Chapter 54

7.5K 99 2
                                    

Kinabukasan matapos ang unang gabi ko sa hotel ay inubos ko ang oras ko buong umaga sa paglilibot sa Resort.

Hindi ko na dinaanan pa si Gino sa silid niya dahil gusto ko munang mapag-isa upang sa ganun ay makapag-isip ako ng maayos kung ano ang tamang gagawin ko.

One week ang bakasyon namin dito at next week pa ang flight namin pabalik sa maynila. Roundtrip ang ticket namin kaya hindi maaaring iparebook ang date.

Pinakachoice ko na lang talaga ay ang bumili ng bagong ticket para makaalis na ako sa isla na ito sa lalong madaling panahon.

Kailangan kong makausap si Gino kung sasabay na ba siya sa akin o mauuna na ako sa kanya paalis.

Pinasok ko ang magubat na parte ng isla na sa tingin ko ay hindi pa bukas sa mga turista. May karatula pa nga na private property doon.

Kahit nakita ko na iyon ay hindi ko pa rin pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagpasok sa pribadong lupain na pag-aari ni Rave Arenas.

Natuwa naman ako sa ganda ng paligid at nawili ako sa paglalakad sa loob ng kagubatan. Hindi ko namamalayan na sa pagkawili ko ay napalayo na ako sa lugar.

Pabalik na sana ako ngunit napansin ko na parang ang layo na ng nilalakad ko ay hindi ko pa rin makita ang dagat.

Naliligaw na yata ako. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at namumuo na ang pawis sa noo ko dahil sa walang tigil na paglalakad.

Halos isang oras na rin akong nagpapaikot-ikot sa lugar pero hindi ko pa rin mahanap ang daan pabalik sa hotel.

Mataas na ang araw at nakaramdam na ako ng gutom kaya umupo ako at sumandal sa isang puno malapit doon.

Nagpahinga muna ako sandali pagkatapos ay inilabas ko mula sa bulsa ko ang isang biscuit na dala ko.

Mabuti na lamang at may dala rin akong tumbler kaya may maiinom ako pero paubos na rin ang laman nito dahil sa kakalakad ko kanina pa.

Nang maubos ko ang biscuit ay isinandal ko ang ulo ko sa puno saka ko pinikit ang mga mata ko.

Mga huni ng ibon at hangin na dumadampi sa mga dahon ang tanging maririnig sa paligid. Ilang sandali pa ay may naririnig rin akong lagaslas ng bumabagsak na tubig.

Napamulat ako saka ako napalingon sa bandang likuran ko. May talon sa lugar na ito?

Mabilis akong tumayo saka ko tinalunton ang pinanggagalingan ng tunog. Hanggang sa palakas na iyon ng palakas.

Ilang sandali pa ay nakarating ako sa may batis. Lagaslas nga ng tubig mula sa kabundukan ang naririnig ko at sa parteng ito ng gubat ay may batis.

Sa di kalayuan ay nakakita ako ng isang itim na stallion na nakatali sa isang puno. Kumunot ang noo ko. Ibig sabihin may tao malapit dito?

Nagliwanag ang mukha ko sa kaisipan na may ibang tao nga sa lugar na ito maliban sa akin. Pero nasaan siya?

Mabilis akong naglakad patungo sa kabayo at iginala ko ang paningin ko sa buong paligid ngunit wala naman akong nakita na tao.

Ilang sandali pa ay isang lalaki ang bigla na lamang umahon mula sa tubig at sakto naman na napatingin siya sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko siya.

"K-kuya Kiel?" bigkas ko sa pangalan niya.

Mabilis naman siyang lumangoy palapit sa akin saka siya umahon mula sa tubig.

Hindi ko tuloy maiwasan na titigan ang matipuno niyang dibdib na dinadaluyan pa ng tubig mula sa basang buhok niya pababa sa katawan niya.

Bumaba pa ang tingin ko abs niya patungo sa buhok mula sa pusod niya pababa sa loob ng boxer brief niya.

Niyari ni Addy Series #1 - FlickerWhere stories live. Discover now