CHAPTER 57🎶 Battle of the Bands🎶

44 4 0
                                    

JUSTIN KURT POV

Inagahan ko ang gising ko dahil pupunta ako ng maaga sa cafe. Ginawa ko muna ang aking morning routine Pagkatapos ko mag bihis ay nagpaalam na ako sa mga guardians ko na pupunta na akong cafe.

Mamaya nalang kayo pumuntang tanghali magpahinga muna kayo ngayon. Aalis na ako at kailangan ko pang magbake ng cakes at pastries dahil hindi kami nakagawa para ngayon dahil nga nanunod kami ng dance battle kagabie at late na natapos kaya hindi na kami bumalik sa shop at natulog nalang.

Bye guys!Ipapadala ko nalang ang pagkain niyo doon na ako magluluto sa cafe. Dahil marami pa akong gagawin.

Its still dark outside.Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ang oras at alas tres pa ng madaling araw.Nagteleport na ako patungo sa cafe. I used my firemagic to lit the light at lumiwanag na dito sa loob ng kitchen. Sinimulan ko na ang dapat simulan.Nag-ala naruto ako dahil gumawa ako ng mga clones ko para mas mabilis ako matapos.

Natapos na ako sa pagprepare ng lahat nasa lalagyan na lahat kulang nalang ay lutuin ang mga ginawa ko. KAya I use my fire power to cook everything. Tapos pinalagay ko na sa display tray ng aking mga clones. Pagtapos ko mag bake ay nagluto na ako ng umagahan at pinadala ko sa kwarto gamit ang portal. Dahil mabilis akong natapos at ngayon ay madilim pa rin ang buong paligid ay dinalaw ako ng antok. Sinandal ko ang aking ulo sa mesa at tuluyan ng pumikit ang talukap ng aking mga mata. 

SOPHIA BRIANNA POV

Nagising ako ng maaga hindi naman ako makabalik sa pagtulog kaya naligo nalang ako at aagahan ko nalang ang aking pagpunta sa cafe. PAgkatapos ko maligo ay nagteleport na ako patungung cafe. Nilagay ko nalang ang aking mga gamit sa locker namin dito sa cafe at tinungo ang kitchen. Malapit na ako sa kitchen ng marinig ko ang mga kaluskos na mga gamit. Pagtapat ko sa pinto ng kitchen ay nagulat ako sa aking nakita dahil mayroong tatlong JUstin ang aking nakikita. Gumawa sila ng cookies at cakes. HIndi na ako pumasok at pinanuod ko nalang ang tatlong Justin. HIndi naman ako napansin ni Justin dahil abala siya sa kanyang ginagawa. Nilabas ko ang aking phone at ninakawan ng picture si Justin. I turn of the shutter sound and flash para hindi ako mahuli ni Justin. Hindi na ako nagulat sa pwedeng gawin ni Justin. Narecognize ko naman ang totoong Justin dahil siya ang nagbibigay ng utos sa kanyang mga clones.

HIndi niya alam na may kumakalat na pala na harina sa kanyang mukha kaya click ng click ako sa aking phone. Ang cute niya parin kahit dugyot na ito.

Natapos na sila sa pagprepara ang kulang nalang ay ilagay na sa oven ang kanilang ginawa. Nagulat ako ng nagpalabas ng apoy si Justin at ito ang kanyang ginamit sa pagbabake matapos ang ilang minuto ay luto na ang lahat at pinalagay niya na ito sa Display tray. Dahil andito ako sa pinto ay nagtago ako para hindi ako makita ng mga clones ni Justin.

Woah!!! isa rin palang elemental user si Justin isang fire power user. Kaya pala kahapon ay madali kaming natapos dahil ginamit niya pala ang kanyang power sa pagluluto.

OO nga naman Sophia mas madali nga kung gagamitin ang powers mo bakit hindi mo yon naisip.??

Para na akong tanga dito dahil kinakausap ko ang aking sarili.

Nakabalik na ang mga clones ni Justin. Lumabas narin ako sa aking pinagtataguan at sumilip ulit sa pinto doon sa kitchen. Pumitik lang si Justin at nawala na ang kanyang mga clones.

Kumuha ng mga spices si Justin at hiniwa ang mga ito. Nagluto na ito pagkatapos niya magluto ay nilagay niya sa tupperware ang kanyang niluto tapos gumawa ito ng portal at pinasok doon ang kanyang ginawang pagkain. Pagkatapos ay nagyawn na ito, inaantok yata.

Sumandal  si Justin sa mesa at nakatulog na. Pumasok na ako sa loob at tinitingnan ang maamong mukha ng isang anghel na natutulog. May mga harina parin ang kanyang mukha.

𝓜𝓪𝓰𝓾𝓼 𝓐𝓬𝓪𝓭𝓮𝓶𝔂 (𝓣𝓱𝓮 𝓤𝓷𝓴𝓷𝓸𝔀𝓷 𝓟𝓞𝓦𝓔𝓡𝓕𝓤𝓛  PRINCE)Where stories live. Discover now