Chapter 58

7K 110 2
                                    


Dalawang araw matapos ang gabing nahuli ko si Tita Ruth sa kalaswaang ginagawa niya sa garden kasama ang guard na si Tony ay minabuti ko na iwasan na lang sila ni Kuya Kiel.

Mas makakabuti siguro iyon para sa sitwasyon namin. Sinubukan ko na rin magpabook ng plane ticket pabalik sa maynila pero dahil sa paparating na bagyo ay hindi ako nakakuha.

Isang umaga ay naisipan kong daanan muna si Gino sa silid niya. Makikipagplastikan muna ako sa kanya hangga't hindi ko napapatunayan na may ginagawa nga sila ni Addy na hindi ko alam.

Kakatok na sana ako nang makarinig ako ng mga bumabagsak na gamit sa sahig.

"Saan mo nilagay ang flash drive?" galit na sigaw ni Tita Ruth.

"Katulad ng sinabi ko sayo kahapon. Ibibigay ko lang iyon kapag naibigay mo na sa akin ang pera na hinihingi ko sayo." sabi ni Gino.

"Napakalaking halaga ng hinihingi mo. Sa tingin mo ay saan ako kukuha ng ganun kalaking pera? Wala akong nakuha sa asawa ko nang maghiwalay kami." galit pa ring tugon ni Tita Ruth.

"Hindi ko na problema iyon. Bahala ka kung saan mo kukunin. Basta sinasabi ko sayo. Sa oras na bumalik ako sa maynila at wala pa rin ang pera sa mga kamay ko. Lalabas sa internet ang mga videos mo. Grabe daig mo pa ang mga babae sa porn kung makalamon ng burat. Bilib din ako sayo girl." sabi ni Gino sa nang-aasar na tono.

Narinig ko ang panggigigil ni Tita Ruth bago siya muling nagsalita. "Tandaan mo to sisiguraduhin ko na hihimas ka ng rehas na bakal sa oras na lumabas ang video na iyon sa internet. Tandaan mo yan!"

"Hindi ako natatakot sayo. Titikim lang kasi ng lalaki sa garden pa." sabi ni Gino saka siya malakas na humalakhak.

"Hindi pa tayo tapos! Ipapakulong kita tandaan mo yan." sigaw ni Tita Ruth.

Narinig ko ang mga yabag ng sapatos niya palapit sa pintuan kaya mabilis na akong umalis doon at dumiretso na lamang ako sa canteen.

Doon ay kumain ako nang mag-isa.

Kasalukuyan na akong nag-aalmusal nang may bigla na lamang naglapag ng mga pagkain sa mesa ko pagkatapos ay mabilis siyang naupo sa harapan ko.

Umangat ang tingin ko sa kanya at sumimangot ako nang makilala ko kung sino siya.

"Wala nang bakanteng table. Hindi naman siguro masama kung makikishare na lang ako sayo." sabi niya.

Napatingin ako sa paligid at napansin ko na puno nga ang buong area. Saan nanggaling ang mga tao na ito? Bakit napakarami yata nila ngayon?

"Weekends ngayon kaya wag ka nang magtaka kung bakit maraming tao." sabi niya habang nilalantakan ang dala niyang pagkain.

Habang kumakain kami ay napatingin siya sa plato ko na kakaunti lang ang laman dahil hindi ako kumuha ng maraming pagkain.

Ganito ako kapag mag-isa lang akong kumakain. Wala akong masyadong gana kaya kakaunti lang ang nakakain ko.

Napakurap pa ako nang bigla na lamang lagyan ni Kuya Kiel ng mga pagkain ang plato ko mula sa plato niya at sa mga dala niyang lalagyan.

"Hindi bagay sa katawan mo ang nagdadiet. Kumain ka nga ng marami para magkalaman ka nang husto. Tingnan mo nga twenty one ka na pero yung katawan mo pang sixteen pa lang." bulong niya habang ngumunguya ng pagkain.

Napatitig tuloy ako sa gwapong mukha niya at maraming alaala mula sa nakaraan ang nagbalik sa akin.

"Kumain ka nang marami para magkalaman ka nang husto. Napakaliit ng katawan mo. Baka magkalasug-lasog yan kapag inaraw-araw na kita sa kama." bulong niya.

Niyari ni Addy Series #1 - FlickerWhere stories live. Discover now