baGAYto #1: "KrimStix Pa More!"

3.5K 60 10

NOTE: Ang nasa Pic ay si V ng BTS (Axel)

Bata palang tayo, may lihim na akong pagtingin sayo. Pero bat ba ang sungit sungit mo sa akin?

Dinuru-duru ko siya.

Nakaka-inis ka na. Tuwing nasa bahay niyo ako, di mo ako tinuturing na bisita. Tuwing kasama ko naman ang kakambal mo. Naiinis ka sa kanya.

Parang gusto mo akong ipataboy..

Ano bang tingin mo sa akin? Basura? Magkababata naman tayo aaa..? Mabait naman ang Mama mo, pati yung tatay mong Koreano. Kanino ka kaya nagmana?

Siguro ampon ka! Siguro napulot ka lang sa basurahan ng pinanganak si Trixy. Pero malabo yun. Gwapo ka at halatang anak ka ng nanay at tatay mo.

Kamukha mo nga si JIN yung crush at ultimate bias ko sa BTS! Kaya naman kahit ganyan ang ugali mo. Magtitiis ako.

Dahil ikaw na ang buhay ko. Habang hawak ko ang larawan ni Damien ay kinikilig ako. Di ko pa siya nalalapitan higit isang metro sa personal.  Tanging sa larawan ko lang nagagawa yung mga hinahing kong yun.

Isang larawan na bigay sa akin ni Trixy.

Parang siyang K-Pop star na pili lang ang dapat lumapit. Hindi nga parang K-Pop isang korean star na talaga ang magiging tingin mo sa kanya pag nakita mo siya.

Tulad ng mga idol ko sa mundo ng K-Pop, ganun din ang turing ko sa kanya. SObra’ Sobra pa.

Para sa akin, siya ang K-Pop at ultimate bias ng buhay ko.

Siyempre patas sila ni Jin. Pareho silang cute, gwapo. Hirap magpaliwanang basta Perfect man of your dreams! Perfect K-Pop of your imagination!

Nagtataka na ba kayo kung bakit K-Pop ang laman ng bibig kong ito? Oo na.. I’m a K-pop lover isang FanBoy ng mga naggagwapuhang K-Pop stars!

Pero pili lang ang gusto ko. Yung iba tipo ko dahil magaling sumayaw at kumanta. Pero may nag-iisang artist talaga ang nasa Puso ko.

Yun ay si Jin ng BTS. Magkatumbas lang sila ni Damien.. Ang pinoy K-pop ko. Pero hindi naman posible na maging K-pop star si Damien balang araw.

Half korean naman siya eee..

Pag nangyari talaga yun! Ako ang magiging numero uno niyang tagahanga! Lahat ng Poster o kung anu mang palamuti na merong imprinta ng mukha niya ay papakyawin ko.

Ganun ko siya kamahal kahit ang sama-sama niya sa akin..

Pero may kasabihan naman diba? The more you hate the more you love. So my chance pa kame.

baGAYto [SPG/ X-RATED/ BOYxBOY]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!