Chptr seventeen

4 1 0
                                    


Matapos ang tanghalian namin ay dumiretso na sila almira,ellery At pazeana sa guest room para magpalit ng damit dahil sasamahan nila ako sa Kasal ni Rembrandt ngayon

Aaminin ko sa sarili ko na hindi pa ako handa na makita siyang ikasal na hindi na ako ang lalakad papunta sa harap,at sa magdaraang gabi ay hindi na ako ang matatawag niyang asawa...

Tinignan ko ang anak ko na ngayon ay natutulog na sa aking bisig,kapag tinititigan ko siya ng ganito ay hindi ko maiwasan malungkot,lumaki siyang hindi kilala ang kanyang ama,nagkaisip na walang ama natutong magsalita na hindi Kasama si Rembrandt...minsan natatanong ko sa sarili ko na sumagi rin ba sa isip ni Rembrandt ang kalagayan ko? Namin?,pero hindi na ko magtataka kung hindi na kase alam nilang lahat na patay na ako Eh Ano pang magagawa ko? Sa sitwasyon na ito Wala akong laban At ako ang talunan

Agad kong pinunasan ang mga luha sa aking mga mata ng makita ko si Almira na nakasandal sa hamba ng pintuan dito sa sala At nakatingin ng seryoso sa akin

"Magiging maayos din ang lahat lucia" Ani niya sabay lapit sa amin ng anak ko

"Ang akala ko kaya ko ng harapin ang araw na ito haha nagkamali ako h-hindi ko pa pala kaya Almira" umiiyak na ani ko sabay yakap sa anak ko

"Work On being in love with the person in the mirror,who has been through so much but is still standing and that person is you lucia,don't give up cause sometimes it take sadness to know happiness,noise to appreciate silence and absence to value presence,ngayon ka paba susuko sa dami ng pagsubok na nalagpasan mo na? Kung kailan malapit kana sa tagumpay tsaka ka magpapahinga? Don't worry lucia nandito kami Para sayo hindi ka namin iiwan" ani niya sabay hagod sa likod ko

"Salamat Almira" taos puso kong Sabi sabay punas ng luha ko

Natauhan ako sa advice niya isa Lang ang narealize ko

Kailangan kong lumaban kahit hinang hina na .....

"Halika na At malapit ng magsimula ang kasal" sakto naman ang pagbaba ni pazeana an ngayon ay hawak ang pouch niya

"Umiiyak kaba Lucia?" Nag aalalang tanong ni ellery

"Napuwing Lang,dadalhin ko Lang ang anak ko sa kwarto ni kuya,hintayin niyo nalang ako sa kotse" Nakangiting ani ko na tinanguan Lang nila

Naabutan kong nagaayos ng necktie si kuya levi habangnakaharap sa salamin

"Kuya" pang agaw ko ng atensyon dito na ikinabaling naman niya

"Come here baby,ihiga mo muna si baby calli diyan" kuya levi said

Nang maihiga ko si calli sa kama niya ay agad akong lumapit sa kanya,nabigla ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit tila Ayaw ako pakawalanan

"May problema ba kuya?" Seryosong ani ko sabay tingala sa kanya

"Wala Pero alam ko hindi ka maayos ngayon" nagaalalang ani nito sabay haplos sa ulo ko tila pinapatahan ako

"Kuya naman Eh" mahina kong hinampas ang dibdib niya kasabay ng paghagulgol ko

"Shush baby,don't worry hindi ka pababayaan ni kuya Hmm gagawin ko ang lahat para sayo at sa pamangkin ko" seryosong ani nito

"Salamat kuya" I said while wiping my tears away

Matapos ang iyakan sa kwarto ni kuya levi ay bumaba na ako At dimiretso sa kotse kung saan naghihintay ang tatlo na tila inip na inip na

"Late na tayo ng 20 minutes girl" ellery said

"Ok Lang yan hindi naman tayo invited Eh" natatawang ani ko

Longest road Where stories live. Discover now