CHAPTER 27 🧚BALL PART3 LIFE OF A FAIRY🧚

68 8 0
                                    

Pati ang mga fairies ay nagulat din sa kanilang nalaman mayroon pala silang hari na matagal na hindi nila nakilala.

Pumitik naman si Queen Mariposa at nakabawi naman ang lahat sa pagkagulat sa kanilang nalaman.

Bumaba na si Justin sa stage at bumalik na sa kanyang pwesto.

Makikita mo sa mukha ng royalties ang maraming katanungan tungkol kay Justin.Ngunit wala lang ito kay Justin dahil kahit siya walang alam sa mga nangyayari. Bumaba ang mga hari at reyna sa entablado at pumunta kung saan ang royalties. Pumunta ito sa kanilang mga anak at hinagkan ang mga ito pagkatapos ay kinamusta ang Prinsesa ng  Ice Kingdom at pagkatapos ay tinungo ng mga ito si Justin.

Tinanung nila si Justin kung paano niya nagawa iyon.Wala namang masagot si Justin sa mga tanong ng mga hari at reyna.

Ako nalang po ang magpapaliwanag sa kanila Prince Justin-saad ni Queen Mariposa.

Lumipad na si Queen Mariposa patungo sa podium sa stage at bigla itong lumaki at nawala ang pakpak. Sumunod naman si King Sejun kay Queen Mariposa at lumaki din ito. (kaya po sa summoning ay may spell na show your true form dahil ang true form ng mga fairy ay maliliit at may pakpak at matulis ang mga tainga nila ang isa naman nilang anyo ay mag-anyong tao.)

Mga mahal na Hari at Reyna kung ano man po ang inyong mga katanungan kay Justin  kami nalang po ang sasagot sa abot ng aming makakaya.

Una bakit may royalties na fairies kung mga anak ko ba sila. Ang sagot ay "Hindi"

Ang mga fairies ay nagmula sa isang bulaklak sa puno ng Fairy tree.Kung hindi pa panahon para isilang ang isang fairy ay isa pa lamang itong bulaklak na hindi pa nagbobloom saka palang ito mamumukadkad kapag isisilang na ang fairy sa loob nito.Sila ay maituturing na bunga ng Fairy tree.

Ang prinsipe at prinsesa ng fairy kingdom ay nakatadhana na ipapanganak ng puno at ituturing isang royalty. Ang tungkulin namin ni King Sejun ay alagaan ang mga bunga ng fairy tree kayat hinati namin ang tungkuling iyon. Ako ang naging tagapangalaga ng isinilang na fairy at si King Sejun naman ang nangangalaga sa hindi pa isinisilang na fairies.

Kayat every 18 years lang pwedeng magkaroon ng mga magians ng fairy dahil every 18 years lang maisisilang ang isang fairy at bago sila maging guardian kailangan muna nilang mamuhay ng 18 taon upang alamin ang kanilang mga tungkulin bilang isang guardian.

Tungkol naman sa pamamahala ng susunod na katungkulan bilang hari at reyna.Kailangan namin magsilang ng isang anak upang pumalit sa aming trono.Kaya hindi nagpapakita si King Sejun ng mahabang panahon dahil siya ang nagbabantay sa aming anak at tinuturan niya ito sa kanyang tungkulin bilang susunod na hari. Siya ay si Prince Sejun Ryle at 18 taong gulang narin ito.  Ang magiging kabiyak naman ng susunod na hari ng Fairy Kingdom ay ang nakakataas ang magbibigay ng kabiyak nito. Bilang isang guardian kung ang aming master ay mamatay mawawala rin kami.Ngunit kung kami ay mamamatay hindi ibig sabihin na mamamatay din ang aming master.

Sa tanong naman kung bakit dalawa ang naging guardian ni Justin. Nakatakda kaming masilbi ni King Sejun sa iisang tao yun ang aming tadhana. Magkatuwang kami sa lahat ng bagay at pagkakataon bilang hari at reyna.

Sa tanong kung bakit kami ang naging guardians ni Justin? Its a secret for now.

Hindi pa ito ang tamang panahon para sa lahat-lahat-sabi ni Queen Mariposa sa kanyang isip.

Thank you every one at sana naliwanagan kayo. Bumaba na sila King Sejun at Queen Mariposa sa stage at bumalik kai Justin.

Ok ba ang ginawa namin Prince Justin?bulong ni Queen Mariposa kay Justin

Naglike sign lang si Justin at nag smile kay Queen Mariposa at King Sejun.

Your majesties kumain na muna kayo.-alok ni Justin kay Queen Mariposa at King Sejun.

Sige Justin kukuha lang kami ng makakain ni honey.-sagot ni Queen Mariposa.

Nakabalik na sina Queen Mariposa at King Sejun sa table nila Justin na bitbit ang kanilang pagkain.(naka buffet style po kasi kaya kanya kanyabng kuha ng pagkain)Inimbitahan naman sila ng mga Hari at Reyna na doon na maupo sa kanilang pwesto pero mas pinili nilang kay Justin nalang sila makikiupo na table.

Your majesties pwede ba magtanong?-tanong ni Justin sa guardians niya

Forever na ba kayong nakabuntot sa akin?

Oo Justin-sagot ni King Sejun

Hindi na ba kayo babalik sa fairy Kingdom?

Pupwede naman Justin. Kung nais mo na tawagin lang kami kung may kailangan just summon us. Kung nais mo naman na nasa tabi mo kami palagi ok lang din naman.Naturo naman na namin sa aming anak ang lahat ng gagawin doon sa kingdom. -sagot ulit ni King Sejun.

Sige isusummon ko nalang kayo pag may kailangan ako para naman makapag bonding pa kayo magpamilya. Paano po ba kayo isusummon?-saad ni Justin.

Just call us by our name no need to call us Queen and King you are our  master now Prince Justin.-saad ni King Sejun

Ganito nalang para may galang parin ako sa inyo "your majesties" nalang itatawag ko kung kailangan ko kayo.Deal?-saad ni Justin

Deal-saad nina King Sejun at Queen Mariposa 

Lumalaliim na ang gabi at natapos na rin ang ball. Nagpaalam na ang royalties sa kanilang mga magulang. Napatingin naman si Justin sa gawi ng mga ito.
Napatingin naman ang Hari at Reyna ng fairy Kingdom sa kanya.

Wag-kang mag-alala  Justin makikita mo rin ang mga magulang mo balang araw.Kailangan mo nang alamin ang iyong totoong pagkatao.Alam kong malalagpasan mo rin ang pagsubok na dadating sayo. Niyakap siya si Queen Mariposa at sumunod naman si King Sejun. We know that you can surpass it all Justin just be brave. Ihatid kana namin sa dorm mo.

Tara na?-saad ni Queen Mariposa at nagteleport na sila sa kwarto ni Justin. Ang ganda pala ng kwarto mo Justin napakacolorfull pero mas dominant ang gold na accent.-saad ni QM(Queen Mariposa)KS(King Sejun)

Nagulat nga po ako nung una dahil biglang nag-iba ang kulay ng kwarto mula sa all white naging gold ang kulay nito at ang mga gamit ay may ibat-ibang kulay. Kayat napag-isipan kung gawing iisa lang ang kulay nito at nagbabago ang kulay every week depende sa gusto ko.

Ang unique pala ng rooms dito sa dorm niyo.

Aalis na kami Justin call us if you need something.

Bye Justin-pagpapaalam ni QM at KS kay Justin at nawala na sila. Nagbihis na ako at ginawa ang aking evening routine at humiga.At unti-unting nilamon ako ng kadiliman.

🌼🌼END OF CHAPTER🌼🌼

𝓜𝓪𝓰𝓾𝓼 𝓐𝓬𝓪𝓭𝓮𝓶𝔂 (𝓣𝓱𝓮 𝓤𝓷𝓴𝓷𝓸𝔀𝓷 𝓟𝓞𝓦𝓔𝓡𝓕𝓤𝓛  PRINCE)Where stories live. Discover now