baGAYto #15: "SUBA-rang SWEET"

2.5K 71 22

NOTE: Ang nasa pic ay si Axel habang nag-eemote na pinagmamasdan ang Suba (Isipin niyo nalang Mga Ka’Greem na Suba yung Anyo ng tubig na nasa Pic! para naman Relate kayo sa imagination sa kwento!)

Bago pa ako bumagsak sa suba ay nabunot ko pa ang aking cellphone at malakas na tinapon sa may taas. Tangna muntikan na yung cellphone ko #+__+

 

Pero teka lang babagsak na ako dito sa tubig! Para akong isda na nakalabas sa aquarium at ibon na nalulunod panay pokpok ako ng pukpuk dun sa tubig, yung paa ko rin parang wala ng matapakan.

“Relax lang.. bahala ka baka matuluyan kang malunod”, parang nakatawang may nagsalita sa aking tabi. Pagtingin ko..

Si damien pala!

Nakahawak yung isang kamay niya sa may tabla at yung isa ay nakayakap sa akin. “Kainis! ka.. itaas mo na nga ako”, reklamo ko naman.

“Ayoko nga dito tayo sa mas malalim..”—tang-ina wahhhh natatakot na ako, feeling ko malulunod na talaga ang buong katawan ko, parang lalamunin na ako nitong suba! “Damien!”—napasigaw ako ng wala sa oras.

“Di magkara-iwag.. yakap ka na kase”—Di naman na ako nag-inarte yumakap talaga ako sa kanya. “Wooooo! Tang-ina ayoko na!! Ibalik muna ko dun”, feeling ko kahit nakayakap ako sa kanya ayy malulunod parin ako.

“Wag ka ngang maingay… baka may makaringig sa atin ee”

“Ehh anung gagawin ko.. wahhhh gusto ko ng umalis dito.. damien naman ee”, Hinigpitan ko ng husto ang pagkakayakap ko sa kanya.

Tang-ina ang lakas niya grabe kaya niya akong buhatin dito sa gitna ng suba, pero gusto ko parin maiyak.. wahhhhh ayoko na talaga dito!

“Huy damyan balik mo na ako dun.. kainis ka naman ee!”—Nakatingin lang ito sa akin at parang tawang-tawa. “Parang di to.. lalaki”, sabi naman niya.

“Hindi naman kase! Crush nga kita diba! Bakla ako! Gay ganun!”

“Talo ka pa ng mga kakilala kong bakla marunong lumangoy, ang gagaling pa”—Pagmamalaki nito. Naasar ako! Bat siya nagkekwento ng tungkol sa mga baklang iba! Kinukumpara niya ako. Tapos ang resulta mas magaling pa ang mga beki na yun.

Mukha nanaman akong Looseerrr #m__m

 

“E di Wow..”—Hmmmp inis ko namang sagot. “Uyyy nagseselos na, okay lang yan’  atleast ikaw nayayakap mo ako sa mga ganitong sitwasyon”—Tangna! nagbablush ako.. puta ramdam ko yung paglobo sa saya at kilig ng pisnge ko! #@^__^@#

 

“Nagpapagalaw ka naman sa kanila”—Mahina kong sabi sabay galaw.. Wahhhhh di ko namalayan na napabitaw ako sa kanya. “Ayan kulit kase..”, buti nalang at nahawakan niya ako, pero para nanaman akong isda na sige ang talon talon sa tubig.. tangna ayoko na dito!

“Damien.. ahon na kase tayo! Kainis ayoko na dito!”—Inis na pagrereklamo ko ulit. Anghigpit pa lalo ng yakap ko sa kanya.. “Ayoko..”, matipid niyang sagot. “Pleaseee.. ayoko na dito. Tulongggg! Ang sagwa rin pag may makakita sa atin dito baka kung anu isipin. Tapos pag malaman mong kalat na yung balita sa atin.. iiwasan mo na – Uhmmmmmmmmm—..”

baGAYto [SPG/ X-RATED/ BOYxBOY]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!