baGAYto #13: "Sa Koprahan"

1.5K 49 11

NOTE: Ang nasa Pic po ay ang Koprahan na mababanggit sa kwento ft. ang mga chikens na nakatambay.

“Pati manga ko! Mga lintik ine.. dire ninyo sabihung nagpanhik kamo sadi pananum ko!”

“Aaaa di po mang doring!”—Agad ko namang pagtanggi sa galit ng matanda. “Uno ton na gaput mo!” Nakatingin siya sa hawak kong manga. Tumingin agad ako kay Damien na nakangiting habang dahan-dahang tumatayo.

“Tanda.. kumuha lang naman ako ng konti tsaka binayaran naman ni mama yang mga bunga niyan diba.”

“Tapos na ang oras na binigay ko! Wala ng karapatan ang kung sino man sa inyo magkarakuku dine sa bunga ng mga manga ko!”

“Konti lang naman eee.. Wag kana mahighblood’ baka atakihin ka diyan”—pang-iinis sa kanya ni Dam, natawa rin tuloy ako. <#^….^>

 

“Mapisti ine.. anong sabi mo!”—Nagulat kame ng biglang binunut nito yung mahaba, matulis at malasalaming kintab niyang sundang. “Huy tanda relax lang po”, Si damien na sinenyasan akong tumayo na rin.

“Kaylangan niyong mabigyan ng leksyon!”

“Takbo!”—Di pa ako nakakatayo ng lubusan ng hinila ako ni Dam-dam patayo at padalagan kung saan-saan. Hindi namin alam kung nasa likuran namin si Mang doring na kanina’y nakahabol sa amin.

Kung ano-anong matataas, makakati at nakakatusok na ligaw na damo’t halaman ang aming nakakasalubong. Wala kameng paki-alam.. Bira lang ng bira sa takbo!

Nakaka-enjoy pala kasama si damien sa mga ganitong aktibidades! Di naglaon ay nakakita kame ng isang koprahan bakante ito at walang nagkokopra.

Agad ako hinila ni Damien at walang tanong-tanong mula sa akin na tumalon kame dun sa lagayan ng gatong ng may kalakihang koprahan.

Napa-ubo talaga ako ng biglang nagliparan yung alikabok ng mga uling sa gatungan. Nakakatawa na ang itsura naming dalawa, puno ng maiitim na na powder ng uling.

Lalo na siya, na ngayon ay wala paring damit.. masyadong puminta yung mga uling sa kanyang katawan. Pero kahit may uling na yun, ang sarap parin pagnasahan ang sarap parin dilaan at hagkan!

Sa bandang taas naman namin ay naroon yung lagayan ng mga kopra mismo na pinapa-initan gamit ng mga paapoy dito sa aming kinasasadlakan.

Bigla kameng natahimik ng maringig namin na may papalapit sa aming kinatatayuan. Si mang doring nga ang sumambulat sa amin. Pero nakatago kame dun sa malalim na gatungan kaya di kame nakikita ng matanda.

“Nakakatawa si gurang”—Mahina habang nakangiti niyang sabi. Napatitig nalang ako sa kanya at napangiti.

Ang cute ng mahal ko! #0^__^0

Umiikot ang tingin ng matanda, may kaba parin sa aking dibdib. Nakamurusngot na tinatabas nito ang mga damong nakikita sa paligid. Tila dun niya binubuntong ang galit na di kame mahabol.

baGAYto [SPG/ X-RATED/ BOYxBOY]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!