa akin.

"Sabagay sino nga ba naman ako? Isa lang naman ako sa mga laruan mo diba? Nung bumalik tayo dito galing ng tagaytay. Akala ko ok na tayo. Akala ko masaya ka na sa akin pero nalingat lang ako sandali nasa kandungan ka na naman ni Addy? Putang ina ninyo. Magsama kayong dalawa. Isang putang bakla at isang gagong malibog."

Pagkasabi niya sa masasakit na salitang iyon ay mabilis na siyang lumabas sa silid ko at pabalibag na sinarado ang pintuan.

Hindi ko na naman napigilan ang mga luha sa mata ko. Alam ko may kasalanan ako kay Kuya Kiel pero napakasakit niyang magsalita kaya mas gugustuhin ko na ang ganito. Hindi rin naman siya makikinig sa mga paliwanag ko sa kanya.

^^^

Lumipas ang mga araw ay nagpatuloy ang set up sa pagitan namin ni Kuya Kiel. Magkasalubong man kami sa bahay ay wala kaming pansinan.

Niyari ni Addy Series #1 - FlickerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora