"I need answers!" malakas niyang sambit.

Nanatili akong tahimik sa pwesto ko at pinapanood siya. Napatingin ako sa lapag at napaisip din.

Without thinking twice, wala sa sarili akong nagsalita.

"T-This Alejo. . . is he here right now?" marahang tanong ko na mabilis na nakakuha ng atensyon ni Mimi.

Nagtataka siyang napatingin sa akin. "Ah. . . well, kahit hindi kasama ang ibang myembro, nagawa siyang mahuli noon," kaswal na sagot niya at nakataas ang dalawang kilay.

"And yeah. . . we're the tamers after all. Dito napupunta ang mga gifteds mula sa Dark Guilds na nahuhuli," dagdag niya.

Mariin akong napakagat sa ibabang labi bago seryoso at desididong tumingin kay Mimi.

"I want to meet him."

₪₪₪₪₪₪₪₪

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na naglalakad pababa sa isang mahabang hagdanan.

Tanging ang malaking kandila lang na hawak-hawak ng kasama ko ang nagsisilbing ilaw.

"Woi, are you sure about this?" biglaang tanong ni Chain. "Principal Bora doesn't know about this, but I can't say no to Mimi because she's crazy. . . and of course, to you, my kitten," dagdag niya na kinaismid ko.

Natagpuan ko siya sa labas ng silid kung nasaan kami nag-uusap ni Mimi kanina. Kaswal siyang nakasandal sa pader at nasa loob ng magkabilang bulsa ang mga kamay at naghihintay.

Dahil nandoon na rin siya, siya ang inutusan ni Mimi na dalhin ako kay Alejo.

That's why we're going to where he is right now. . . a place that is called 'infinite dungeon'.

"I'm pretty sure that this is a bad idea," muling sambit ni Chain sa akin habang nauunang maglakad. Nahinto ako nang huminto siya sa paglalakad. "Are you really sure?"

Humarap siya sa akin at itinapat ang ilaw na dala-dala niya. I looked at him dead in the eye. "Yes," mariin at seryosong sambit ko na kinabuntong-hininga na lang niya.

"Well, we're here," sambit niya sa akin na kinakunot ng noo ko.

Huminto lang kami sa paglalakad sa hagdanan. Sa harap namin ay parang walang hanggang kadiliman. "Anong sinasabi mo-"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang biglaang pag-ikot ng kamay ni Chain sa bewang ko. Namilog ang mga mata ko at hindi kaagad naproseso ang inakto niya ng utak ko.

"What-"

"I asked for your permission, kit-ten," malambing niyang sambit bago ilapit ang labi sa pisngi ko.

Hindi ko nagawang makasagot o maka-react man lang nang ihulog ni Chain ang sarili niya sa kadiliman na nasa harapan namin, kasama ako na yakap-yakap niya.

Naiwang nakaawang ang bibig ko sa nangyari. Ramdam ko ang paghulog naming dalawa sa kawalan dahilan ng pagpikit ng mga mata ko.

I didn't know what happened. . . nang inimulat ko ang mga mata ko, bumungad sa akin ang puti. . . puting silid na walang katapusan.

"We're here. . . to the Infinite Dungeon." Nag-echo ang boses ni Chain.

Ilang segundo akong napatulala at inililibot ko ang tingin ko sa paligid.

"Principal Bora made this," dagdag niya.

Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa paligid. It's all white. . . walang kulungan, selda, o kahit ang mga nakakulong man lang. . . wala.

"Tanging isang Sin lang ang kayang magdala sa'yo rito, nasaan na ang thank you ko?" muling malambing na sambit ni Chain na nakakuha ng atensyon ko.

Magkadikit ang dalawang kilay ko at iritado akong napatingin sa kaniya nang may naalala ako.

"Freaking sadist, hindi naman talaga kailangan na halikan mo 'ko sa pisngi, hindi ba?" mariing tanong ko.

Napaiwas ng tingin si Chain at nakataas ang dalawang kilay na para bang walang kaalam-alam. "Ha? I don't know. It's my first time bringing someone here, akala ko need n'on," pagmamaang-maangan niya na kinaismid ko.

Napailing ako nang inalis ko ang tingin ko sa kaniya. Huminga ako nang malalim bago muling ilibot ang tingin ko sa silid.

"So? Anong meron dito—meron nga bang nandito?" sarkastikong tanong ko. "Walang ibang tao o bagay man lang na nandito maliban sa ating dalawa. Puti lang. . ."

Kahit saan ako tumingin, tanging puti lang ang nakikita ko. Nandito nga ba si Alejo?

"Just walk. . . you'll see what you're looking for," biglaang pagseryoso na sambit ni Chain. "Basta, isipin mo lang ako kapag tapos ka na. . . I'll come and get you, kitten."

Kininditan ako ni Chain na kinangiwi ko. Napaismid ako sa kaniya at hindi na lang pinansin ang huli niyang sinabi bago magsimulang maglakad mag-isa.

Rinig ko ang tunog ng yapak ko sa walang hanggang nilalakaran ko. Before I know it, I already can't see Chain. . . kahit na tanging puti lamang ang nasa paligid at walang ni isang gamit man lang.

Napalunok ako nang malalim bago magpatuloy sa paglalakad kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Nasaaan ba si Alejo-

"Oh, matagal-tagal na no'ng huli akong nagkaroon ng bisita," biglaang sambit ng malalim at malaking boses.

Nahinto ako sa paglalakad at hindi makapaniwalang napalingon kung saan ito nanggaling. I didn't felt his presence, nor saw him there. Bigla na lang siyang. . . sumulpot.

"Kahit magdadalawang taon na 'kong nanatili rito, sadyang kahanga-hanga pa rin talaga ang kakayahan ni Bora, ano?" natatawang sambit ng matandang lalaking kaharap ko.

Nakaupo siya sa isang upuan, walang posas o kahit ano mang tali para hindi siya makatakas. Halos anim na talampakan ang pagitan naming dalawa. Napako ako sa kinatatayuan ko at nakatingin sa kaniya.

He's wearing a black leather jacket with a black shirt and black pants. Itim na itim pa rin ang buhok niya na hinaluan ng iilang uban, pati rin ang balbas niya. Kaswal lang siyang nakaupo sa isang silya at magkadikit ang dalawang kamay.

"Hello, Miss." May tono ang pananalita niya na biglang nagpabigat ng pakiramdam ko. Napaatras ako nang kaunti. Is he, Alejo?

Napatawa ang matandang lalaki sa reaksyon ko. "Don't worry, Miss. Wala akong magagawa sa lugar na 'to. Hindi ako makakagamit ng gift, o kahit man lang ang pisikal na lakas ko," pagpapakalma niya sa akin. "So don't act like that. . ." Natigilan ako nang matalim niya 'kong tignan. Hindi—parang iba ang tinitignan niya. "Not with a power like that."

Napakurap-kurap ako bago lakas loob na humakbang nang kaunti. "Y-You're Alejo, right?" panimula ko. Lumunok ako nang malalim bago desidido at seryosong tumingin sa kaniya. "I want to know what really happened to the incident that happened a year and a half ago."

"Anong rason bakit nandito ka, at hindi mo kasama ang mga Big Shots. Kung ano ang totoong binabalak nila, at bakit?" dagdag ko.

Nag-echo ang boses ko sa paligid na sinundan ng ilang segundong katahimikan. Nakipagtitigan sa akin si Alejo gamit ang walang buhay niyang mga mata.

"Why?" balik na tanong niya sa akin na kinahinto ko. "Are you scared of what they're capable of doing?" natatawang sambit niya.

"Rather than them. . . aren't you supposed to be. . ."

"Scared of yourself?"

Hindi ako nakakibo sa narinig. Sa kabilang banda, kumurba ang labi ni Alejo sa isang ngisi na para bang inaasar at natutuwa sa reaksyon ko.

"I'm sorry, Miss," sarkastikong sambit niya.

"Wala akong masasabi sa'yo."

"Because. . . in this story, I am a villain."

Solar Academy: School for the TamersOn viuen les histories. Descobreix ara