Lascivious Casanova 05

Start from the beginning
                                    

"Sagutin mo nalang ang tanong ko. Anong ginagawa mo rito? Hindi ako maniniwala kung sasabihin mong napadaan ka lang-"

"Sino sino sila, Jax? Si Ms. Abadiano kahapon at ngayon si Maya?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko.

Biruin mo, lima? Pito? Araw araw? Hindi ba siya nagsasawa at napapagod sa kakapasok ng iba't ibang butas? Paano niya nagawang itago iyon kung dito sa loob ng eskwelahan niya lang naman ginagawa?

"Paano mo nalaman ang kay Ms. Abadiano?" Nanliliit ang mga matang tanong niya.

Naitikom ko ang mga labi ko nang matanto ang nasabi. Hindi ko na napigilan ang pamulahan nang makita kong napangisi siya. Unti unting nabanat ang gilid ng kanyang mga labi at mabilis na lumitaw ang malalalim na biloy sa magkabila niyang pisngi nang humalakhak siya. Nagpamulsa siya at naiiling na pinagmasdan ako, pinipilit na pigilan ang tawa.

"Akala ko magandang sumbungera ka lang. Magandang mamboboso rin pala-"

"Hoy! Hindi kita binobosohan! Kung sa ibang lugar mo ito ginagawa e 'di sana hindi kita nakikita! Ikaw itong kung saan saan nagkakalat tapos kapag may nakakita sasabihin mong binobosohan ka?"

"Malayo ang building na ito sa inyo. Kung hindi ka namboboso diyan wala ka sana sa basurahan ngayon. Kung gusto mo kasing manuod, sabihin mo-"

"Bakit ko gugustuhing manuod?!"

Nakangisi siya. Nanlaki ang mga mata ko nang dalhin niya ang kanyang mga kamay sa butones ng pantalon niya at may balak yatang buksan iyon.

"O kung gusto mong makita, sabihin mo. Madali akong kausap, Clementine. Pwede ko namang ilabas sandali para sayo-"

"Ayokong makita! Wala ka na ba sa sarili mo?!" Napatalikod ako nang makitang hawakan niya ang garter ng suot niyang boxer briefs. "Tigilan mo nga iyan!"

Pulang pula na ako. Ni hindi ko na naalalang amoy basura ako ngayon. Kaonti nalang mag w-walk out na ako kung hindi ko lang narinig ang matunog niyang halakhak. Nagkiskisan ang mga ngipin ko nang may matanto. Wala siyang balak na ipakita sa akin! Tinatakot lang ako ng gunggong na ito!

Kung kanina'y namumula ako dahil sa pinaggagagawa niya. Ngayon ay pinagpapawisan ako at walang dudang sobrang pula ko na dahil sa galit. Muli ko siyang hinarap at nakitang nakaayos na ang pantalon niya. Kahit alam kong amoy basura ako'y hindi na ako nangiming lumapit sa kanya. Nakakuyom ang mga kamay ko. Binuksan ko lang iyon at inihanda ang palad nang makalapit sa kanya.

"Go ahead, Clementine. Hit me," hamon niya nang makita ang pag-angat ng kamay ko.

Sa halip na lumayo dahil balak ko siyang sampalin ay mas inilapit niya pa sa akin ang kanyang mukha. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at malagkit na tinitigan ang labi ko. Naudlot ang paparating kong sampal sana sa kanya nang maalala ko ang banta niya.

Hindi ko alam kung tototohanin niya iyon kapag sinampal ko siya pero naging dahilan iyon para mapigilan ko ang sarili. Ang isang kamay niya'y nakaharang rin sa kanyang pribadong katawan na nasa pagitan ng kanyang mga hita. Nag-aalala siguro na baka tuhudin ko ulit siya katulad ng ginawa ko kanina. Ang palad na para sana sa kanyang pisngi'y hinampas ko nalang ng malakas sa kanyang dibdib. Ngising ngisi pa siya dahil hindi ko siya magawang sampalin. Hindi niya alam na ang paa ko ay papalipad na sa kanyang binti.

"Fuck!"

Napapikit siya ng mariin at napaupo. Hawak hawak na ngayon ang binti niyang sinipa ko. Nagbaba ako ng tingin sa suot kong sapatos. Nang makita ko ang matigas na sapatos ay doon lang rumihestro sa akin ang nagawa. Malakas ang sipa ko sa kanya kaya't talaga namang masasaktan siya.

"Napadaan lang ako at nakita ko kayong dalawa! Hindi ko gustong manuod at lalong hindi ko gustong makita iyan!"

"How do you explain what you saw in the other building? Sasabihin mong napadaan ka lang din nang makita mo kami ni Ms. Abadiano?" Nakahawak pa rin sa binti na tanong niya.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now