baGAYto #7: "FOG-ibig na kaya?"

Start from the beginning
                                    

Umagang napakalamig at napupuno ng hamog ang bumungad sa akin, ganito talaga tuwing umaga sa aming probinya. Ala baguio rin ang dating, kaya naman di mo makita ng husto ang yung dinadaanan. May nasisilayan ka man ng konti.. pero puti talaga ang karamihan.

Parang bumaba ang ka-ulapan dito sa mundong tinatapakan, napakalamig din kaya naman nagsuot ako ng sweater. Yung sweater jacket na binigay din sa akin ni Trixy. Ako palang yung gising nun sa bahay, kaya inayos ko talaga ang pagsara ng pinto.

Paano ba toh, daig ko pa ang bulag sa paglalakad dito ee. Gamit nga ang aking kamay ee hinahawe ko yung hamog sa kapaligiran. Parang nasa gitna ka talaga ng mga usok na di naman nakakasakit sa mata.

Pero nakakatakot din minsan, wala man lang kase akong makasabay dito. Asan na ba yung matatandang maagang pumupunta sa sakahan. May napulot naman akong mahabang patpat mula sa mahamog na kapaligiran.

Gamit yun ay tinutungkod ko ito sa bakong daan, para maayos akong makapag-lakad. Mahirap na, baka tumambling ako ng wala sa oras. Ganun katindi yung hamog sa mga oras na ito.. wala ka talagang makikita.

Mga mumunting dahon sa sanga ng puno na mataas ay makikita mo ng bahagya, pero halos hamog talaga. Sabayan pa ng napakalamig na na lumulukob sayo.

Hindi ko alam kung nasaan na ba ako, basta diretsohin ko lang to ay mararating ko rin yung hintayan ng masasakyan. Basta may nadinig na akong broom broom ng mga behikulo, dulo na yun for sure!

Pero tantya ko.. di pa ako nakakalayo sa bahay.

Napahinto ako, ng bigla naman akong may naringing. Parang daloy ng tubig na tumatama sa isang malaking dahon.

Patuloy yun.. Hmmmmm anu kaya yun? Nakakapagtaka naman, hindi naman umuulan aaa.

Huminto iyon, kaya naman napagalaw na ako sa aking kinatatayuan. “Uyyyy!!”, nagulat ako ng biglang may bumangga sa akin! Isang tao yun! Nabitawan ko na ang patpat na aking hawak.

“Ohh Jeizon.. sabut ko didto pa ka sa loog”, Tinggg! Waaaaaaa pamilyar ang boses na tuu! Tsaka si Jeison? Pinsan nila? Oo pinsan ng kambal! Si Jeison ba sana ang gusto niyang kausapin.

“Kadto nakita sa bayan, kuon ta na su pinahimong invitation card sa birthday namo ni Trixy”, Di ko akalain ang fluent rin pala niyang mag bicol!!

Bigla nalang ay umakbay siya sa akin. “Tungka pa bro?”. Shit! Umaapaw sa kilig to the smallest particles ng katawan ko ang nararamdaman ko ngayon.

Si Damien! Naka-akbay siya ngayon!

SA AKIN.. ❤❤❤

“Hahahahaha loko tohh, bat di ka nagsasalita?”—Anong gagawin ko? Ohh Emm Gee buti nalang at may hamog! Kundi nasapak na ako nito kanina pa.

baGAYto [SPG/ X-RATED/ BOYxBOY]Where stories live. Discover now