PROLOGUE

3.7K 79 14

Umuulan ng gabing yun ng tuluyan ko ng nilisan ang bahay, kasama ang walong buwang sanggol na aking buhat’buhat.

Dala ang isang malaking bag na aking ukbit at ang isang bote ng feeding bottle na may lamang gatas na malapit ng maubos.

Hindi ko napigilan maluha habang nasa ganung posisyun kame ng aking Anak. Nasa ilalim kame ng bubung ng isang saradong tindahan. Naghihintay ako ng tricycle na masasakyan.

Kung hindi nila ako tanggap bilang isang anak. Pwes kahit bata palang ako papatunayan kong kaya kong maging mahusay na ama. Hindi basehan ang pagiging silahis para maging mahusay na Ama!

Bahala na ang diyos sa amin ng anak ko, Hindi ko alam kung paano magsisimula ang buhay namin pagkatapos namin lisanin ang baryong ito.

“UWhaaaa Whaaaa Whahhhh”—Biglang umiyak si Baby Yuwan. Ubos na pala yung gatas. Inalo ko ito at kinakantahan ko para matigil sa pag’iyak.

Pero hindi ito natitigil sa pag’iyak. Namumula na yung mukha niya, natatakot na ako. Itutuloy ko pa ba itong paglalayas na ito?

“Nak tahan na, naubos na kase yung gatas mo ehh. Pero pangako pagdating natin sa bayan gagawa agad ng paraan si tatay”

Yung mukha ko problemadong’Problemado hindi ko na alam ang gagawin! Yung pag’iyak ni Yuwan lalong lumakas. Umaalingawngaw yun sa gabing napakatahimik. Pero kasabay nun ang malakas na pag’ulan.

Yung ulan sinasabayan niya si Yuhan sa pag’luha at pag-iyak.

Hindi naman nagtagal merong tricycle na paparating. Napakaliwanag ng front Light nito na tumatama sa aking mukha. Yung kamay ko inilabas ko yun ng bahagya at panay Para ako.

Huminto ito.

“Huy Gabing gabi na Noy anong ginagawa mo diyan?”—Napatingin din ito sa hawak kong bata.

“Tsaka yung bata iyak ng iyak”

“Naubos na po kase yung gatas niya”—Inosenteng pagsagot ko sa driver. Inihinto muna nito yung Tricycle at tila may kinuha sa may loob ng blankong tricycle. Mula sa pagkaka’angkas ay bumaba na ito na nakapayong.

“Ano ba kaseng ginagawa niyo ng kapatid mo dito sa gitna ng dilim?”—Parang istriktong kuya ito na lumapit sa akin. Hindi pa siya matanda, bata pa siya at parang na 30’s ang edad.

“Hindi ko po siya kapatid”—mahina kong sagot habang inaalo ko parin si Yuwan sa pag’iyak nito.

“Hindi mo siya kapatid?”

“Opo, anak ko po siya”

Nagulat yung Driver sa aking sinabi. “Anak mo siya? Ang bata mo pa ahh”—Tumingin ako sa kanya na nahihiya. Ibinigay niya naman yung payong na hawak sa akin.

“Sige Akin na yang Bag mo, tapos sumakay na kayo ng bata”—Ibinigay ko naman na yung bag ko. Nilagay niya yun sa looob ng tricycle. Ako naman nakatayo parin at nakatulala, Habang patuloy parin sa pag’iyak si Yuwan. 

YUNG ANAK KO NAKAKA’AWA..

“Anu pa bang hinihintay mo? Mapasukan ng lamig yang bata?! Sumakay ka na!”—Galit na wika ng Driver. Nawala naman ako sa pag’iisip at pumasok na nga rin ako sa loob ng Tricycle.

SINIMULAN NA NI KUYA YUNG PAGMAMANEHO, SA MAHINANG PAMAMARAAN.

“Lumayas ka?”—Tanong sa akin nung Driver. Hindi naman ako nakasagot bagkus ay tumingin nalang sa malayo.

Yung anak ko natigil na sa pag’iyak at nakatulog na ito na punong puno ng luha nag mukha.

Anong Klaseng Ama ako! Bat nangyayari ito sa amin!

“Saan ba ang punta niyo?”

“Sa bayan po.. Dun niyo nalang po kame ibaba” – May pera pa naman ako, alam kong sakto lang yun para makapunta kame sa maynila. Gagawin ko ang lahat, maghahanap ako ng Trabaho.

PARA SA ANAK KO, PARA SA KINABUKASAN NIYA.

“Pero gabing’gabi na. Kung gusto mo tumuloy ka muna sa bahay”—Pag’aya sa akin ng lalaki.

“Hindi po ayus na po kame. Sa may Bayan nalang po”—Hindi na umimik pa yung lalaki. Ako naman tinititigan ko ang aking anak. Inayos ko ang balot nito sa katawan.

“Anak huwag kang mag’alala Hindi ka pababayaan ni Tatay. Gagawin ko ang lahat maging ayos lang ang buhay natin. Maghahanap ako ng trabaho.. Maghahanap ako ng matitirahan natin. Kung hindi man nila tayo tanggap sa kanilang mundo, gagawa ako ng mundo para sa ating dalawa. Bagong Mundo na kung saan tayong dalawa ang magbibigay buhay at Kulay. Mahal na Mahal kita anak”— Humalik ako sa noo ng aking Anak. Hindi ko rin napigilan yung pagluha ng aking mga mata.

baGAYto [SPG/ X-RATED/ BOYxBOY]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!