baGAYto #12: "Uu Nga..."

1.1K 40 11

NOTE: Isipin niyo nalang po na ang nasa Pic ay si Mang Doring.

Hindi pa ako nakakalayo ng husto ng biglang nagbago ang isip ko. Parang gusto kong balikan yung manga na may ukit na puso!

Pero paano pag nandun pa siya? Tumakbo muna ako at nagtago sa likod ng isang malaking puno.

Wala na rin naman ako nakikitang tao siguro umalis na rin si Damien. Baka sa ibang ruta siya dumaan. Adik lang ako pagkatapos itapon yung bigay niya ee muli ko namang pupulutin.

Ayyyyssst! bahala na nga di ko alam pero I think I’m fallin inlove again! Hmmmmm of course sa kanya.

Heto na ang kabaliwan at napakabilis na pagtatapos ng kasinungalingan kung tawaging.. MOVING ON!!

Mukha akong tanga na rumuronda dito sa kalupaan ni mang doring, Paano nalang kung biglang dumating yun dito. Baka naman ipasu-ag niya ako sa kalabaw niyang napakalaki. hmmmmp kaylangan ng magmadali!

“Asan na kaya yun! Dito ko lang yun tinapon ee”, Pagsasalita ko habang nakatingin sa patag at hinahanap ang mangang naitapon.

“Bat mo kase tinapon?”

“Naasar kase aku dun sa nagbigay nagiging mabait siya ngayong nagtatampo ako sakanya”

“Aaa bat ka nagtatampo sa kanya?”

“Basta.. bat mo ba---??”

<?___?^!!

Tama ba yung nariringig ko o nag-iimagine lang tong kukute ko? May kumaka-usap ba sa akin?

“O bat di kana nagsalita diyan?”—Dun ko na nabitawan yung hawak kong isang manga. Hindi pa pala siya nakaka-alis?

Dub—Dub—Dub =❤=

Gumulong gulong yun na sinundan naman ng mata ko ayokong tumingin dun sa nagsasalita! Nakakahiya! Feel ko tuloy para akong tangang napaka-arte!

Hanggang sa may pumigil sa pag-gulong nung manga. Tinapakan ito ng isang paa! Pupulutin ko na sana ehhh..

Anu na? Nu nang gigibuhon ko? Sisilngan ko baya ineng lalaking ine?! Hmmmmmm. Dahan-dahan na nga akong tumingila patingin sa kanya. Ganun parin ang ayos niya, tanggal parin ang ayos ng damit.

Pinulot niya yung mangang tapak-tapak. “I’m Sorry ulit” sabay abot niya nung mangang may Sorry at Smile na ukit.

Inabot ko naman yun ng nakangiti. Nakita ko rin sa kabila nitong kamay na hawak niya yung isang manga.

IBIBIGAY NIYA ULIT! YES!

“So bati na tayo? di na ka udit..?”

baGAYto [SPG/ X-RATED/ BOYxBOY]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!