CHAPTER 72 😈😈TRAITORS😈😈

65 3 0
                                    

3RD PERSON POV

Nang malaman ng royalties na kabilang sina Justin at JK sa mga espiya ay minatyagan nila ito.

Biglang nag-iba si Justin hindi na ito sumasama sa royalties at hindi na rin ito natutulog sa kanilang dorm. Ibang-iba sa Justin na una nilang nakilala.

Kung dati ang Justin ay ayaw ang binibigyan ng atensyon ngayon si Justin ay umaagaw ng atensyon.

---------------------A day after sinabi ni Justin na hindi niya na mahal si Sophia.----------------------

JOSH POV

Sinusubukan si Sophia na mag-move on. Pinapakita niya ni hindi siya nasasaktan tuwing makikita niya si JUstin na may kasamang iba. Kahit na hindi niya sabihin I know my sister well.

Deep inside nasasaktan ito.

2 years is not enough para malaman mo ang tunay na ugali ng isang tao. Sabi nga nila ang tahimik na tao ay malalim ang kulo.

Ganito pala ang totoong ugali ni JUstin.

Hindi rin sa dorm natulog kagabi si Justin.

Nagmatyag kami sa mga kinikilos nila buong gabi.Salitan nalang kami ng pagbabantay. Ngunit walang nangyari sa buong magdamag na kakamatyag.

-----------------------------
FAST FORWARD
-----------------------------

Lumipas ang mga araw ay mayroon na kaming lead kung sino ang mga espiya sa loob ng academy. Si Ashly ay gunun parin ginagamit parin ang kanyang katawan ng isang soul manipulator. Sa tuwing tinatanong namin siya pagka umaga ay wala siyang natatandaan kung ano ang kanyang ginagawa sa gabi.

Tuwing gabi kasi nagkikita-kita ang mga espiya. Syempre kasama na doon sina Justin at JK.

Simula nung inamin ni JUstin na hindi niya na mahal si Sophia ay hindi na ito umuuwi sa dorm namin. Doon na siya natutulog sa isa niyang kasamahan. ANg hindi nila alam ay minamatyagan lang namin sila at kumukuha ng tyempo para huliin.

Hindi pa namin sila hinuhuli sapagkat  may inaantay pa kami. Kung sino ang kanilang pinuno. Sa tuwing magkikita kasi sila ay may isang tao pa silang binabanggit. Kaya kailangan naming malaman kung sino ang taong yun.

Ganito na ang gawain namin ang magmatyag.

Galit pa rin kami kay Justin ngunit kailangan naming pigilan ang aming mga sarili. Saka na pag-nalaman na namin ang kanilang pinuno.

----end of JOSH POV--

SOPHIA BRIANNA POV

Hindi parin mawala sa aking isip ang mga mga salitang sinabi sa akin ni Justin. Kahit hindi pa ganoon katagal ang aming pagsasama ay talagang minahal ko siya. Mahal na mahal ko siya.

Nag-uunahan na namang tumulo ang aking mga luha sa tuwing naaalala ko ang mga salitang iyon.

Pinahid ko ang aking mga luha ng aking mga kamay. Kinakausap ko ang aking sarili.Ganito ako pag andito ako sa aking silid.

Namiss ko ang umagang pagdilat mo sa iyong mata ay mukha niya ang iyong nakikita. ANg pagtawag niya sa akin ng Baby Bunny. Ang pagbibigay niya sa akin ng bulaklak sa tuwing umaga. Ang paglutuan ka tuwing nagugutom ka at marami pang iba.

Tumulo ulit ang aking mga luha.

HIndi parin mawala sa aking sarili ang mga "Sana".

Sana panaginip lang ang lahat.

Sana may dahilan lang si Justin kung bakit niya ito nagawa.

Sana..Sana..

Pero bakit sa tuwing makikita ko si Justin tila wala akong nararamdamang kakaiba.Hindi katulad noong una ang nararamdaman ko. Siya lamang ang nakapagpatibok ng kakaiba sa aking puso sa tuwing andyan siya kahit noong naging kami na hindi pa rin nagbago pagtibok ng ganun ang aking puso. Ngunit ngayon hindi na ganun ang pagtibok nito sa tuwing nakikita ko siya. Ano ba ang ibig sabihin nito?

𝓜𝓪𝓰𝓾𝓼 𝓐𝓬𝓪𝓭𝓮𝓶𝔂 (𝓣𝓱𝓮 𝓤𝓷𝓴𝓷𝓸𝔀𝓷 𝓟𝓞𝓦𝓔𝓡𝓕𝓤𝓛  PRINCE)Where stories live. Discover now