baGAYto #14: "Sa Suba"

1.4K 49 8

NOTE:Isipin niyo nalang na ang nasa Pic ay ang Suba(Ilog) na tinutukoy sa kwento.

Nakakatuwang isipin na napakaclose na namin, na yung mga ligayang nararamdaman para sa isat-isa bilang magkaibigan ay sumabog na ng tuluyan. Siguro’ ayoko ng umasa ng higit pa, siguro sapat na ito para sa ikakasaya ng puso ko.

Ang inaasam-sama ko kaseng more than a friend ay imposibleng maging katotohanan, sino ba namang lalaki ang papatol sa kapwa niya lalaki? Siguro yung mga alanganin rin na tulad ko o kaya naman yung mga callboy at mga lalaking kailangang kumapit talaga sa matulis na patalim ang mga pumapatol. Sabi nga nila, pera pera lang ang gay relationship. Na mamahalin ka niya hindi dahil mahal ka niya, minamahal ka niya dahil sa benepisyong nakukuha niya sayo.

 

Pero ako naniniwala parin ako na merong totoong lalaki ang kayang magmahal sa tulad naming silahis, bakla, paminta, bayot o kung ano pa mang tawag sa pagkataong ito.

Pero itong nararamdaman ko kay Damien ay bukas siya, parang ibinibigay niya ang sarili niya sa akin. Friends with benefit’s with respect to sex ba ang tawag dun? Yung parang open na open siyang pagsamantalahan ko? O kaya naman libog lang talaga tong lalaking ito ngayon?

Pero kahit anu pa man ang nangyayari sa amin, masaya ako dahil di na siya galit sa akin! Bati na kame Officially magka-ibigan na kame ulit. Ngayon ko lang nakikita yung siglang ipinapakita niya sa harap ko mismo.

Malapit na kame ngayon sa suba kung saan, sabi niya kaylangan tapusin daw yung kailangan tapusin. Hindi ko alam kung anu yun, pero kunwari lang yun!

Ineexpect ko na ipapadakma niya ulit sa akin yung burat niya. Kakaexcite naman netooo Damien talaga may taglay pala ito kalibugan! Oragon nga! #3___^

“Nandito na tayo..”—Sabi niya sabay mabilis na tumalon sa ilog. Wahhhhhhh ambilis niya di man lang siya natatakot. Ako super kinakabahan na makita palang yung parang maitim na medyo berde na kulay ng tubig ng malalim na suba. Basta yung kulay siya na simbolo na malalim yung suba.

Ang tahimik pati, wala ka man lang mariringig na anod. Takot ako! Ayoko! “Axel tara bro, sarap maligo ohhh..”—Di ko alam kung paano niya nagagawang lumutang sa gitna ng nakakatakot na tubig.

“Ayoko! di ako marunong lumangoy! Ikaw nalang dito nalang ako papanuorin ka!”—Nawala na siguro sa isip niya yung sinabi niyang kailangan daw tapusin. *#___#*

“Bahala ka diyan”—Sabay sisid nito palalim sa tubig. Hmmmmm asan na yun? Di pa man lumilipas yung isang minuto ay natatakot na ako dahil nawawala na siya sa aking paningin.

Hmmm bat ba ako nag-aalala ehh magaling naman yun lumangoy ee. Pero tumatakbo na ang oras, ilang minuto na ang lumilipas eee wala paring Damien na nagpapakita. Kaya nagsimula na akong mag-alala at magpanic.

“Damien! Huyy Damien! Asan ka na?!”—Walang sumasagot tanging ang tahimik na paligid at tila patay na suba lang ang aking nadidinig.

Hala asan na yun! Almost Four Minutes na ahh! “Huy asan ka na! magsalita ka naman.. iiwan na kita diyan. Bahala ka!”

Hindi parin sumasagot ang loko, yung paa ko parang gusto ng dumive sa suba at hanapin siya. Dahil sa natatakot na ako ay bumaba na ako papunta sa pang-pang ng suba na tinayuan ng malalaking tabla para paglabhan at paliguan ng mga tao. Kahit nga naroon ako sa malalaking tabla ng kahoy ay natatakot na agad ako.

Ramdam ko yung tubig na sobrang nakakatakot.. dumungaw ako sa may tubig at pinagmasdan kung may gumagalaw o kahit ano mang palatandaan na may tao dito. Wahhhhhhhhh wala akong makita nakakatakot!

Kaya naman tumalikod na ako para muling pumanhik ng biglang..

Mapiste! May humawak sa paanan ko at hinila ako nito pabagsak sa suba.

baGAYto [SPG/ X-RATED/ BOYxBOY]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!