*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

baGAYto #3: "SEX or DEATH?"

2.2K 55 12

NOTE: Ang nasa Pic ay si Yura ng Girl’s Day (Trixy)

“Huy.. may bibilihin ka ba?! Bawal tamambay dito Axil!”

Nagulat ako bigla ng hinampas niya yung net na harang nung munti nilang tindahan. Natulala ako kaka-isip sa kanya. Pati sa isip ko ang gusto kong bilhin ay ang puso niya.

Timang na talaga ako! Buti di siya nakatingin sa akin, kung hindi baka nasunog nanaman ako sa nag-aalab at malademonyo niyang titig. Eto namang si Ana, bawal daw ang tambay pero pag si Damien ko, pinapabayaan niya lang.

Lang urag man!

Siguro ang ikinagagalit niya ay ang merong nakakaharang sa tanawing ikinagagalak niyang pagmasdan. “Usog nga diyan kung wala kang bibilhin!.. haharang harang ee!”

“Nagbayad na ako diba? Relaks lang kase.. Ana”, mahina ko namang sabi sa kanya. “Ohh bilis malapit na kameng magsara axil!”

“Axel sabe ee”

“La akong pake.. the important is makabili at maka-alis ka na diyan! Alam mo naman na nandiyan ang prinsipe ko diba!”, Mahinang sabi nito habang lapit na lapit ang mukha sa akin. Sa pagitan ng bakal na net ng tindahan.

“D.G”, sagot ko.

“D.G? wala kame ditong Dunkin Gonuts ahhh!”

“Bungol! D.G Dating Gawe.. sampung KrimStix!”

“Aaa yun ba yun? Okay.. Here your KrimStix! Sige Chupi na!”—Parang ninja kung gumalaw. Mabilis niyang naibigay yung mga KrimStix. Di ko nga alam kung sakto, kaya naman naupo ako sa kabilang bangko at binilang yun.

Nagamit ko naman ang pagkakataong yun para matitigan ang lalaking nasa aking harapan. Sa iba siya nakatingin, hawak na rin niyang muli yung cellphone habang nakaipit sa mga daliri ang maikli ng yosi.

Sobra ng isa yung binigay ni Ana, nagmamadali kase sa sobrang kalandian. Nakalibre tuloy ng isa.

“One .. Two.. Three..”, mahinang pagbibilang ko habang kumukuha ng tatlong KrimStix. Ibig sabihin nito.. I Love You.

Ibigay ko na kaya sa kanya? Aist di pwede andito si Ana. Nang napadako ako ng tingin dito ay sinesenyasan akong umalis na daw ako. Ang lantod! Masyadong malantod!

Anong gusto niya? Masolo niya si Damien ko? Tapos lalabas siya ng tindahan at lalandiin niya ito.

May matanda namang dumating at lumapit sa tindahan. “May Paminta kayo?”, tanong niya kay Ana na medyo uminis ang mukha. Siguro natakpan ang point of sight niya kay Damien.

“Sa labas po meron isa!”

Napansin ko nalang na napatawa ng bahagya si Damien, di man nakatingin sa akin pero may tumatakbo sa aking isipan na ako yung pinagtatawanan niya. Pero bakit?

baGAYto [SPG/ X-RATED/ BOYxBOY]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!