baGAYto #11: "A Sweet Mango Attack"

1.4K 54 18

NOTE: Isipin niyo nalang na ang Mango Tree na nasa Picture ay ang Puno ng manga na tinutukoy sa kwento.

|Axel|

Gusto niya daw ako maka-usap?

Naku alam kong pagkukunwari lang ang lahat, panigurado isinumbong siya ni Trixy kay Tita Vien at inutusan na huminge sakin ng tawad. Masasaktan lang talaga ako’ dahil iba ang ineexpect ko sakaling pumayag akong makipag-istorya kaniya.

Pero kakaiba yun, nakakapanibago. Siya ba talaga si Damien? O sinapian lang ng kung anong pagkatao para maharap ako ng ganuon. Kakapal man ka angug niya na mag-atubang kanako, pagkatapos ko ginibo niyang pagbalong san mangga sadi lalawgun ko.

Kung mapapatawad ko siya, hanggang friend nalang! Ayoko na! Nakakasawa na talaga!

Naabutan ko si Oreo na ang sarap na ng pagkaka-idlip sa sofa habang nakabukas pa ang telebisyon.

Itong loko kong kapatid, kung di siya magigising ng madaling araw para lumipat sa kwarto. Dito na siya aabutan ng umaga.

Pinatay ko na yung T.V at sinarhan ko na ang pinto, dumeretso akong kusina at kumain ng konti sa mga pagkaing naka butang sa lamesa. Umakyat na ako sa kwarto at nagbihis, muling bumaba para maghilamos at magsipilyo.

Maaga pa ang pasok bukas, kaylangan kong bumawe. Kailangan kong gumising ng maaga, kaya naman pagkatapos maglinis ng katawan at magpapresko ay humilata na agad ako sa kama at natulog na. (D___D)zzzzZZZZ…

Tukturaooooooooookkk..

Kasabay ng dahan-dahang pagsisigaw ng mga tandang dito sa kabikolan ay bumangon na rin ako sa kama. Pero alas kwatro plang yun ng madaling araw. Tungka pa talaga ako, kaya naman inalarm ko nalang yung cellphone ng 4:30..

Kahit trenta minutos na extension ng tulog ayos na!

Di naman ako nabigo, bumangon na ako ng tuluyan matapos magising sa ingay ng alarmtone. “Maray na aga! mga Gwapuuu!!”, masaya kong pag-uunat habang nakatingin sa mga poster ng nagpopogiang K-Pop artist sa aking kwarto.

Bumaba narin ako at nag-asikaso na ng mapapamahawan (Almusal), May konting tirang kanin at meron konting tirang gulay na parapagulong (Sigarilyas) pa naman. Perfect combination pag sinangag ko yung kanin at initin ko yung gulay.

Pagkatapos ko naman maluto ang lahat ng yun gamit ang alab ng mga piraso ng tuyong kahoy ay nagsaing na rin ako para sa almusal ng mga kasama ko dito sa bahay.

Buti nalang walang masyadong hamog ngayong umaga, kundi mahihirapan nanaman ako nito sa pagkilos. Malamig na nga.. parang nasa gitna ka pa ng nasusunog na kabahayan.

baGAYto [SPG/ X-RATED/ BOYxBOY]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!