Chapter 7



"I'm s-sorry" he said



umiling naman ako "It's okay... I already moved on and its all in the past now"





Wala namang nagsasalita samin at tahimik lang kami, sa sobrang tahimik ang ulan lang sa labas ang maririnig mo.




"Uhm pumasok ka na sa kwarto mo dito na lang ako matutulog" Sabi ko tumayo naman siya at nakatitig pa rin sakin na akala mo pag nawala sa paningin niya ay maglalaho ako "What?"




"Sa kwarto ko na lang ikaw matulog, I'll use the guest room"




"Hindi na ako na lang sa guest room" sabi ko at tumango naman siya, kinuha ko ang nilabas niyang comforter tsaka unan at pumasok sa guest room niya.




Pagpasok ko agad akong sumalampak ng higa sa kama, agad ko naman tinabunan ang sarili ko ng unan. Madaming bumabagabag sa isip ko at isa na yon na nandito ako sa penthouse niya at matutulog? Well kasalanan ko naman kung bakit nandito ako ngayon.



Naramdaman ko ang tama ng liwanag sa mga mata ko, napatingin naman ako sa orasan sa gilid at nakita king 8:30 na ng umaga nakahinga naman ako ng maluwag at naalalang weekend ngayon at walang pasok. Pero agad din akong napabangon ng matanto ko kung nasaan ako ngayon.



Dumiretso ako sa banyo na nandito sa loob ng kwarto naghilamos naman ako at nagmumog na din, pagtapos lumabas na ako nagulat ako paglabas ko ng makita ko doon ang manager ni Felix, sabay naman silang napatingin sakin ni Felix agad naman akong nakaramdam ng hiya at pumasok ulit sa kwarto at sumandal ako sa likod ng pinto at napapikit ng mariin.



Narinig ko naman ang katok at ang boses ni Felix sa labas.



"Talia"



Huminga naman ako bago buksan ang pinto, tumambad naman sa harap ko si Felix na nakangiti sakin.




"Morning" He said huskily



naramdaman ko naman na uminit ang pisngi, damn after a year narinig ko muki sa kaniya yon. Hindi ako kinikilig.




"M-morning" I said and he only chuckled




Muli naman siyang humarap sa manager niya, at nakita kong nakatingin ito samin.




"M-miss Dela Vega?"




awkward akong ngumiti "Goodmorning po"




Ngumiti naman ito sakin at tumingin kay Felix, nagsasalit salit yung tingin ko sa kanilang dalawa.





Artificial Love (Artist Series 1)Where stories live. Discover now