CHAPTER 27- Pride, soul, and identity

10.2K 415 163
                                    


After the incident yesterday in Batangas, I just found myself entering the building of ER Collections. I am not new here dahil kilalang kilala na ako as the ER Collection's main model of their different brand items. Eugene is with me and sabay kaming naglalakad confidently. Itong baklang 'to, ayaw magpakabog.

"Good morning, Ma'am Athena. Ang tagal ho bago ho kayo nakabalik dine sa aming opisina. Akala ko ho eh hindi na kayo makakabalik." Pagbati sa amin ng guard. Inalalayan niya kami para makapasok sa lift.

"Thank you, kuya. Nagpahinga po ata ang lahat at I was also preoccupied to some things kaya na busy din po ang schedule ko. I hope you are doing fine." I shook hands with him pero may nakasabit na Php 1,000 dahil minsan ko na naka kwentuhan itong si Kuya Berto. May sakit ang kanyang anak at matindi ang pangangailangan niya sa buhay.

"Ay Ma'am Athena.. hindi na po. Hindi ko po ito matatanggap. Napakarami niyo na pong naitulong sa akin at sa pamilya ko. Sobra sobra na po ito." Ibinabalik sa akin ni Kuya Berto ang pera.

"Take that kuya, or else I will get mad. That is just a small thing compared sa paghihirap at pagsasakripisyo niyo po sa family ninyo. Take that as a small gift." I just smiled at him at pinindot na ang 3rd floor ng building kung nasaan ang meeting room ng ER Collections. Nakabuntot naman ang anking manager na si Eugene. 

Ngayon lang ulit kami nakabalik sa Building ng ER Collections. Akala ko hindi na ako ang magiging model nila ngunit nagkamali ako.

Pagdating ng 2nd floor, ay siyang pagpasok din ni Eira sa lift. Mukhang gulat ang reaction niya dahil makakasabay pa niya ako dito sa lift. She is wearing a white blazer and a white pencil cut skirt. She looks so professional and sexy. 

I could also remember that floor, since she is the Vice President, madalas ako sa loob ng opisina niya. Nasa bandang dulo ang opisina niya at maraming mga plants dahil isa itong plantita. After our meetings, dumideretso kami sa opisina niya dahil doon lang kami may Privacy of all the places here in this Building.

We've done a lot of things that couple can do inside her office. Kaya namimiss ko rin ang pagpunta ko rito noon. But those are all in the past noong akala ko magiging smooth ang relationship namin. Nagkamali ako.

"Good Day, Professor Rodriguez." I smiled at my ex girlfriend. Mahirap for sure ang situation niya, paano ba naman, ako pa rin kasi ang model nila. She has the right to dismiss me but she didn't do anything. She has still a heart after all and besides, we are professionals.

She just didn't say anything at tinalikuran ako. Aba, siya na nga ang nang ghost, siya pa ang ma attitude. Hindi ko rin talaga maintindihan napaka snob ng babaeng ito.

Bigla ko naman naramdaman ang pagsiko ni Eugene sa akin kaya naman ay minasamaan ko siya ng tingin. Nakita ko ang mapang asar na ngiti ni Eugene and he  just did a peace sign afterwards.

Pagdating namin ng third floor, nauna siyang lumabas ng lift. Sumunod naman kami pareho ni Eugene.


Papasok namin ng meeting room, I saw Mr. Ernesto and Lorenzo na laging buntot nang buntot sa ama ni Eira, bakit hindi na lang siya ang pakasalan nito. Nakakabwisit ang pagmumukha niya.

"Good Morning, everyone! Good Day Mr. Rodriguez." Pumunta ako sa kanya to shake his hands.

Nakatayo naman sa harapan si Carina at nakita kong prenteng umupo si Eira sa harapan mismo ng kanyang ama.

Ngumiti naman nang nakakaloko si Carina dahil ako na lang ang nakatayo dahil nakaupo na si Eugene katabi nang iba pang Marketing Team dito sa meeting room. Isang bakanteng upuan na lang ang available at iyon ay katabi pa ni Eira.

Taming the Ice Cold Princess (ProfessorXStudent) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon