Chapter 77

8.1K 79 1
                                    

Lance's POV Part 3

Nagsindi ako ng yosi habang nakatanaw sa labas ng bintana. Malalim na ang gabi at iniwan kong tulog si Jacob sa silid kung saan niya ako kinantot.

Napagod si gago at hubo't hubad na nakatulog doon.

Hindi pa rin ako mapakali dahil sa nakita ko kanina. Nakabalik na pala sa pilipinas si Kiel.  At kailan pa siya nagsimulang magtungo sa kabilang bahay?

Gabi gabi naman akong nakatambay sa labas pero hindi ko siya nakikita doon. Madalas ko lamang makita ay ang hot daddy na manliligaw ni Rina.

Pumasok ka na sa loob. Good night Renz. Mahal na mahal kita!

Mas lalo akong nainis nang paulit-ulit na umalingawngaw sa utak ko ang mga katagang sinabi ni Kiel kanina kay Renz.

Hindi ako papayag na mapunta lamang si Kiel sa isang katulad ni Renz. Mas nararapat akong mahalin kaysa sa baklang iyon.

Hindi ko alam kung ano nga ba ang mayroon siya at bakit siya na lang palagi ang nagugustuhan ng mga lalaking natitipuhan ko.

Kung si Jacob lang ay kaya kong ipaubaya sa kanya pero hindi si Kiel.

Doon na biglang nagflash sa isipan ko ang lahat ng naganap sa nakaraan.

Four Years Earlier

Nakatambay ako noon sa tapat ng bahay ko nang lumabas mula sa tahanan ng mga Hidalgo si Ezekiel Velasco.

Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko nang mga sandaling iyon. The moment i saw him ay nasabi ko sa sarili ko na siya ang ideal man ko.

Hindi ko alam kung anong klaseng karisma mayroon siya ngunit napakalakas ng dating niya sa akin.

Kakaiba siya sa lahat ng lalaki na dumaan na sa buhay ko. Nakikita ko ang malungkot na anyo niya na para bang pasan niya ang problema ng buong mundo.

Pasakay na siya sa kotse niya nang mapadako ang tingin niya sa akin. Kasalukuyan ko siyang pinagmamasdan.

Sinimulan ko sa matipuno niyang dibdib at broad shoulders. Pababa sa nakaumbok na bagay sa pagitan ng mga hita niya.

Napangiti ako nang mapagmasdan ko ang pundilyo niya. Infairness mukang malaki, makatas at masarap. Daks si gago.

Sinadya kong ipahalata sa kanya na pinag-aaralan ko ang bawat parte ng maskulado niyang katawan ngunit bigla na lang siyang umiling saka na siya tuluyang sumakay sa sasakyan niya.

Napasimangot ako pero hindi ako madaling idiscourage lalo na kapag may class ang putahe.

Mabilis akong sumakay sa nakaparada ko nang sasakyan malapit sa gate namin. Kanina pa iyon nakaready dahil plano ko nang magtungo sa maynila.

Matiyaga kong sinundan si Kiel at pinilit ko talaga na wag mapalayo sa sasakyan niya kahit na nung nasa expressway na kami.

Nakarating kami nang maynila na hindi ako nabigo sa pagsunod sa kanya. Pumasok ang kotse niya sa isang kilalang condo building.

Sumunod ako sa kanya. Nagsuot ako ng sumbrero saka ako sumabay sa elevator. Hindi naman niya ako napansin dahil parang napakalalim ng iniisip niya hanggang sa makapasok siya sa unit niya.

Napangiti ako. Kailangan ko na lang makabuo ngayon ng plano para maikama ko siya. Bumalik na ako sa sasakyan ko upang kunin ang gamit ko saka ako nagtungo sa sariling unit ko.

Kung sinuswerte ka nga naman talaga. Nasa iisang building lang pala kami pero hindi ko siya nakikita noon.

Nagpahinga muna ako dahil napagod ako sa biyahe hanggang sa nakaidlip pala ako. Gabi na nang magising ako at balak ko na magtungo sa malapit na bar.

Niyari ni Addy Series #1 - FlickerWhere stories live. Discover now