*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

baGAYto #10: "Moving On?"

1.2K 47 13

NOTE: Ang nasa Pic po ay si Eunice Lagusad gumaganap bilang Ana.

Tuluyan na ngang natapos ang kaarawan ng kambal na wala man lang akong pakita. Sobrang nakaka-inggit yung kaganapan kagabi, dinig na dinig ko habang nakahiga ako sa kama yung tinig at tawa ng kaligayahan sa bahay nila.

Lalo na nung nagbigayan na ng cookies yung kambal sa mga taong importante sa kanila. Di ko na yun pinakinggan, kung meron mang magbibigay ng cookies sa akin.. Tiyak si Trixy lang yun.

Mula sa kanya? Di na ako mag-eexpect kaya itinulog ko nalang ang sarili ko sa kama ng siya na yung magbibigay ng mga cookies na binake niya mismo. Nakamicrophone kase sila ng mga oras na yun. (#L__L)

Katangahan?

Sagot ko tuwing may nagtatanong sa akin sa loob ng bahay sa nangyari sa aking nguso. Yun lang ang pwedeng mairason eee.. Alangan naman sabihin kong sinadya talagang basagin ng manggang binato ni .. ni.. nung demonyong yun ang nguso ko.

Bago lumabas para pumasok ay nakisuyo na muna ako kay Oreo na bilhan ako ng band-aid sa tindahan. Matakpan man lang ng bahagya tong sugat.

“Salamat Oreo”—Sabi ko sa aking kapatid ng ibigay niya ang biniling dalawang pirasong band-aid.

Muli akong tumaas at nag-ayos sa harap ng salamin, tipikal na ginagawa ng mga gustong mag move-on sa isang katangahan. Kaka-usapin ang sarili at pagsasabihan. {}__{}

Hindi madaling kalimutan ang naging interes na ng puso mo simula pa noon, pero kaya naman yun unti-untiin eee.. Tulad ng isang lapis, mapupudpud rin ang nararamdaman na ito. Basta tuloy-tuloy ang pagtasa sa buhay.. Yun bang tuloy-tuloy lang ang pagngiti pag nawala na yung tulis ng lapis—Yung ngiti at saya sa aking labi #9___^

 

Hindi lang siya ang K-POP dito sa paligid! balang araw makakakita rin ako ng tunay kong bias. Yung kaya akong dalhin sa fairytale ng isang fanboy na nagmamahal sa kanyang idolo.

Pero eks na siya sa pagpipilian. It’s hard to say man na he’s eliminated na. Pero kailangan eee..

Ayoko naman maabuso ang kabaitan, pagpapapansin at pagmamahal na pinapakita ko. Sapat na yun.. Tama na ang dalawang manggang tumama, ayoko ng maging tatlo pa.

“Mahale na ku..”—Paalam ko kina Mama. Hindi naman kame nagsasabay ni Oreo dahil sa kabilang daan ang papunta sa elementaryang pinapasukan niya.

Sa aking paglalakad ay nagulat ako ng makita ang isang tricycle sa tapat ng bahay nila Trixy. Naka-ayos na yung mga gamit sa tapat nakasalansan na yung mga monoblock chair at lamesang inarkila. Nakatayo parin yung trapal at may mga tulog pa sa labas.

Pero bat nandito yung service nilang tricycle. Service yun tuwing pumapasok ng umaga. At kasama rin ako dun lage..

baGAYto [SPG/ X-RATED/ BOYxBOY]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!