CHAPTER 79 MAGUS ELITE KNIGHTS

52 3 0
                                    

JK POV

Weeks have past when Kuya Justin sacrifice himself to unlock the curse of the royalties. We know that it is forbidden for him to do that because like what happen he will vanished. All of the Gods and Goddesses didn't know also what will happen to kuya. That is why they strongly disagree when kuya said that he will do the ritual at the training.

HIndi niyo ba napanasin kung bakit maraming alam ang mga mentors ng royalties tungkol sa mga kapangyarihan nila. Kung ang hinala niyo ay dahil sila ay ang mga diyos at diyosa ay tama kayo.Kung hindi naman pwes alam niyo na. YUng iba naman ay guardians ni Kuya Justin nag-iba lang ng wangis.

Mahirap man sa amin na tanggapin ang pagkawala ni kuya ngunit kailangan naming magpakatatag. Kahit sila mom and dad ay alam kung ano ang kahihinatnan ni kuya kung gagawin niya ang bagay na iyon pero wala kaming magawa dahil desisyon ni kuya ang gawin iyon.

Sa ngayon hinahanda na namin ang lahat para sa nalalapit na digmaan. Nawala man ang itinakda sa propesiya na siyang tatapos sa kasamaan ngunit hindi iyon sapat para kami ay sumuko nalang. Lalaban kami hanggang sa dulo.

3rd PERSON POV

Puspusan ang pag-eensayo ng bawat mag-aaral sa magus academy. Pursigido ang mga ito na mag-ensayo lalong lalo na ng malaman nilang nawala ang itinakda. Gulat at pagkalungkot ang naramdaman ng bawat isa noong inanunsyo na si Justin at ang itinakda ay iisa lamang. Ngunit nabigyang daan nito ang pagiging positibo ng bawat mag-aaral mas inigihan nila ang kanilang pagsasanay upang lumakas at makatulong sa darating na digmaan.

SOMEONE POV

HAHAHAHA...

Akala ko kailangan ko pangpatayin ang itinakda bago ang digmaan ngunit hindi na pala dahil sinakripisyo na pala nito ang kanyang buhay para lang mawala ang sumpa na aking nilagay sa mga bata. Magaling bata at hindi mo na ako pahihirapan pa.Mas pinadali mo ang aking trabaho.

Hahahahaa!!!!!

Kung hindi lang protektado ng mga pakialamerong diyos at diyosa ang mga batang iyon ay wala na sanang hadlang ang paghahari ko sa sanlibutan.

Ngunit ngayong wala na ang nakatakda magagawa ko na ang matagal ko nang plano.Humanda kayong lahat sa aking paghihiganti!!!!

JOSH POV

Why Ja? Bakit mo sinakripisyo ang iyong buhay para sa amin?Okay lang naman sa amin na haggang doon na lamang ang aming lakas. Kung kailan naging maayos ang lahat ng gusot sa ating magkakaibigan saka ka rin nawala.

Hanggang ngayon hindi pa rin mawala ang lungkot sa amin dahil sa pagkawala ni Justin. PInapakita ng bawat isa sa amin na okay na kami pero sa kalooblooban ay nalulungkot pa rin kami lalong lalo na si lil sis.

Meron paring natitirang pag-asa sa amin na babalik si Justin katulad ng kanyang sinabi bago ito tuluyang maglaho. Ni hindi man lamang namin nalaman ang totoong pagkatao ng aming mga mentors dahil sa mga pangyayari na sana sa araw na iyon ay sasabihin dapat ni Justin ang lahat tungkol sa mga trainors namin. Pero talagang pamilyar silang lahat sa amin.

Nga pala andito kami ngayon sa field dahil kasagsagan ng aming pagsasanay. Nang may biglang bumulusok mula sa kalangitan na labing isang  parang mga bulalakaw na may ibat-ibang kulay at biglang nag-iba ang panahon. Biglang kumulog at kumidlat ng napakalakas. Nagulat naman at takot ang lahat dahil sa biglaang pag-iba ng panahon. Samantalang dali-daling lumabas sina HM at ang mga propesor naman ay hindi makapaniwala sa kanilang nakikita. Wala kaming kaalam alam kung ano iyon.

Akala namin ay sasabog ito pag tumama na sa lupa ngunit hindi naman. Nagulat kami dahil mga tao pala iyon. Bigla namang yumuko si HM Rex at tila takot ito ganun din ang ginawa ng mga propesor.Sumunod naman ang iba dahil nakita nila ang ginawa ni HM Rex at ng mga propesor. Kaming mga royalties na lamang ang naiwang nakatayo. Dahil malayo ang nilapagan ng mga ito ay hindi namin maaninag ang mga mukha nito.

𝓜𝓪𝓰𝓾𝓼 𝓐𝓬𝓪𝓭𝓮𝓶𝔂 (𝓣𝓱𝓮 𝓤𝓷𝓴𝓷𝓸𝔀𝓷 𝓟𝓞𝓦𝓔𝓡𝓕𝓤𝓛  PRINCE)Where stories live. Discover now