CHAPTER 44 ☯️Another HALF OF POWER☯️

69 7 0
                                    


JUSTIN KURT POV

Lumipas ang mga araw at ngayon ay sabado. Maaga akoNG GUMISING dahil pupunta ako sa Magi Realm dahil ngayon ko na gagawin ang sinasabi na ritwal ni God Zeus upang maging buo ang aking kapangyarihan. Ginawa ko muna ang aking morning routine at pagkatapos ay bumaba na para magluto. Pagkatapos ko magluto ay kumain na ako at pagkatapos ay umalis na.

Pumunta muna ako kay HM Rex para magpaalam.Mag-iiwan nalang ako ng sulat sa royalties baka mag-alala sila.Iniwan ko ang sulat sa reef pinadikit ko ito gamit ang magnet. Sinadya kong doon iwanan ang sulat ko para madaling makita ng royalties.

Tumungo na ako sa office ni HM REx.

Tok.tok.tok.

Naka ilang katok din ako bago may nagsalita sa loob. May sariling silid kasi sa loob nitong HM Office na para kay HM.

Teka lang..saad ni HM sa loob.

Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang kakagising palang na si HM Rex.

Justin bat ang aga mo ata?Wala namang pasok may kailangan ka ba?

OO HM, magpapaalam po sana ako na aalis may kailangan po akong gawin ngayong araw.

Ganun ba? Saan ka naman pupunta?

HIndi ko po pwede sabihin HM. Kailangan ko po kasing lumabas ng Academy.

Sure ka ba jan?Ikaw lang ba mag-isa na aalis? Sabi pa naman nina Queen Elie at King Stephan na wag kang mawawala sa paningin ko at dapat may palaging nagpapabantay sa iyo at kay Sophia at ngayon lalabas ka ng Academy?

Kaya ko na po ang sarili ko HM Rex. Andyan naman po ang guardians ko para magbantay sa akin.

Sya sige pumapayag na ako.Kailan ka naman babalik?

Baka mamaya pong gabi ako babalik HM.

Ok..ok..Mag-iingat ka Justin. Ihahatid na kita sa gate ng Academy.

Okay po HM Rex.. Maraming salamat po at pumayag kayo.

Tumango lang si HM. Nagcast ng spell si HM at sa isang iglap lang ay andito na kami sa labas. Sobrang tahimik pa dahil sobrang aga pa talaga. Medyo madilim pa nga ang paligid.

Bumukas naman ang gate ng Academy.

Nagpaalam na ako kay HM Rex at naglakad na palabas ng academy.

Mag-iingat ka Justin saad ni HM.

Nagsirado na ang gate.Pumunta naman ako sa tagong lugar upang doon gumawa ng portal papuntang Magi Realm.

"Hom abre portalis de Magi Realm" .
pagcast ko ng spell.

Ito kasi ang unang pagkakataon na pupunta ako sa Magi World na hindi sa panaginip lang. Pumasok na ako sa ginawa kong portal at andito na agad ako sa Magi Realm sinara ko na ang aking ginawang portal.

I just snap my fingers at nawala na ito. Dahil nga iba ang takbo ng oras dito sa Magi Realm ay tirik na tirik na ang araw dito. Naglakad na ako papuntang palasyo ng mga Gods and Goddesses.

Every time talaga na pumupunta ako dito ay nagsisiyukuan sa akin ang lahat ng nilalang dito sa Magi Realm.

Magandang umaga sa iyo Prince Justin.Pagbati ng bawat nakatira dito sa Magi Realm tuwing makakatagpo ako.

Ilang minutong paglalakad ay nakarating na ako sa palasyo ng mga GOds and Goddesses.

Nagulat naman ang lahat dahil hindi siguro nila inakala ang aking pagdating.

Maligayang pagbabalik Prince Justin/Kurt at yumuko silang lahat .saad ng mga Gods and Goddesses.

Ayan na naman kayo, dapat nga ako ang yumuyuko sa inyo dahil mga diyos at Diyosa kayo..Ako ay di hamak lang na isang Prinsepe.

𝓜𝓪𝓰𝓾𝓼 𝓐𝓬𝓪𝓭𝓮𝓶𝔂 (𝓣𝓱𝓮 𝓤𝓷𝓴𝓷𝓸𝔀𝓷 𝓟𝓞𝓦𝓔𝓡𝓕𝓤𝓛  PRINCE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora