Chapter 5


"Tangina, seryoso?" gulat na tanong ni Charlene sakin nasa isang restaurant kami inaya niya akong mag lunch "Anong sabi mo?, kayo na ulit?"


"Wala, hindi!" saad ko


"wala Huh? anong wala"


"Hindi ako nakapagsalita kagabi... h-hindi ko alam ang sasabihin ko" I said and drink my juice


"Ano?" natatawang sabi niya "Paanong hindi mo alam? my god Aphrodite!" sabi niya at inirap pa ang mga mata


"I'm so shocked okay! I don't know what to say, ni hindi nga ako makagalaw sa kinatatayuan ko kahapon ng sinabi niya yon!" sabi ko at sumubo ng pagkain "At isa pa I am not sure kung totoo ba ang sinasabi niya, malay ko bang nag paparactice lang siya ng linya niya or ginagago lang ulit ako" patuloy ko


Charlene just shrugged at nagpatuloy na lang kami sa pagkain, pagtapos namin kumain kanya kanya na kaming balik sa aming trabaho. Mabuti na lang at nagdala na ako ng sasakyan ko at payong umuulan pa rin kasi hanggang ngayon.


Paggising ko naman kanina wala na doon si Felix nag iwan naman siya doon ng notes niya at nagluto din ng breakfasts.


Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kagabi nung sinabi niya yon, para akong naging pipe at hindi ako nakapagsalita basta nag dire diretso lang ako papasok ng kwarto ko at iniwan siya doon sa sala.


Hindi ko naman kasi alam kung papaniwalaan ko ba ang sinasabi niya, meron namang part sa puso ko na gustong maniwala sa kaniya pero mas nanaig pa rin ang wag paniwalaan siya sa ginawa niya sakin hindi ko alam kung may tiwala pa ba ako sa kaniya, basta ang hirap ng ibalik ng tiwala ko feeling ko kasi baka gaguhin niya nanaman ako.

Bumalik naman ako sa Opisina inilagay ko ang basa kong payong doon sa sabitan para matuyo at umupo doon sa lamesa ko at ginawa ko na ang dapat kong gawin. Narinig ko naman ang bunganga ni Rev na palapit sa akin.


"Ano nanaman yon Rev" puna ko sa kaniya


"Grabe naman pwedeng chika muna di pa naman time eh" Sabi niya


"Sira tatapusin ko na to ng makauwi ako ng maaga at hello sabado bukas" maligaya kong sabi. sa kaniya "At ikaw nga to ang may dapat i kwento bakit iniwan mo ako kahapon, lalaki ba yan?"


"Alam mo Aphrodite tiyaka ko na papakilala sayo pag sure na" sabi niya at ngumisi "Mahirap na baka mamaya ipakilala ko tapos hindi nanaman sure"


Tinulak ko naman na siya pabalik sa lamesa niya dahil may ginagawa na ako. Mamaya pang 2pm ang schedule ni Felix dito dahil hindi pa tapos ang shoot niya kahapon. 12 pa lang naman hanggang sa lumipas ang oras 1:30 na at dapat nandito na yon si Felix.


Lumabas naman ang boss ko at tinawag ako.


"Miss Dela Vega our shoot with Mr Felix move on monday so tell the other staff to wrap up"

What? Why?

tumango ako at agad bumalik sa lamesa ko nagulat naman ako ng tumunog ang cellphone ko.


From Felix:

Sir, I'm sick


My eyes widened

To Felix:

Are you sick?

wala pang ilang minuto nag reply agad siya

Artificial Love (Artist Series 1)Onde histórias criam vida. Descubra agora