Chptr one

34 5 0
                                    

Blanchefleur mansion

Sonia pov (lucia's mother)

"Matthew!!!!" Sigaw ko habang umiiyak..

Hindi ako mapalagay habang tinitignan ang telebisyon kung saan nakikita ko ang barko ng aking anak na sumabog patungong tsina... Alam na alam ko ang itsura nito dahil kami mismo ni matthew ang bumili nito para sa Kanya hindi ko inaakala na mangyayari ito...

Mula sa ikalawang palapag nakita ko si matthew na ang aking asawa na patungo sa aking kinaruruonan,nang madako ang kanyang paningin saakin ,Gulat ang kanyang naging reaksyon

"M-Matthew" nanginginig na utal ko habang siya naman ay agad akong dinaluhan At niyakap

"Anong nangyari bakit ka umiiyak?" Naguguluhang tanong niya

Nanginginig kong tinuro ang telebisyon kung saan idinadala ng mga nurse o pulis ang mga taong pwede pang maisalba ang buhay

Nangunot naman ang nuo niya at ng unti unting rumehistro sa kanyang isipan ang napanood napakuyom ang kanyang mga kamao na tila handa ng manuntok ng kunsino At nagliliyab ang mga mata habang nakatitig sa telebisyon..

Kumalas siya sa pagkakayap sa Akin At dali dali kinuha ang kanyang telepono....

"Hon a-Anong gagawin natin? P-Paano kung May nangyaring masama sa anak natin? Paano ang Apo natin? Hon pleaseee gumawa ka ng paraan y-yung anak natin matthew" utal na saad ko habang pinupunasan ang aking mga luha

Hinalikan niya ako sa aking noo At muli ng niyakap,umiyak Lang ako ng umiyak hanggat sa narinig ko na ang pinaguusap nila mula sa kabilang linya

"Son pumunta ka ngayon sa mansion ngayon na." Yun Lang at pinatay na niya agad ang tawag

Agad siyang bumaling saakin at May bakas na kaba At lungkot sa mga mata niya At labis na takot ang makikita dito,lalo akong napahikbi dahil tila nawawalan na ako ng pag asang buhay pa ang aking anak...

Paano na yung bunso namin?
Iniisip ko palang kung gaano kasakit At kahirap ang sitwasyon niya ngayon sobra na akong nanghihina,Hindi ko alam Kung ano ang dapat kong simulan na hakbang para iligtas ang anak ko kung alam kong mahigit pitong oras na ang nakalipas mula na ito ay umalis.

Base sa napanood ko sumabog daw ang barko kung saan libo libong mga tao ang nandoon,nasisiguro ko na sisisihin ni lucia ang kanyang sarili dahil sa nangyari.

Hindi ko gusto na ang bunsong anak namin ni matthew ay mawala lalo na at dinadala niya ang apo namin,Sobrang selan niyang magbuntis tulad ko noon...

Lord please iligtas niyo po ang anak At apo ko

Maya maya pa ay nakita ko ang Di maipintang mukha ng aking anak marahil dahil sa pagsagabal ng kanyang ama sa kanyang trabaho,ngunit Wala na akong pakealam kung hindi siya pumasok o mawalan kami ng iilang milyong salapi kung ang anak ko at kapatid niya ang tinutukoy dito...

"Dad...,, alam mo bang may meeting kami ngayon?! Ilang milyon ang nasayang dahil Lang sa pagtaw—" hindi na niya natuloy ang kanyang sinasabi ng bigla siyang nakatanggap ng isang suntok mula sa kanyang ama

Nanlilisik na tinignan ni matthew si Lawrence na ngayon ay nakahawak na sa labi ng May bahid ng dugo,,,

Nanginginig na tinuro ni matthew ang telebisyon kung saan nakikita ang mukha ng aking anak na siyang kapitan ng barko,lalo akong napaiyak ng makita ko ang kanyang mukha

"Mas iintindihin mo pa ba yan sa kapatid mo?!!! Huh Lawrence?!!! Aanhin ko yang putanginang milyon na yan kung yung kapatid mo at pamangkin mo ay nasa bingit ng kamatayan?!!! Maibabalik ba niyan ang buhay ni lucia kapag nakuha mo yang milyon na yan?!!! Sumagot ka!!!!!"

Longest road Where stories live. Discover now