CHAPTER 18 🤴RANKING🤴

90 8 0
                                    

Lumipas ang mga araw at ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat ng studyante ng Magus Academy ang kanilang ranking kung saan malalaman nila kung sila ba ay malilipat sa mas mataas sa section o kaya ay mananatili sa kanilang antas.

Justin Kurt POV

Maaga akong gumising dahil ngayon ang araw ng ranking. Ginawa ko na ang aking morning routine pagkatapos ko maligo ay nagbihis.Pinayagan kaming magsuot ng kahit ano dahil daw ranking at wala naman pasok. Ang sinuot ko ay isang ripped jeans na black na fit at damit na puro black,at pina risan ng black shoes at black cap. Hindi ako yung tipong mahilig magpalaki ng katawan. Sakto lang ang aking pangangatawan fit syempre may abs rin naman kahit papano.

Bumaba na ako at dumiretso sa kusina nagluto na ako ng makakain namin at nag bake ng cookies and chocholate cake para baunin namin sa gym. Gumawa narin ako ng chocolate shake,strawbery and mango shake para may mainum naman kami. Dinamihan ko naman para may mainum namin para maging drinks namin ngayong umaga. Nilagay ko ito sa mga tumbler at inilagay muna sa reef para lumamig. Nung naluto na ang cookies at cake nilagay ko ito sa plastic container. Marami naman ang aking binake para ngayong agahan.

Tapos na ako sa lahat lahat hinanda ko narin ang mesa. Sakto naman na bumaba sila.

Ikaw ba ang nagluto Justin? Parang ang sasarap nito at may favorate afritada. Nagugutom tuloy ako pwede ba tumikim nitong chocolate cake? Tanong ni Brianna.

Sure. I bake that for you.. Hininaan ko lang ang aking boses sa pangalawa kung sinabe.

May sinasabi ka ba?

wala naman buti nalang hindi nya narinig

Tinikman naman ito ni Brianna.

Wow Justin ang sarap nito!! You're a good cook.

Thanks Brianna.Kain na guys.

Thanks Justin nag abala ka pa magluto para sa amin. Pwede naman sa cafeteria nalang kumain.saad ni Selena.

Walang anuman yun Princess Selena.

Selena nalang magkaibigan naman tayo para kang others jan.-saad ni Selena

Ang niluto ko pala ay sunny side up. hotdog syempre may rice at ang favorate ni Brianna ang chicken afritada.

Kumain na kami at wow ubus ang lahat napasarap ata ng kain ang royalties. Naka ilang ulit din silang dagdag ng kanin.

Justin thank you busog na busog kami ang sarap mo palang magluto lalo na yung afritada.papuri ni Joshua

Tataba ata kami nito pag si Justin laging magluluto.saad ni Akira.

Guys meron pala akong ginawang shake nakalagay sa ref. pakikuha nalang and I pack some cookies and cake para hindi naman tayo magutom mamaya and also our drinks.

Really bro ? Ikaw na talaga. Thanks bro.Pwede ka na talagang mag asawa.-sabi ni Josh

Tara na?

Lets go. sabay nilang sabi

Nagteleport pala kami papunta ng gym at syempre kay Brianna ako sumabay.Hinawakan ko kasi ang kamay niya kaya hindi na siya pumalag. 7:00 magsisimula ang ranking at ngayon ay 6:50 na, ilang minuto nalang magsisimula na.

Good day Magus Academy!! Today is the day that you all been waiting for. Today you will be tested to know if you improve in the past few days of your training.Malalaman natin kung mananatili kaba sa iyong level or you will be move to a higher level. before we will officially start our ranking let us welcome the Kings and Queens of Different Kingdoms. sabi ng MC

Pumasok naman ang mga King and Queen ng ibat-ibang kaharian. Tumayo naman kaming lahat bilang paggalang at yumuko pati rin ang mga royalties kahit parents nila ito.

King Aki and Queen Meriana Aquinas of Water Kingdom
King Arthur and Queen Terra Earthos of Earth Kingdom
King Luther and Queen Windy Breeze of Air Kingdom
King Firex and Queen Flame Fyro of Fire Kingdom
and  King Stephan and Queen Ellie Stanley of Elemental Kingdom

Lumakad sila sa gitna ng Isle papunta sa stage dahil may nakalaang upuan ang mga Hari at Reyna doon.

To officially start our ranking may I call on our very own Headmaster Rex for the instructions.

Good morning Magians. Para sa criteria ng ranking ito ang dapat ninyong gawin.Mayroong tatlong layer na barrier na ginawa ang ating mga hari at reyna. Ang gagawin nyo lang ay babasagin ang mga barrier ngunit hindi ito basta bastang barrier dahil ito ay ang pinaka matibay na barrier . Automatic na lalabas ang iyong score sa screen basi sa damage na iyong nagawa sa barrier. Kung sino man ang makakakuha ng 90 above sa ranking ay magiging bahagi ng Royalty section.At kung sino man ang makakakuha ng malaking marka ay may naghihintay na gantimpala mula sa mga hari at reyna. Mayroon lamang kayong 10 minuto para basagin ang mga barrier.Simulan na ang ranking.

3rd Person POV

Nagsimula na ang ranking una tinawag ang lower year mula sa warrior section papauntang royalty section ng bawat taon.sunod and 2nd year at syempre panghuli ang 4th year. Natapos na ang lower year at 4th yr.warrior na ang tinatawag.

Aurora Elise Dixon tawag ng MC

Lumakad pababa ang isang dalaga na may kulay sky blue ang buhok at mata.

Pumasok ito sa barrier

nagsimula ng umatake si Aurora.

Ice blizzard. Ice dagger..sabay na atake ni Aurora.

Nagulat naman ang lahat sa nakita nila.

Isa siyang ice magic user diba naubos na sila 18 years ago? Bulong bulongan ng iba.

Kaya pala gulat sila dahil wla nang natitirang ice magic user maliban nalang kay Aurora.

NAgkaroon naman ng crack ang barrier. Unti-unti itong lumalaki patuloy lang ito sa pag atake at tuluyang nabasag ang unang barrier.

Hindi naman kami naabot ng power kung sino man ang nasa loob tahil may barrier na nakahiwalay sa manonood.

Ice sword Storm- Umulan ng espadang gawa sa ice at pinapatama ito lahat ni Aurora sa pangalawang barrier. There is still 1 min left. Unti- unti naman ng karoon ng crack ang pangalawang barrier. Patuloy lang ito sa pag atake ng ibat ibang spell haggang matapos ang oras. Lumabas naman sa screen ang score ni Aurora and its 91.

Congratulation Aurora you are now part of royalty section. Bumalik naman ito sa pinag-upuan niya at tahimik lang ito. sabi ng MC

Nga pala ang mga healing ability ay may ibang pagsusulit dahil hindi naman nila kaya ang mga attack spell.

May iba din pala silang section na purong mga healer lang.

Natapos na ang warrior section at mukhang si Aurora lang ang nangibabaw sa kanila may roon naman napunta sa higher section at may nanatili parin.

Elite section naman ang sumunod.

Wala namang nakapunta sa kanila sa Royalty marami ang tumaas ang level at napuntang master.

Ngayon naman ang Master Section.

Alexa Scotwood

Tumayo ang babaeng may green na buhok green din ang mga mata nito. Naglakad na ito pababa at pumasok sa barrier.

Ready Start-hudyat ng MC

Nagisimula naman ng umataki si Alexa. Giant Plant shooter. Nagpatubo ito ng malaking tanin ang ito ay tumirang bilog na pinapatama sa barrier nagkaroon naman ang crack ang barrier dahil sa pagsabog. Ultimate vine grip. Pagcast ng spell nito. May malalaking parang gamot naman ang tumutubo at pinaikutan nito ang barrier.Unti unti naman ng crack ang unang barrier. Pahigpit nang pahigpit ang mga ugat na pumapaikot sa barrier at tuluyan na itong nabasag. Nag palakpakan naman ang manunuod. Mayroon na lamang isat kalahating minuto ni Alexa para umatake.

Nagcast naman uli ito ng isang spell. Solar plant beam. Tumubo naman ang isang halaman na umiilaw at tumira ito ng solar beam ilang segundo nalang ang natitira sa oras. Tumama ito sa barrier at nagkaroon naman ng malaking crack ang pangalawang barrier.

Lumabas sa screen ang score ni Alexa. 92. Congratulations Alexa you got 92 you are now part of Royalty section.

❄️❄️END OF CHAPTER❄️❄️

𝓜𝓪𝓰𝓾𝓼 𝓐𝓬𝓪𝓭𝓮𝓶𝔂 (𝓣𝓱𝓮 𝓤𝓷𝓴𝓷𝓸𝔀𝓷 𝓟𝓞𝓦𝓔𝓡𝓕𝓤𝓛  PRINCE)Where stories live. Discover now