Chapter 4


Nandito ako sa tapat ng bintana ko at nakatingin sa maliwanag na syudad, malakas pa rin ang ulan sa labas. Umiinom lang ako ng kape habang nasa ilalim ng comforter ko.


May kasama pang kulog at kidlat ang ulan sa labas, hindi kasi ako nanood ng balita kaya hindi ko alam na uulan pala at mukhang may bagyo pa.


Ilang oras na ang nakalipas simula nung ihatid ako dito ni Felix. Mabuti na lang at tumigil na rin sa pagkabog tong puso ko at nakahinga na ako ng maluwag. Tatlong taon na ang nakalipas simula ng maghiwalay kami, pero sa inaasta kanina ng puso ko napagtatanto kong siya pa rin talaga ang nilalaman nito.


Hindi naman sa umaasa akong gusto niya pa rin ako, pero kung may mahal na siyang iba susuportahan ko na lang siya.


Habang nakatitig sa madilim na kalangitan bumalik nanaman sa aking alaala kung paano kami nagkakilala.


It was rainy night wednesday, when I run outside the campus. I didn't know that it will rain. I sighed heavily when I reach the open store. Sumilong ako doon upang hindi mabasa ng ulan lalo.


Andaming kamalasan ang nangyari sakin ngayon, una na late ako sa major subject ko dahil sa sobrang traffic, pangalawa natapunan ako ng juice sa canteen dahil sa mahaharot na babaeng yon, and last eto yung ulan!


I don't know kung paano ako sasakay ngayon iniwan ko pa naman ang sasakyan ko ngayon at nag commute lang ako. Wala na ring masyadong dumadaan na sasakyan dito at malayo pa ang sakayan ng jeep!


Napatingin naman ako sa hawak kong reviewer paper na nabasa na dahil sa ulan. Napabuntong hininga na lang ako kailangan ko pa naman ito reviewhin dahil may quiz kami bukas sa Major Law subject namin. I'm a law student at stress na talaga ako bakit ko ba kasing naisipan mag Law! Kung yung utak ko lang ay mala Han Joon Hwi ng law school edi sana sisiw sakin to charot!


Napatingala na lang ako at mas lalo lang lumakas ang ulan, umupo na lang ako doon sa isang sulok upang hindi mabasa may mga nakita rin akong ibang sinusundo ng jowa nila. hays sana all!


Ilang oras pa akong nanatili doon hanggang sa ako na lang ang tao doon sa labas ng  tindahan. Napapikit na lang ako at niyakap ko ang sarili ko dahil ang lamig na ng hangin.


Nagulat naman ako ng may tumayo sa harapan ko, tumingala ako para makita ko ang mukha niya. Nakatitig lang siya sa akin at may hawak na payong, His charcoal eyes remains at me his lips is soft thin.


Tumayo naman ako ng magsalita siya.


"Do you need an umbrella?" He asked me


"Uh yeah, do you have an extra?" I said


"Wala na eh, but I can lend you this" he said at binigay sakin ang gamit niyang payong.



"But how about you?" I asked him



"Tatakbo na lang ako, kanina pa kita nakikita dito nag aantay gabi na rin baka mapano ka pa, kaya here you can use this" He said


"Thank you" tinanggap ko naman ang payong "sosoli ko na lang sayo, uhm saan ko pwede sayo isoli ito?" tanong ko, syempre magpapaligoy pa ba ako He looks nice and handsome damn! He's wearing a black jacket and jersey shorts naka tsinelas lang din siya at kahit sa dilim nagliliwanag siya dahil ang puti niya!


"Uhm I guess we're from the same school" sabi niya at bumaba ang tingin niya sa id ko.



"Sa school ko na lang sayo isosoli bukas" I said at nag iwas ng tingin dahil naramdaman ko ang init ng pisngi ko.


Artificial Love (Artist Series 1)Where stories live. Discover now