CHAPTER 71 ⚔️FINDING THE ANTI-MAGIC SWORD⚔️

56 3 0
                                    

JUSTIN KURT POV

Nagising ako dahil sa isang masamang panaginip. Napanaginipan ko na masaya si Brianna ngunit hindi ako ang dahilan ng pagiging masaya niya. Madaling araw pa pala ng tiningnan ko ang aking phone. Hindi ako makabalik sa aking pagkakatulog dahil sa kaiisip tungkol sa panaginip kung iyon. What if magkakatotoo ang panaginip kung yun. ANo na lamang ang aking gagawin?

Dahil hindi na ako makatulog ay pumunta ako sa veranda dito sa aking silid. Nilalasap ko ang malamig na simoy ng hangin. Nakatitig sa buwan at mga bituin.

May nahagip naman ang aking mata sa labas ng bahay. Nakita ko ang isang matanda na humihiga sa daan. Dahil naawa ako sa matanda ay lumundag ako mula sa veranda pa baba upang tulungan ito. Binuksan ko ang gate at nilapitan ang matanda.

Lo?Lo?

Tawag ko kay lolo habang ginigising ito.

Ano yun iho?

Lo, dito po ba kayo palaging natutulog?

Oo iho.wala na kasi akong bahay at wala na rin akong pamilyang uuwian.Palaboy-laboy nalang ako sa daan.-saad ni Lolo

Kawawa naman po kayo lolo ang ginaw- ginaw po dito sa labas. Buti po nakayanan niyo ang ganito ka ginaw.

Oo naman iho nasanay narin ako sa tagal na panahon na akong palaboy.-saad ni Lolo

Ganun po ba Lo? Pwede po ba kayong mainbitahan sa loob? Kawawa naman po kayo.Doon ka na po sa loob matulog.

Naku iho wag na.Nakakahiya naman ang dungis-dungis ko.

Okay lang po Lo. Kung gusto niyo po may mainit po na tubig sa gripo at maligo po kayo para hindi na po kayo maging madungis. Basta sa loob po kayo matulog.

Ang bait mo naman iho.Siya sige sasama na ako sa iyo.

Tara na po LO.

Inalalayan ko si Lolo na tumayo at kinuha ang mga dala-dala niyang gamit. Dinala ko ito sa guest room ng bahay.Inihanda ko naman ang pangligo ni Lolo upang hindi na ito makatanggi pa na manatili dito dahil madungis siya.

Lo hinanda ko na po ang iyong pangpaligo at may mga damit naman po ako na hindi ginagamit kukuha nalang po ako para makapagbihis kayo.

Maraming salamat talaga iho. Sobrang bait mo.

Walang anuman po iyon Lolo.Iiwanan ko na po kayo babalik po ako para ihatid ang damit.

Salamat iho.

Pumunta na ako sa kwarto at kumuha ng damit underwear na gagamitin ni Lolo. Kahit matanda na ito ay matikas parin ang pangangatawan ni Lolo. Siguro magkakasya ang mga damit ko para kay Lolo hindi ko pa ito nagagamit. Ngayon ay magagamit narin.

Bumalik ako sa guest room at saktong tapos na si Lolo sa pagligo nito.

Lo ito na po ang susuotin niyo. Pagkatapos niyo pong magbihis ay maari na po kayong magpahinga.Alis na po ako Lo.

Lo ano po pala ang pangalan niyo?

Tawagin mo nalang akong Lolo Atlas.

Ako naman posi Justin Kurt lolo.

Maraming salamat Justin.

Sige Lo alis na po ako.

Sinara ko na ang pinto at bumalik sa aking silid.

Sana mahanap na namin ni KOokie sa lalong madaling panahon ang espada para makabalik kami agad sa Magia. Magjojogging nalang ako total matagal narin ng hindi ako nakapagjogging isasama ko nalang si Kookie at sina Albus at ang iba pa para mas masaya.

𝓜𝓪𝓰𝓾𝓼 𝓐𝓬𝓪𝓭𝓮𝓶𝔂 (𝓣𝓱𝓮 𝓤𝓷𝓴𝓷𝓸𝔀𝓷 𝓟𝓞𝓦𝓔𝓡𝓕𝓤𝓛  PRINCE)Where stories live. Discover now