Chapter 8



"Gago ba siya!" lasing na sabi ni Charlene " Kapal ng mukha non sabihin na may gusto daw ako sa kaniya, duh mataas ang standard ko sa lalaki noh!" she added



Napailing na lang ako sa sinasabi niya, tumayo ako at lumabas ng balcony at pumunta sa kusina para kumuha ng chips. Aalis na sana ako ng kusina ng tumunog ang cellphone ko, sinilip ko naman iyon at nakita ang text ni Felix sakin.



From Felix:

Talia,  sorry for what Tito Mac said earlier.


Agad naman akong nagtipa ng reply ko sa kaniya at sinabing ayos lang yon, pagtapos itinabi ko ang cellphone ko at lumabas ng kusina para pumunta sa balcony, pagdating ko don nakita kong nakatulog na ang dalawa.



They passed out.



Napailing na lang ako at kinuha ang plastic sa gilid at itinapon ko doon ang mga kalat namin, pagtapos kinuha ko ang jacket ko sa kwarto at lumabas ng condo, bitbit ko ang basura para itapon dahil medyo madami ang mga ito at hindi na kasya sa trash bin ko sa taas. Pwede ko naman ipatapon to sa janitor pero hindi na ako nag abala. Sumakay ako ng elevator at pinindot ang sa carpark nandoon kasi yung mga basura.



Pagbukas ng elevator agad akong lumabas at tinapon ang mga basura na hawak ko, napatigil ako sa pag tatapon ng basura ng may magsalita sa likod ko.




"Aphrodite?" agad naman akong napalingon sa tumawag sakin, my eyes grew bigger



"Evander?" napatakip ako sa bibig "OMG ikaw nga"


"How are you?" tanong nito sakin



"I'm good! Ikaw kamusta ka na?" I asked





Evander is my best friend since highschool lagi ko din siyang kasama pati ni Charlene. Isa rin siya mga karamay ko nung iniwan ako ni Felix. Kahit na nasa U.S siya hindi niya kinakalimutan na kamustahin ako.



"I'm fine"



"What are you doing here?"



"Visiting a friend" pinagkrus ko naman ang mga braso ko sa dibdib ko at sinimangutan siya



"Wow buti pa yang friend mo na yan nabibisita mo kami hindi!" pag rant ko sa kaniya "Is it a girl?"



He chuckled and pat my head "Silly, it's a guy"



"Lalaki? binibisita" I looked at him with suspicious eyes "Don't tell me you're-"



"Tanga, pinsan ko bibisitahin ko" Mas mabilis pa sa alas kwatro na sabi niya



"I'm just teasing you" I said and rolled my eyes



He chuckled "Got to go, catch up soon?"



"Sure" I said and gave him a wide smile, He tapped my back before going inside.





Naglakad naman ako palabas para makapunta sa malapit na convenience store para makabili ng pagkain namin nila Charlene. Habang naglalakad pansin ko na rin ang nag aagaw na liwanag at dilim, it's almost 6pm na pala.




Pagtapos kong bumili ng pagkain namin, napatingin ako sa bilihan ng paborito kong ramen, napangiti ako ng makitang bukas pa ito, It's been a while since I eat there. Maaga pa naman kaya pumunta ako at pumasok sa loob ng store. Agad naman akong umupo sa favorite spot ko doon sa tabi ng bintana at umorder agad.



"One Tonkotsu Ramen" sabi ko sa waiter

"Spicy?"

"Yes please, thank you"





Nilagay ko naman lahat ng pinamili ko sa gilid ko, kakain muna ako hindi pa naman gutom sila Rev or mag take out na lang din ako ng Ramen para sa kanila. Inilibot ko ang paningin ko sa buong store madami din ang nagbago at lumaki din ang lugar siguro dahil na rin sa dami ng customer. Ngayon walang masyadong tao dito sa loob. Habang nag aantay ng order nakatutok lang ako sa cellphone ko.





I stopped scrolling on my phone when familiar voice spoke.



"One Beef Tonkotsu Ramen"





Napatingin ako sa nagsalita at nakita si Felix na napatingin na rin sakin, I cleared my throat at binalik ko na lang ang sarili ko sa pag cecellphone at nagkunwaring hindi siya nakita. Pero napaayos din ako ng upo ng umupo siya sa harap ko.





"Can I seat here?" He asked me





napakunot naman ang noo ko "nakaupo ka na nga diba?" mataray kong saad sa kaniya





He chuckled, napairap naman ako at hindi na siya muli pinansin. He's wearing a simple white shirt and jersey short naka suot din siya ng cap at facemask para hidi siya makilala. Nakatingin naman siya sakin pero umiwas ako ng tingin sa kaniya , tangina naman





Nakakailang na nasa harapan ko siya ngayon at titig na titig sakin, kaya kahit anong gawin ko sa cellphone ko itinigil ko dahil hindi na ako makapag focus doon. Binaba ko ang cellphone ko at humarap sa kaniya, kahit na naka cap at mask siya nakita ko pa rin ang kislap sa mata niya ng hinarap ko siya.





"Why? Stop staring at me!" I said


binaba niya naman ng onti ang mask niya at nilapit ang mukha sakin "Bakit hindi mo sinasagot yung text ko sayo?" sabi niya at ngumuso


"Bakit, kailangan ko ba mag reply?" sabi ko at pinag krus ko ang mga braso ko sa dibdib ko


"Oo, kasi text ko yon" sabi niya at nangalumbaba sa harap ko


I chuckled "Bakit sino ka ba para replyan ko-"


"Ex mo" sabi niya na parang proud pa


I laughed histerically "Parang proud na proud ka pa na naging ex mo ako"


"Oo naman, alam mo naman na proud ako sayo lagi" sabi niya at binigyan ako ng ngiti


Inilagay ko naman ang kamay ko sa noo niya at tinulak yon palayo sa mukha ko "Corny mo, lumayo ka nga ma issue pa ako sayo"





Buti na lang at hinid na siya lumapit pa sa akin dahil dumating na rin ang order ko ganon din sa kaniya pero mukhang hindi siya dito kakain dahil naka take out ang sa kaniya, hindi ko siya pinansin dahil busy na ako sa pagkain, nang matapos agad akong tumayo at kinuha ang order ko para kila Rev. Lumabas na din ako, pero paglabas ko sumunod sa akin si Felix dala yung inorder niya ding pagkain.





"Hatid na kita" He said


"Huwag na" sabi ko


"Hahatid kita-"


"Huwag na sabi eh, ano na lang ang sasabihin ng tao kung may makakita sa atin?" sabi ko at tinitigan siya ng diretso.


his jaw clenched "I don't care-"


I chuckled "Ano iyon wala ka ng pake? Wow Felix parang noon lang takot ka na may makakita sa atin, tapos ngayon wala ka ng pake?" I said, I saw his bloodshot eyes remains at me "ambilis naman ng ihip ng hangin"





Hindi naman siya nagsalita pero ang mga mata niya ay nanatiling nakatingin sa akin.





"Hindi ba sinabi ko sayo na layuan mo na ako, dahil ayoko ng atensyon Felix, ayoko"





"Talia-"





"Kung ano man ang balak mong gawin, wag mo ng ituloy, layuan mo na lang ako" sabi ko sa kaniya at tinalikuran na siya ngunit hindi pa ako nakakalayo, napatigil ako sa sinabi niya





"I want you back" naramdaman ko naman ang paglapit niya sa akin kinapitan niya ang balikat ko at hinarap niya ako sa kaniya, napatitig naman ako sa mga mata niyang mala anghel "Please Talia give me a second chance"

Artificial Love (Artist Series 1)Where stories live. Discover now