Chapter 15

11.8K 171 6
                                    


Dinala ako ni Kuya Kiel sa The Lake District Restaurant. Pagpasok pa lang namin ay nakaramdam na ako nang tuwa dahil napakaganda sa lugar na iyon.

Cozy ang place at tamang-tama para mag unwind. Si Kuya Kiel na ang pinapili ko nang kakainin namin at nasarapan naman ako sa mga inorder niya.

Katulad ng pagkain namin nang lunch kanina ay inasikaso ako ng husto ni kuya kaya mas lalo kong naenjoy ang dinner na ito.

Nang matapos kami ay inenjoy ko muna ang view. Akala ko ay iinom pa siya ng alak dahil perfect ang lugar para sa mga gustong uminom at magrelax pero nagyaya na rin siya na bumalik sa resthouse.

Dumaan muna kami sa isang convinient store at nagtaka ako nang kumuha siya ng walong bote ng san mig light.

Napatingin ako sa kanya at nagtanong. "Gusto mo palang uminom bakit hindi na lang dun sa restaurant kanina?"

"Mas gusto ko sa bahay na lang tayo. Atleast doon malaya tayo na gawin lahat ng gusto nating gawin." sagot niya.

Namula na naman ako. Advance na naman kasing mag-isip ang utak ko. Naglalaro na naman sa imahinasyon ko ang mga mahahalay na eksena kasama ng napakasarap na lalaking ito.

Napangisi naman siya. "Alam ko kung ano ang naglalaro diyan sa utak mo. Wala muna tayong gagawin ngayong gabi. Iinom lang tayo saka tayo mag-uusap magdamag."

Kinilig naman ako. Parang napakaromantic naman ng eksena na pumalit sa mahahalay na tagpo sa isip ko.

Napangiti na lang ako at dumampot ng mga gusto kong bilhin.

Pagdating namin sa resthouse ay nag-ayos muna kami ng sarili. Pagkatapos ay binuksan niya laht ng sliding door sa silid na ginagamit namin.

May apat na silid kasi ang bahay na ito. Sinadya talaga para sa pamilya nila. Ang masters bedroom ay para kina tita at ang tatlong natitira ay para sa tatlong barako nila.

Kay Kuya Kiel pala talaga ang silid na ito kaya dito niya ako dinala. Kaya pala marami rin siyang gamit dito including yung condom at lubricant na ginamit niya sa akin kanina.

Napasimangot ako. Naalala ko na naman tuloy ang mga mahahalay na bagay na naglaro sa isipan ko kanina. Si Kuya Kiel at ang kung sino man na mga haliparot na nakaniig na niya sa silid na ito.

Dahil sa pagkainis ay naging tahimik na ako at hindi na ako nagtangka pa na magbukas nang paksa para may mapag-usapan kami.

Nagsimula nang ayusin ni Kuya Kiel ang mga gagamitin namin at nang maiayos na niya ang mga ito ay niyaya na niya ako na maupo sa gilid ng kama paharap sa sliding door.

Dahil sa gabi na ay mas malamig na ang hangin na dumadampi sa balat ko. Napansin ko na umaambon na rin pala sa labas hanggang sa lumakas ang ulan.

Mabuti na lamang at nakarating na kami sa bahay bago bumuhos ang malakas na ulan.
Nagsimula nang magbukas ng beer si Kuya Kiel.

Inabot niya sa akin ang isa at ang isa naman ay tinungga niya. Sa pagtaas ng kamay niya ay nakita ko ang buhok niya sa kilikili.

Tang-ina napakalibog ko naman. Bakit ba kasi isang manipis na sando lang ang suot ng lalaking ito eh ang lamig lamig ng panahon?

Napalunok ako at sinadya ko na alisin doon ang tingin ko. Nagsimula na rin akong tumungga ng beer. Baka sakaling mawala sa katawan niya ang atensyon ko.

Napansin naman niya ako at pinitik niya ako sa tenga. "Awwww!" gulat kong baling sa kanya.

"Kung makainom ka daig mo pa ang sabik sa alak. Hindi tayo maglalasing dito Renz! Magrerelax lang tayo." sermon niya.

Niyari ni Addy Series #1 - FlickerWhere stories live. Discover now