Lascivious Casanova 03

Mulai dari awal
                                    

Tama ang sinabi niya. Kung ano anong ideya ang iniisip namin para sa fundraising pero hindi ganoon kalaki ang nalilikom namin. Samantalang si Jax ilang hagis lang ng barya. Padarag kong inipon ang buhok pataas at ipinupusod habang naglalakad pasunod kay Cathy.

Kahit si Harry na president ng student council ay walang magawa sa mga kalokohan ni Jax. Ako pa kaya na vice president lang? Gusto ko siyang isumbong sa Lola niya pero baka hindi ako paniwalaan dahil mahal na mahal nito ang apo at baka kunsintihin lang din kung magsusumbong ako.

"Masama pa rin ang loob mo?" nakangiting bungad ni Harry pagkapasok ko para sa inilaang kwarto ng paaralan para sa mga student body.

"Ayos na ako Harry. Naisip ko rin na hindi sapat ang detention bilang parusa sa kanya. Hindi naman iyon matututo kahit ma-detain pa siya. He should be expelled. Maraming estudyante ang ginagaya siya. Nagiging bad influence siya sa maraming mag-aaral at ang tanging paraan lang para matigil iyon ay ang mapa-alis siya."

Mahinang natawa si Harry dahil nakasimangot ako habang nagsasalita. Malayong malayo nga naman ang mababasa sa mukha ko sa sinabi ko sa kanyang ayos na ako. Because he knows the truth that I won't be okay as long as Jax studies here. Ginulo niya ang buhok ko't pinaghila ako ng upuan para makapagsimula na sa meeting.

Ilan minuto lang ang kinain ng meeting na iyon. Nang makalabas sa kwarto'y nagkanya kanya na kami ulit. Nag-volunteer kami ni Irene kay Harry na puntahan ang lugar na pwedeng pagdausan ng fundraising sa kabilang building.

It's just that Irene has to go somewhere first, kaya ang nangyari'y akong mag-isa ang narito ngayon. Maraming puno at sa malayo ay nagsisimula na ring tumaas ang mga talahib. I will not be surprised because students rarely visit this building, sa palagay ko nga'y wala na ring nagpupunta rito. Ang iba pa'y ginagawa itong katatakutan at sinasabing may nagpapakitang multo.

Habang naglalakad ay naiisip kong lagyan ng designs ang mga puno para magkaroon ng gabay at nakakahalinang puntahan ang paggaganapan ng event. Hindi naman liblib ang lugar kaya't magandang lagyan ng dekorasyon. Kinilabutan ako sa dumaan na malamig na hangin nang makarating sa building. May pagka-madilim dito dahil hindi abot ng araw.

I was checking the props we used for cheerleading last year. Dito namin itinambak ito at nakalimutan na palang alisin. Kung hindi pa ako nagawi rito at hindi ko nakita'y hindi ko maaalala. Hindi naman makalat. Malinis at kabaligtaran sa sinasabi nilang nakakatakot.

Iyon ang nasa isip ko hanggang sa may marinig ako. Napatayo ako ng tuwid at kahit hindi naman ako naniniwala sa mga multo'y kinilabutan ako. Hindi ko na sana papansinin at iisipin na baka guni guni ko lang ngunit nanlaki ang mga mata ko nang maulit pa ulit ng sunod sunod ang tunog na iyon. Para itong ungol ng babae na nasasaktan. Parang iyak ng nagmamakaawa.

Kung iba siguro'y nanakbo na paalis. Samantalang ako'y sinundan pa kung saan nanggaling ang tunog. Totoo ba ang mga sinasabi nilang may nagmumulto rito? May nakakita na ba sa kanila kaya walang nagtatangka magpunta mag-isa sa lugar na ito?

Palapit ako ng palapit sa likod ng building ay lalong lumalakas iyon. Napalunok ako at mabagal ang ginawang pagsilip. Nang una'y inakala kong may makikita talagang kakaibang elemento. Ngunit nang matitigan ko kung sinong naroo'y mas gugustuhin ko pa yatang makakita ng multo.

Napatakip ako ng dalawang kamay sa aking bibig. Kahit nakatagilid ay kilalang kilala ko kung sino ang lalaki. Nakatingala at nakapikit. Maliit na nakaawang ang mga labi at mabilis ang paghinga. Hawak nito ang isa sa mga hita ng babae na narinig ko. Ang kanyang ibabang katawan ay gumagalaw. Nakasandal ang babae sa pader. Magkaharap sila at parehong nakatayo.

Kahit hindi ako lumapit at kahit unang beses kong makakita ng ganito, walang duda na alam ko ang ginagawa nila. Sugarol, mabisyo, at basagulero ang pagkakakilala ko sa kanya. Wala akong nakikitang babae na kasama niya, ayon pala'y patago niyang ginagawa.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang