*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

baGAYto #9: "manGO AWAY!"

1.6K 48 11

NOTE: Ang nasa Pic po ay si Regine Tolentino gumaganap bilang Tita Vien (Nanay ng kambal na si Trixy at Damien)

Isang papel? Kayang hulaan ang kapalaran ng buhay ng isang tao? ISANG MALAKING JOKE YUN!

Panira ng moment ang magic paper na to eeee.. Akala ba niya maniniwala ako? Uhmm! Sinungaling! Sinungaling! Gawa gawa lang naman ito ng Manghuhulang iyon ehh.

At the end of the day ako parin ang gagawa ng kapalaran ko. Hindi masisira ng nakasulat dito sa papel na ito ang nararamdaman ko kay Dam Dam.

ASARRR!!

Di ko tuloy nafocus kay Damien yung tingin ko, bagkus pinanggigilan ko itong papel na dahan-dahan kong pinupunit sa maliliit na piraso. Hanggang sa huminto na ang dyip at bababa na kameng dalawa.

Mas mabilis siyang nakababa, ganun din ako na nagmadali tahakin ang kahabaan ng loob ng dyip at patalon na bumaba. Hayaaaaayyy..

Pero nagulat ako ng makita ang mga tao sa bungad ng daan papasok sa aming lugar. Mga kakilalang bisita, kaibigan at pati si Trixy ay naka-abang dun. Tila sasalubungin nila si Damien, na kasalukuyang nasa dako rin ng aking kinahihintuan.

Hanggang sa umalis na yung Dyip.

Tinapon ko muna sa gilid yung piraso ng mga papel na bumubuo dun sa walang kwentang magic paper ng matandang manloloko. Grrrrrrrrrrr.. KAKAYAMOT (>__<)

Mas pina-una ko siya, sumunod ako ng makarating na siya sa mga kaibigan. Si trixy naman ay di sinalubong ang kakambal, sa akin siya nakatitig.

“Magkasama kayo?”—Agad niyang tanong ng makarating na ako sa kabilang daan. “Aaa.. nagkataon lang siguro, nakasakay ko siya sa dyip ngayong pauwe na”

“Talaga? Hindi kayo sabay pumunta sa bayan. Ano bang binili mo dun? Anu yan?”—Pag-uusisa niya sa aking dala.

“Wala.. inutusan lang ako ni Mama bumili ng gamit ni Oreo sa eskwela”

“Talaga anu nga yan?”—Pilit niyang inaagaw pero itinataas ko yun gamit ang aking mga kamay. Nakalagay naman sa plastik na di silag yung mga maliliit na paper bags.

“Trix.. anu sama ka ba sa amin?”—Tanong ng isa nilang pinsan na babae. Hindi ko siya kilala ng husto. Pero namumukhaan kong pinsan nila yun.

“Aaaa diba hiwalay hiwalay naman tayo. Akin na yung isang listahan.. kame nalang magkasama ni Axel”—Sabay akbay niya sa akin. “Ahh para saan?”, tanong ko naman.

“Para ipamigay yung mga invitation.. Diba sasamahan mo naman ako?”

“Aaa.. Oo sige”, ng napagawe ang tingin ko kay damien ay nakasimangot ito. Si Trixy naman ay patakbong umalis at lumapit sa mga kaibigan.

“Sige kita kit’s nalang mamaya Trix.. Pati na rin sa inyo tol”, Paalam ng bawat isa. “Tayo lang? Bat sila tig apat?”

baGAYto [SPG/ X-RATED/ BOYxBOY]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!