CHAPTER 13 🍁🍁THE PROBLEMATIC JUSTIN🍁🍁

97 8 0
                                    

3rd Person POV

Lumipas ang mga araw at nalalapit na ang kaarawan ni Kurt. Hanggang ngayon wala paring natutuklas na kapangyarihan ito. Napagdesisyonan ng mga Diyos at Dyosa na sanayin na si Kurt sa Magi Realm. Sa kadahilanang may nakaambang na panganib na dadating na susunod na mga araw.

JUSTIN KURT POV

Gabi na at tapos na kaming kumain ng mga royalties. Kanya-kanya na kaming pasok sa aming mga kwarto upang maaga matulog dahil bukas ay simula na ng matinding training.

We dont have a class for one week in preparation for the ranking. We have the freedom to choose our own training spot. Ito ang announcement last Friday and today is Sunday. So bukas na magsisimula ang training namin.

Nais ko namang mapag isa muna sa aking training. May naisip na akong spot at doon na lang ako magtetrain.

Sa likod kasi ng royalty dormitory may secret passage doon palabas ng academy. Papunta  ito sa isang gubat. Malawak ang lugar na ito maganda ang tanawin at may lawa dito. Nadiskubre ko ito noong wala akong magawa at nilibot ang buong school para maging pamilyar ako dito.

Aksidente kong natuklasan ang daanan na iyon. Natatabunan kasi ito ng mga halamang gumagapang sa pader.May nakita kasi akong lumilipad na kulay rainbow yung ilaw nito pumasok ito doon at sinundan ko naman ito. Sinusundan ko lang yung ilaw na rainbow at dinala ako nito sa lugar na iyon. Ito na naging secret spot ko. Tuwing ako ay nalulungkot at naaalala ko sina Mom at Dad pumupunta ako dito.

Ilang linggo na ang nakakalipas at wala parin akong natutuklasan na kapangyarihan. Wala naman akong problema sa physical combat dahil alam ko na ang lahat noong ako ay nasa mortal world palang. Nag-aaral ako every weekends ng karate,judo and taekwondo pati paggamit ng mga armas katulad ng samurai,dagger at marami pang iba. Proteksyon ko daw ito kung meron mang taong gustong manakit sa akin sabi nila Mom at Dad. Ngunit hindi ko kailangan ang galing ko sa physical combat dahil power ang dapat gamitin sa ranking. At ito ang problema ko ngayon.

Sa ranking malalaman kung ikaw ay nag improve o hindi. Ito rin ang pinakakaabangan ng lahat dahil dadalo ang mga Hari at Reyna ng ibat-ibang kaharian. At may naghihintay ng gantimpala sa makakakuha ng pinakamataas na marka.

Simple lang naman ang gagawin babasagin lang naman ang tatlong layer ng barrier na gawa ng mga Hari at Reyna. Anong magagawa ng samurai at dagger ko laban sa barrier?

Kung mapapalabas ko lang sana ang powers ko hindi na ako mahihirapan. Napabuntong hininga nalang ako. Kayat kailangan kung mapag isa sa tahimik na lugar upang makapag concentrate. Sabi kasi nila kailangan daw ng matinding concentration at focus upang makapagpalabas ng power mo. Kayat susubukan ko ang lahat ng paraan. Magpapatulong nalang ako kay Albus. Baka may maitulung yon.

Inaantok na ako dahil sa dami ng aking iniisip.Bumibigat na ang aking talukap at tuluyang nilamon ng kadiliman.

Welcome back our Prince. Pinatawag ka namin dahil kailangan mo nang mapalabas ang iyong kapangyarihan.

Yun nga ang problema ko God Zues kasi nalalapit na ang aming ranking at wala pang powers akong nadidiskubre.

Wag kang mag-alala Prince Kurt at tutulungan ka namin sa problema mong iyan. Kailangan mo na ring mahanap ang iyong mga guardian sa mas lalong madaling panahon.

Mga guardians po God Zues?

Oo Prince Kurt mga Guardians dahil marami sila.

May isa na po akong Guardian na kilala si Albus.

Talaga?Saan mo naman siya nakilala Prince Kurt?

Sa mortal world po. Nagpanggap po siyang guro namin sa mortal world.

𝓜𝓪𝓰𝓾𝓼 𝓐𝓬𝓪𝓭𝓮𝓶𝔂 (𝓣𝓱𝓮 𝓤𝓷𝓴𝓷𝓸𝔀𝓷 𝓟𝓞𝓦𝓔𝓡𝓕𝓤𝓛  PRINCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon