Chptr eight

14 3 0
                                    

"May nakapag sabi sa akin na nakakapampahaba daw ng buhay ang pag lilipstick" seryosong Ani ni aze

Napabaling ang tingin ko sa kanya na nagtataka

Tangena hibang nakadrugs ata tong babaeng toh Eh

Inis ko siyang inirapan At muling tumingin sa salamin

Ngayon ang kaarawan ng anak kong si callisto,sa nagdaang mga araw At linggo ay ni isang araw ay di nakalimutan ni kuya levi ang bisitahin kami ng anak ko,minsan napapaisip ako kung napapansin ba ni mommy at daddy ang araw araw na pag Alis ni kuya sa mansion,pilit niya parin akong kinukumbinsi na magpakita At bumalik na sa lungsod,although nasa plano ko naman iyon pero kailangan ko Munang ayusin lahat ng kailangan ko tsaka ako babalik sa mansion

Aaminin ko na kinakabahan ako sa pwedeng mangyari kapag nagpakita ako kaagad,madaming sumasagi sa isip ko na kung what if ganon what if ganyan,hindi pa ako handang harapin ang asawa ko lalong lalo na ang malanding sawa na iyon dahil baka mabulilyaso ang plano ko

"Huy hindi kaba naniniwala sa Akin? Totoo nga ang sinasabi ko" nangungumbinsing pukaw ng atensyon sa akin ni aze

Seryoso ko siyang tinitigan At walang kwentang sinagot ang nakakagagong tanong niya

"Kapag ba sinaksak ko ng kutsilyo ang lalamunan mo ngayon,yung lipstick ang makakapagpahaba ng buhay mo?" Nakataas ang kilay na tanong ko Din sabay pinagsiklat ang mga Braso ko

Agad naman siyang nag sad face na ikinangiwi ko,tula maiiyak sa sinabi ko

"Ihh Sabi kasi totoo daw yun eh" nakangusong pakikipagtalo nito

"Potangena aze kahit sinong tao maiinis sa tanong mo" naiinis na sagot ko Din

Hanggat maaari ayokong masira ang araw ko dahil importanteng araw ito para sa akin,6 years old na siya ngayon kaya kailangan kong ngumiti At maging masaya,isantabi ang problema kalimutan ang lungkot dahil walang maidudulot na Mabuti para sa amin ng anak ko

Umalis na nakanguso si aze sa harapan ko kaya agad kong pinagpatuloy ang pag memakeup ko,madaming bisita ang anak ko,pupunta ang mga classmate niya pati na din ang mga magulang nito kaya kailangan ko talagang maging maayos,pinapunta ko din si kuya levi pinadalhan ko siya ng invitation nuong nakaraang araw dahil hindi siya nakapunta,sa opisina ko niya pinadiretso ang invitation Mahirap na baka May makakita

Matapos kong mag make up ay lumabas na ako sa kwarto ko at dumiretso sa kwarto ng anak ko para bigasan, alas tres ang simula ng party ni callisto kaya kailangan na niyang ayusan dahil ilang minuto nalang ay darating na ang mga bisita

Binuksan ko ang pintuan At nadatnan ang anak kong nakahiga sa kama,nilapitan ko siya At masuot ng hinaplos ang pisngi

"Baby,kailangan mo ng mag ayos,malapit na magsimula ang party mo" nakangiting ani ko sabay Alis ng kumot sa kanya

Agad naman itong naalimpungatan At niyakap ang bewang ko

" Moma Inaantok pa po ako" pipikit pikit na Ano niya sabay dukdok ng mukha sa tiyan ko

Hinaplos ko ang buhok niya sabay hinalikan sa noo

"Baby dadating ang mga kaibigan mo,Ayaw mo ba nun?"

"Syempre po Moma gusto ko po pero po inaantok pa po ako" sagot niya At halatang nakanguso na ito

Napatawa naman ako At binuhat ang aking anak patungong banyo,yumakap naman ito At isiniksik ang mukha sa leeg ko,napapailing nalang ako At nangingiti kapag ginagawa niya ito,parehas sila ng asawa ko kapag bagong gising,kundi hahalikan ay isusuksok ang mukha niya sa leeg ko ang pinagkaibahan Lang nila ng anak ko ay si Rembrandt naglalagay ng Marka Samantalang si callisto naman ay hinahalikan Lang

Longest road Where stories live. Discover now