CHAPTER 28 🏰MAGUS KINGDOM🏰

71 8 0
                                    

Justin Kurt POV

Dahil wala akong magawa dahil walang pasok .Sabado kasi ngayon late na akong nagising dahil late narin kasi natapos ang ball kagabi kayat tinamad akong bumangon ng maaga.

Iniligpit ko ang higaan pagkatapos ay dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na ako pumunta ako sa kitchen upang magluto ngunit hindi na pala kailangan dahil nakapagluto na sila.

Andoon na pala ang lahat at ako nalang ang wala.Naghihintay ang iba habang nagluluto sina Alexa and Stell.

Tamang-tama ang dating mo Justin malapit na itong maluto.-saad ni Stell

Umupo nalang ako at maya-maya lang ay natapos na sina Alexa at Stell na magluto at naghain naman ang iba. Tahamik lang kami sa pagkain. Nagutom siguro kaya walang imikan.

Pagkatapos naman naming kumain ay ako na ang nagpresenta na maghugas ng pinggan.

Tulungan na kita.-saad ni Brianna

Its okay.Ako nalang maghuhugas.

I insist,-Brianna

Fine, ako ang magsasabon ikaw naman magbabanlaw.

Ok.

Natapos na kami ni Brianna sa paghuhugas at pinatuyo na namin ito at ibinalik sa lalagyan.

Pumunta na kami sa sala dahil andon yung iba. Kinakalikot lang ang mga cp nila. Wala naman ako sa mood mag cp kaya umakyat nalang ako sa taas at pumunta sa kwarto.

Habang inaayos ko ang aking mga gamit naalala ko ang librong nakuha ko sa library. Napag-isipan kong basahin ito. Kinuha ko ito sa bag at pumunta ako sa study table ko at binuklat ang libro.

Oo nga pala wala pala tong nakasulat nakalimutan ko.

Inilipat ko sa ibang pahina ng libro nagbabakasakali na may nakasulat dito. Inikot at binaligtad kahit ano na ang aking ginawa.

Ouuuuuch..

Nasugatan ako sa kamay dahil sa metal nanilagay sa corners ng book. At napatakan ng dugo ko ang aklat. Bumuklat ng kusa ang libro at umilaw ito ng nakakasilaw...

Bigla naman akong hinigop ng libro.

Napunta ako sa isang palasyo. May nakita akong dalawang tao na masaya at sila siguro ang hari at reyna ng kaharian na ito. MAy korona kasi ang mga ito masaya ang hari na hinahawan ang tiyan ng reyna.Nagdadalang tao pala ang reyna dahil malaki ang kanyang tiyan.

Honey..gumalaw ang baby parang nararamdaman ka ng anak mo. -sabi ng Reyna.

Anak ko wag ka malikot masyado dyan sa loob baka mahirapan ang mommy mo.-sabi ng hari.

Umiba naman ang eksena ng aking nakikita.Andito ako sa isang silid na may isang aklat na lumulutang. Bigla itong umilaw ng sobrang nakakasilaw at nagsidatingan ang mga tao.Pagkatapos ng nakakasilaw na liwanag ay may mga letrang lumutang sa hangin mula sa libro at nabuo ang mga katagang.

"A child will born to end the chaos. He who will defeat the enemy. A child that holds the most powerfull magic. Lost but returned to regain the throne."

Teka lang ito yung sabi ni Prof. na Propesiya 18 taon na ang nakakalipas. Pumasok naman yung hari at ang reyna kanina binasa ang propesiya.Natuwa naman sila sa sinaad ng propesiya.

Pero sino ang bata na sinasaad ng propesiya kailangan nating malaman ito upang maprotektahan ang itinakda.-sabi ng Reyna

Itinakda?tanong ko sa sarili.

Nagsalita naman ang hari.

Ipatawag ang orakulo. Kailangan nating malaman kung sino ang itinakda sa propesiya upang maprotektahan natin ito dahil ito lang ang natatangi nating pag-asa upang tuluyang maging matiwasay ang ating mundo.

𝓜𝓪𝓰𝓾𝓼 𝓐𝓬𝓪𝓭𝓮𝓶𝔂 (𝓣𝓱𝓮 𝓤𝓷𝓴𝓷𝓸𝔀𝓷 𝓟𝓞𝓦𝓔𝓡𝓕𝓤𝓛  PRINCE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon