Chapter 1


"Aphrodite saan ka ba galing kanina pa kita hinahanap" tanong sakin ni Rev pagbalik ko


"Halika na umuwi na tayo" kinuha ko ang gamit ko at naglakad na palabas


"Teka lang" rinig kong sigaw ni Rev


Nagmadali akong lumabas ng Venue, at kamalas ko nga naman ng makita si Felix sa labas. Nagtama ang mga tingin namin ngunit umiwas ako at naglakad patungo sa sasakyan ko, at isa pang malas magkatabi pa ang sasakyan naming dalawa at doon rin ang tungo niya.


"Talia" tawag sakin ni Felix hindi ko siya pinansin at sumakay na ako sa sasakyan ko.


Nakita ko namang nagulat si Rev ng makita si Felix, tumango lang si Rev kay felix at pumasok na sa loob agad ko namang pinaandar ang sasakyan ko pagkasakay niya.



"Woah girl chill! shuta ka di pa ako nakakasuot ng seatbelt, kung may balak kang magpakamatay please lang wag mo na akong idamay dahil ako mag aayos ng burol mo" sinimangutan ko lang siya sa sinabi niya


iniliko ko ang sasakyan ko sa isang cafe at bumili muna kami ng kape at huminto kami sa isang tulay ni Rev at pinagmasdan ko ang mataas na buwan. Madaling araw na rin kaya walang masyadong sasakyan. Humilig ako sa railing at pumikit.


"Girl are you okay?" tanong sakin ni Rev


I shrugged "Oo? Hindi? Ewan ko?" I said lumapit naman siya sakin at sumadal din siya sa railing.


"Kita ko si Felix ah nagkausap kayo?" hindi ako sumagot sa tanong niya dahil mukhang alam niya na ang sagot ko "ano nanaman ang sinabi niya sayo?"


"Wala" huminga ako bago ako magpatuloy magsalita "Tinanong ko lang siya kung bakit may pinili niya yung pesteng career niya na yon kaysa sakin, ewan ko kung bakit ko naitanong yon lasing din ako kanina" pinunasan ko ang luhang tumulo sa mga mata ko "dapat pala di na ako nag cr or umattend ng party na yon para diko siya nakita"


Hinaplos naman ni Rev ang likod ko "Tangina Rev bumalik lang yung sakit"


Ilang oras din kaming tumambay doon ni Rev pagkatapos ay hinatid ko siya sa apartment niya at umuwi na rin ako agad sa Condo ko. Pagdating ko agad akong dumiretso sa cr at naligo. Nahiga ako sa kama ko at agad ding nakatulog dahil na rin siguro sa pagod.


Kinabukasan maaga akong pumasok dahil pag na late ako kung ano nanamang talak ang maririnig ko sa boss ko. Mabuti na lang at hindi namamaga ang mata ko kakaiyak ko kagabi pesteng Felix yon.


Pagpasok ko sa opisina as usual pinatawag agad ako ng boss ko pati si Rev.



"Goodmorning Sir" bati namin ni Rev


"Morning, how's the party?" tanong nito


"It's fun sir" peke kong sagot



Binigay ko naman ang mga kuha namin kagabi sa kaniya at ieedit ko na lang yon para ma publish sa isang magazine namin.


"Okay ka na?" tanong sakin ni Rev habang nag lulunch kami



"Oo naman di naman na ako naghahabol doon noh" I said and sipped on my juice




"Tanga niya rin na pinakawalan ka noh?" tinitigan ko naman si Rev dahil sa sinabi niya "Look Talia sa 5years niyong pagsasama akala ko nga papakasal na kayo eh kasi you're on the right age 26 ka non tapos bigla lang siyang magsasawa"



Artificial Love (Artist Series 1)Where stories live. Discover now