*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

baGAYto #5: "MORE THAN TWO METER'S RULE "

1.6K 52 12

NOTE: Ang nasa Pic po ay ang itsura ng Chibi Doll na tinatahi ni Axel bilang regalo niya kay Damien.

“Gagu ka?! Bakla ka noh!”, irita parin ito habang pinupunasan ang mga labi. “Hindi naman ako yung..”, Hindi ko kayang ituloy ang sasabihin ko.

“Kung hindi ka kase pumasok pasok dito.. hindi mangyayari toh. Nakakabadtrip ka talaga.”

“Sorry”, mahina kong sagot.

“Sorry sorry.. buysit! Nasarhan pa tuloy yang pinto!”, Padabog siyang naupo sa kama ng guest room at patuloy ang panlilisik ng mga mata. Siguro kung may kutsilyo dito sa kwarto nasaksak nya na ako ng wala sa oras.

Galit na galit siya, paano na ito.. Bad shot nanaman ako sa kanya.

“Patayin mo nga yang ilaw bakla! tang-ina.. yokong makita yang pagmumukha mo! Putang ina mas okay sanang yung switch o pader nalang nahalikan ko. Takte! kaysa naman yang.. Puta kadiri talaga!”

Nasasaktan ako sa mga sinasabi niya, yung ligayang nasa puso ko parang gusto kong iluha. Parang gusto kong pabalikin ang oras at di nalang sana pumasok sa kwartong ito. Pinabayaan ko nalang sana yung battery. Dumeretso nalang sana ako sa kwarto ni Trixy.

“Binge ka ba?! Nahalikan lang kita .. nabinge ka na? Tang-ina aaa. Matagal ko ng napapansin yang mga patingin tingin mo. Puta kung di ka lang kaibigan ng kapatid ko at malapit sa nanay ko matagal na kitang nasapak ee”

“Pa.. Pa’aa..Papatayin ko ba yung ilaw?”

“Tang ina binge nga!”, Mabilis siyang tumayo at papalapit sa akin. Agad niya akong itinulak at sabay pindut sa switch para mamatay yung ilaw.

“Arayy..”, pabulong na inda ko sa aking sarili. Naramdaman ko yung pagtama ng nguso ko sa kanto ng isang matigas na bagay. May konting pahid narin ako ng likidong nakapa. Medyo kumikirot yun..

“Putang inang buhay tuu pag minamalas nga naman, letse kaseng mga salot dito sa paligid. Di na nawawala! Putang ina talaga!”, Isang malakas na pagtama ang aking naringing. Isang kahoy na bagay na sinipa ng isang malakas na pwersa ng isang paa.

Hindi ko mapigilan ang pagluha ng aking mga mata, dahil sa sobrang kalungkutan na aking nadarama. Sa mga masasakit na salitang aking nariringing mula sa labi ni Damien. Pagkakamali ko to.. Kasalanan ko kung bakit din naman siya nagagalit ngayon.

Tama siya. Isa lang akong hamak na salot.. dapat lang akong mawala. #___#’

 

Hindi ko maitext si Trixy. Biglang naghang ang cellphone ko. Wala itong signal na masagap’ tuluyan na sigurong nasira ang aking munting cellphone. Ang sakit ng bandang labi ko, parang may konting biak akong nakakapa.. Nalalasahan ko ng bahagya ang sarili kong dugo.

“Heloo Trixy.. asan ka ba?!”, Pansin kong may liwanag na nanggagaling sa kanyang cellphone.

baGAYto [SPG/ X-RATED/ BOYxBOY]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!